CHAPTER 16 - YOU STILL LOVE ME

1.2K 27 2
                                    

CHAPTER 16 - YOU STILL LOVE ME

i was busy doing paperworks when someone knocked on my office door. "Come in." I said, continuing what I was doing.

"I never asked you if you'd liked your new office, did I?" Someone says as I heard the click of the metal thing of my office door. When I looked up, it's him. Cloud.

"Mr. Sylvana. How surprising!" I said, trying to put the best smile. "What brings you here?"

Instead of answering me, he then walked around my office. Doon ko lang napansin how he looks today. Well, normal business attire, except what he wore today really suits him. Tsk, ako pa ba magtataka? No wonder, model nga siya diba? Kahit ano naman ata, bagay sa kanya. Kahit ata pinaglumaang damit, magmumukhang bago kapag suot niya eh.

But wait? Am I complimenting him? Tsk. I shook my head as if trying to remove the thoughts from my brain. Tsk. "Is there something wrong, Skye?"

I was about to answer him when I realized he just called me with my...er...former name...or I might say...yung name ko nung nakilala niya ako the first time. "Please do call me Rain, Mr. Sylvana." Ngumiti pa rin ako sa kanya, trying not to show what I really felt the moment he called me Skye. Ayoko nang ibalik yung memories dati. Ayoko nang isipin kung bakit ako nagpalit ng pangalan dati...para makahanap ng isang tao mamahalin ako at hindi ako lolokohin gaya nung ginawa nung lalaking una kong minahal.

Akala ko kasi talaga dati, nakita ko na siya. Akala ko nakita ko na yung lalaking mamahalin ako, kahit pa pangit at mahirap lang ako. Akala ko kasi nun...si Cloud na yun eh. Akala ko lang pala. Sana hindi na lang ako nagpanggap. Sana hindi na lang ako bumalik sa Pilipinas nun, edi sana, hindi ko siya nakilala. At sana...kilala ko pa rin ang sarili ko ngayon. Kasi pakiramdam ko, hindi ko na kilala kung sino nga ba talaga ako. Na palagi na lang akong nagtatago sa katauhan ng ibang tao. Ang gusto ko lang naman...may isang taong magmahal sa akin ng totoo...hindi yung dahil si Rain Lopez ako...na sikat na model, maganda, mayaman, hinahangaan...Kung hindi bilang ako lang...yung totoong ako.

At na-realize ko, I should really learn to wait for the right time. Kung para sa akin ang isang tao, then I believe, no matter what it takes, sa akin pa rin siya. At kung hindi naman, hindi dapat ako nagho-hold on because the more I hold on, the more I'll get hurt.

Looking at this very familiar face of Cloud, nararamdaman ko sa sarili ko na kahit papaano, thankful pa rin ako dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ako matututo.

"Why?" He asked expressionless.

"Because that's my real name." Kahit na nakangiti ako sa harap niya, ramdam ko pa rin yung nerbyos sa sarili ko na baka isang galaw o isang salita lang niya, bumalik ako sa dating Skye na walang ginawa kung hindi umiyak nang umiyak. Yung Skye na sobrang depress...Yung Skye na halos hindi ko na makilala. I never thought magkakaganoon ako dati. Sobrang naging miserable ang buhay ko nun at ayoko nang maulit ulit pa.

Gusto niyong malaman kung paano ako nag-cope up nung nasa France ako? Nah, hindi ko pa ata kayang ikwento lahat sa ngayon. Masyadong masakit pa rin kapag iniisip ko. 

"I've known you as Skye." There's gentleness in his eyes while he said those words. Kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now