CHAPTER 39 - TUESDAY CONVOS

985 26 0
                                    

CHAPTER 39 – TUESDAY CONVOS


"Walang nangyari. Walang nangyari. Walang nangyari. Walang nangyari. Walang nangyari." Yan ang paulit-ulit kong sinasabi simula kaninang madaling araw pagkagising ko na katabi ko si Cloud. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinayagan ko yung sarili ko na mapalapit sa kanya. Kung gusto niyong malaman kung may nangyari sa aming dalawa...well, we kissed, a couple of times, we cuddled, but more than that? Nothing happened.

Yes, if you ever need another confirmation, well, here it is: NOTHING MORE INTIMATE THAN HUGS AND KISSES HAS EVER HAPPENED.

Ugh! Bakit ba hindi ako mapakali! Nasaan na kaya si Cloud? Syempre, at this hour, gising na yun. Nang magising kasi ako ng 4 kanina umaga at mabungaran ko yung mukha niya ehh agad-agad akong nagbihis at umuwi na sa Maynila. Wala na rin namang bagyo at hindi na rin umuulan ng malakas. Medyo traffic pa rin kahit papaano dahil medyo baha pa rin pero nakauwi naman ako kaagad. Sa ngayon, wala pa akong natatanggap na text or call mula sa kanya, kaya siguro baka ayaw rin niyang pagusapan yung nangyari kagabi.

To tell you honestly, ayoko siyang makita o makausap ngayon. Kailangan kong kalimutan yung mga nangyari kagabi. Kailangan kasi kailangan.

"Okay, Rain, walang nangyari kagabi. Walang nangyari. Walang nangyar—"

"Anong walang nangyari???" Bigla akong napaharap sa pinto ng opisina ko kung saan ehh nandoon si Gerald habang nakatayo. Ilang araw ko rin hindi nakausap tong bestfriend ko ah. Pero ang problema ko ngayon ehh kung paano ko lulusutan yung narinig niya. Huhuhu.

"Ahm...Ah-eh, Gerald naman! Bakit bigla-bigla ka namang pumasok sa opisina ko! Why didn't you knock first!?" Kunyari ehh galit yung expression ko para naman may konting segue hahaha.

His expression finally softened. "Ahm...sorry. And sorry rin sa nangyari last week. Alam kong hindi dapat ganun yung inasta ko but I can't help it, I've really fallen for you, Rain. Years ago..." Nung makita niya na ibubuka ko yung bibig ko ehh nagsalita agad siya, "Pero hindi ko sinasabi to para ipagpilitan yung sarili ko sa'yo. Alam ko naman kung gaano ka nasaktan sa previous relationship mo kaya ayokong madaliin ka. Alam ko na ngayon yung kailangan kong gawin...and that's to stay as your best friend until you're ready to turn this friendship into something more..."

Bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ngayon na 'sige, maghintay ka' dahil hindi ko alam kung may hihintayin ka. Hindi ko alam kung kakayanin ko na mahalin ka nang higit pa sa kaibigan. Alam mong mahal kita Gerald. You're like a brother to me. Yun ang nakikita ko sa'yo ngayon. Alam kong masakit tong sinasabi ko pero ayoko kasing umasa ka. Ayokong isipin mo na pinapaasa kita...kasi natatakot ako na baka nga ganun yung ginagawa ko ngayon. I know it's so selfish of me, but I'll tell you this anyway...I wanted you to stay by myside as a friend...kasi hindi ko kaya i-picture yung sarili ko, yung buhay ko na hindi kita kasama."

He smiled at what I said, "Sapat na sakin yung malamang kahit papano ehh importante ako sa buhay mo at ayaw mo na mawala ako. That lifts my spirit big time." He said jokingly. Yan lang pala yung kailangan kong marinig galing sa'yo sa ngayon. So thank you so much."

We hugged for at least a couple of minutes when he yanked me away. "What???"

"Sana bumalik tayo sa dati...nung hindi mo pa alam yung...alam mo na." Pagkatapos ay nagkamot siya ng ulo.

"Hm...mukhang mahirap ata yun..." I said uneasily.

"Sorry talaga...dapat kasi hindi mo nalaman agad ehh. Nabigla ka tuloy. Kahit hindi mo naman sabihin alam kong may awkwardness kang nararamdaman ngayon." At tama siya, medyo awkward nga sa pakiramdam ang pakikipag-usap sa taong nalaman mo ehh may gusto sa'yo. At mas awkward pa yung nagkayakap kayong dalawa.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now