CHAPTER 47 - YEAH, MAYBE

930 29 9
                                    


CHAPTER 47 – YEAH, MAYBE

"Rain, let's swim!!!" Sigaw sa akin ni Gerald habang abala sila ni Mawu sa paglangoy sa dagat.

"Onga, Rain, tara na!!!" Yaya nito.

"Mamaya na lang. Tinatamad pa ako magbihis eh." Sabi ko sa kanila tapos eh umupo lang muna sa ako buhanginan. Sobrang tirik yung araw kaya buti na lang eh naglagay ako ng sunblock. At kahit na mainit ehh naka-long-sleeves pa rin ako, bet? Lol. Mahirap na mag-age prematurely no.

"Dali na, Rain! Pleaseeeee!!!" Tapos eh nagpa-cute pa si Mawu. Sus.

"Fine." Tapos eh ayun nagbihis na ako. Naka rash guard ako actually tsaka shorts. Ayokong mag-swimsuit, baka sabihin nila I'm showing off. Kahit bet na bet ko dahil naka-two piece din si Ghem na red pa. At tsaka, sobrang init rin kasi. Okay na'to.

Pagkalabas ko ehh tinitigan pa ako ni Ghem. Hoy bruha, nahuli ko yun ah. I just ignore her at tuloy-tuloy na pumunta kila Mawu ngunit hinawakan niya yung braso ko.

"What do you want!?" Pasinghal na sabi ko dito at pwersahang inalis yung braso ko sa pagkakahawak niya. Ang sakit nun ah. Pero hindi siya nagpaawat at kinuha ulit ito. Pilit kong inaalis pero hindi ko magawa.

"Ano ba, Rain. Hindi mo ba maintindihang ayaw na sa'yo ni Cloud!?" Galit na sabi niya.

"What are you talking about!? Pwede ba, bitawan mo nga ako!" Hanggang sa matanggal ko yung braso ko sa kamay niya.

"Akala mo hindi ko alam...na hanggang ngayon patay na patay ka pa rin sa kanya!" Unti-unti siyang lumapit sa akin. Sa totoo lang, nakakatakot siya. Pero sa lahat ba naman ng sakit na naranasan ko buong buhay ko, hindi pa ba ako matututong lumaban?

"Pwede ba, wag mo ako basta-basta na lang hinahatak at sasabihan ng tungkol sa boyfriend mo! Napaghahalataang grabe katindi yang insecurity mo!"

"Huh! As if! You're telling me I'm insecured? Ano ka pa, hindi ka lang masokista, nangangabit ka pa! Malandi ka! Ako na yung girlfriend, diba!? Anong klaseng babae yung pumapatol pa sa taken na!?" Singhal nito.

"Alam mo, Ghem, ayoko nang makipag-usap sayo eh, sa inyo ni Cloud! So please, pwede bang pareho kayo mawala na lang sa buhay ko!"

"Wow. Ayaw mo nang makipag-usap sa amin ni CLOUD!?" Emphasizing his name, "Eh kagabi lang magkasama kayo! Did you ask him to come by your room!? Did you!?"

"No! If there's one person you should be mad to, it's your boyfriend! Siya yung pumunta sa kwarto ko habang lasing siya. Tell me, Ghem, sa tingin mo ba, ikaw lang ang gusto niya!? I was the one he's run into, not you!"

Nang akmang sasampalin na ako ni Ghem, pinigilan ko siya. Sa sobrang inis ko, ako yung sumampal sa kanya.

"How dare y---"

Akmang sasampalin rin ako ni Ghem nang, "Ghem, stop it!" Cloud. Lumapit siya sa aming dalawa. "Please...wag na kayong dalawa mag-away."

"Pero sinampa—"

"I said stop it, Ghem!" Halata sa mukha ni Ghem ang inis, siguro dahil sa ako nakasampal sa kanya pero siya hindi man lang nakaganti. Dagdag pa na...well, lumalabas na ako ang kinampihan ni Cloud. Sort of.

"Next time, wag kang sasali ng spin the bottle at baka malasing ka ulit at pumunta ka na naman sa kwarto ko para makitulog! At next time, bantayan mong mabuti yang girlfriend mo para hindi na niya ako basta-basta na lang hinahatak at sinasabihan na nilalandi kita. Alagaan mong mabuti baka magkatotoong magkasakit yan. Hindi ako doctor pero ngayon pa lang nakikitaan ko na yan ng sakit sa utak." Pagkatapos kong sabihin yan ay tinalikuran ko na silang dalawa.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now