Chapter 36

15 3 22
                                    

Bettina ayaw ko nang kasama itong kasintahan mo! Mas gusto ko nalang sa bahay.

Sumakay kami sa kaniyang itim na kotse.

"Office hour pa. Baka kailanganin ako ni Sarah," pagpapalusot ko.

"Are you concerned about her? I never thought you'd like my cousin," tumatawang sabi niya.

Patawarin. Hindi ko nga gusto yung pinsan mo kahit na isang pagkakataon nga.

"Just teasing!"

"Ha—Ha... Ha."

Binalutan kami ng katahimikan dahil sa blanko kong tawa.

"Anyway! I need your help!" Kumikinang ang kaniyang mga mata sa bawat salita.

"Ano?"

"For Bettina!"

"Ano?"

"I know you're his best friend since... Long ago right?"

"Ano?"

"I need your help! Please help me!"

"ANO NGA?!"

Nagulat siya sa akin halos maitapon na niya ang sarili niya. Napapikit ako at napahinga ng malalim.

"Ano nga ba ang maiitulong ko?"

Umayos na siya ng upo at napatikhim pa. "Gusto ko sana malaman kung ano yung mga preferences ni Bettina."

"Preferences?"

"Oo, kung anong gusto niya. Favorites niya."

Tapos tatawagin mo ang sarili mo na lalaking mahal siya? Miisa nga yata wala kang alam tungkol sa kaniya.

"Hindi ba dapat alam mo?"

"Hah?"

"Kasi kasintahan ka niya."

"Umm... Anong point mo?"

"Ang punto ko dapat mas kilala mo siya kaysa sa akin. Talaga bang matagal mo na siya kilala bago ka nanligaw?" Nakataas kilay kong tanong.

Umiwas siya ng tingin. "Hindi."

Buti nalang wala kang takot magsabi ng totoo.

"Hindi ko siya kilala noon. She's nothing to me back then."

I-record ko kaya sa aking cellphone lahat ng convo namin? Kaso 'wag na.

"I have a girlfriend... Anna."

Hindi ako interesado makinig.

"Anna Won is her name..."

"Di ba na mention ko kanina na may ex si sir Levin?"

"Oo."

"Yung ex niya na yun is six years naging sila. Same day ng proper proposal niya sa kaniya hiniwalayan siya para bumalik ng America."

"Ang sakit non."

"SOBRA! Kaya halos magpakamatay na non si sir Levin!"

"We've been together for years, for six years, Kahir. Anna and I... I love her so much to the point I wanna end my life when she left me."

"Kaso related ito kay Bettina."

"Paano naman?"

"Dahil nung time na dapat magpapasagasa si sir Levin biglang hinatak siya ni Bettina. Simula noon doon na siya napansin ni sir Levin. Hindi nga niya pinapansin kapag naggri-greet pero ngumingiti siya ng palihim."

How to say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon