CHAPTER 40 - CONFUSED FEELINGS

893 24 0
                                    

CHAPTER 40 – CONFUSED FEELINGS


"Rain, iniiwasan mo ba ako???" Paulit-ulit na tanong ni Cloud habang nagpi-pictorial kami. Tumawag kasi kanina si Jonica at ininform kami na may biglaang photoshoot ngayong araw. Kailangan na kasing magawa yung issue ng magazine para sa August. At yung mga pictures namin na ginawa last week at ngayong araw ehh yung mga ilalagay para sa doon. At thankfully, this is the last day! Tatapusin na kasi lahat ngayon.

"No." Maiksing sagot ko. Ehh paano ba naman ehh baka magalit na naman si Zidjian kapag mali-mali yung pag-pose namin. Eto naman si Cloud parang hindi aware na ayaw ko siyang makausap. Not after what happened yesterday.

"Right. Hindi mo nga ako iniiwasan. Ehh kanina ka pa sagot nang sagot ng 'no' without even explaining." Naiinis na sabi niya. Okay, continue to ignore him, Rain. Wala kang mapapala sa kanya. Bumalik ka na lang sa dating Rain na walang pakialam.

"Pst. What's happening???" Mahinang tanong ni Karvy. Diba nga, siya na yung ka-partner ko sa shoot? Kaya nandito siya. At nagkataon lang na tatlo lang daw kami nila Cloud at Karvy and pi-picture'an kaya naman ehh malakas ang loob ni Cloud na kausapin ako. Hindi naman niya yun gagawin kung nandito si Ghem noh, asa pa kayo. Psh.

"Isa ka pa, tumahimik ka diyan." Bulong ko sa kanya. Sumimangot naman siya. Si Cloud naman ehh mukhang irita na tumitingin sa aming dalawa. Problema niya?

"What are you three doing!?" Sigaw ni Zidjian. Sabi na nga ba eh. Ang kulit naman kasi eh. "Didn't I tell you, Cloud, to stay close to Rain? Bakit parang ayaw mo siyang dikitan ha??? At ikaw naman, Karvy, look at the camera! Wag mong titigan ni Rain! At isa pa, Cloud, yung mukha mo ayusin mo! I said straight face!"

.                                                                                      

.

.

"Skye!"

I turned around. It was Cloud. "What do you want this time? And stop calling me Skye."

"Ano bang problema mo???" Halata sa mukha niya na medyo confused na frustrated na ewan siya.

"Wala. Ikaw ata tong may problema eh. Kanina ka pa tanong nang tanong." Mahinahong sagot ko sa kanya at tumalikod at naglakad papunta sa bench kung saan ay hihintayin ko si Gerald na sunduin ako. Tumawag kasi siya after shoot na pupuntahan niya daw ako. Hindi na ako nakatanggi kasi pilit siya nang pilit at sinabi niyang on the way na rin daw siya. Hindi na ako tumanggi kasi wala akong dalang kotse ngayon. Sumabay lang kasi ako sa van dahil hindi ko rin alam yung papunta sa venue. Si Karvy naman ehh nag-insist na ihatid ako kaya lang sabi ko ehh wag na kasi may lakad sila ng mga kaibigan niya at out of the way rin kasi yun sa condo ko.

"Iniiwasan mo ako eh." Patuloy pa rin siya sa pagsunod sa akin.

"Iniiwasan? Hindi ba ganito naman ako sa'yo araw-araw?" Which is the truth.

"But after what happened last Monday night, akala ko okay na tayo..."

Akala ko rin eh. Pero pagkatapos ng nangyari kahapon? Na hindi mo sinabi kay Ghem na natulog tayo sa iisang kwarto, sa iisang kama, na magkayakap buong gabi? Na-realize ko na hindi na dapat ako umasa...kasi wala namang ibig sabihin yun sa'yo eh. Paulit-ulit mong ipinapamukha sa akin na mas mahalaga si Ghem simula dati pa. So hindi dapat ako magpa-apekto. Pagkatapos na maipalabas ng magazine ehh ite-terminate ko na agad yung kontrata sa sa'yo. Magfo-focus na lang ako sa sarili kong business tutal malapit na rin namang matapos yung boutique na ipinapagawa ko dito. Or better yet, babalik na lang akong Paris...just to be away from you.

Gusto ko yan sabihin sa kanya kaya lang pinanghinaan ako ng loob. Kapag sinabi ko yan sa kanya, para ko na ring inamin sa sarili ko na balewala lang yung ilang taong ginugol ko sa pagmo-move on sa kanya dahil hanggang ngayon ehh parte pa rin siya ng buhay ko.

"Kalimutan mo na lang yun. Wala ako sa matinong pagiisip nun dahil sobrang nilalamig ako at wala na akong paki kung ano o sino pa yung yumakap sa akin." Sabi ko.

"Ganun na lang ba yun??? Bakit iba yung naramdaman ko???" I ignore him. "Rain, ipaliwanag mo naman sa akin kasi naguguluhan ako. Something happened between us. Kung totoo yung sinasabi nilang sparks? Nangyari yun sa ating dalawa. I know we both felt it. Ang gulo kasi. Dapat iba na yung turing natin sa isa't-isa pagkatapos ng nangyari. But there you are...acting like there's nothing happened!"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi yung sarili mo? Okay, fine...Some things happened. We fckin' kissed...we fvkin' slept together. Pero bakit ganun??? Bakit pag nandyan si Ghem biglang nawawalan ng tayo..." At that moment, I was lacking the courage to look at him. I was afraid for him to notice that I was actually crying.

"I already told you! She's sick! She needed me!"

"More than I did? And you expect me to consider her after what she did to me before!? You expect me not to hug you nor kiss you whenever she's around!? To act like we're not an item and do so whenever there's just the two of us!? So what what does it become of me? Third wheel? Kabit? Mistress? Querida?" This time, wala na'kong paki kung makita niya akong umiiyak. This is my first time to show him how hurt I've been because of him. "Tell me, Cloud, pagkatapos nito, ano ako sa buhay mo? Tell me! Ikaw ang magpaliwanag sa akin! Where does it leave me!?"

His expression softened. "Mahal mo na ba ako?"

"Yun na nga yung nakakatakot eh...na baka oo, siguro...o baka hindi naman talaga nawala yung nararamdaman ko para sa'yo." He almost hugged me but I moved away.

"I just want to ask you if at least you could—" I cut him.

"Alam ko ang iniisip mo. At hindi ko kayang gawin yun. Hindi ko kayang magpanggap. Pagod na ako. Sobrang pagod na pagod na ako. Kung sasaktan mo lang ulit ako, ngayon pa lang, hindi ko na hahayaan ang sarili kong mapalapit sa'yo. Hindi ako masokista. Hindi ko na kakayaning tanggapin pa lahat ng sakit. Kasi masakit ang mahalin ka, Cloud. So please, I'm asking you this one favor, stay away from me. Kung hindi mo kayang manindigan noon, hindi mo rin kakayanin ngayon."

"Skye, I will do everything to fix this..."

"At hanggang hindi mo pa kayang piliin ako, wag kang magpakita ng kahit anong motibo. Tandaan mo, hindi ko pa alam at hindi pa ako sigurado kung may feelings na nga ulit ako para sa'yo. Kaya ko pa maging manhid, Cloud. So please, don't let me figure this feelings out all by myself. Because when the time comes that I should, I really hope it's you who's there to catch me at least."

"Rain!" It was Gerald. I've never been this thankful that he came. Without second look at Cloud, I hurried inside Gerald's car.

.

.

.

"What's wrong?" He suddenly asked, breaking the silence. Simula nung huli kong makausap si Cloud kanina, nawalan na'ko ng ganang magsalita. At talagang mapapansin yun ni Gerald.

"Nothing."

"It's nothing. Kausap mo si Cloud kanina. And you cried. I know you did. And now, you're silent. You can tell me, you know." You know I can't. Si Ghem na naman eh. Siya na naman ang problema. "I just want to ask you something...Alam ko kung anong ibig sabihin ng mga titig ni Cloud sa'yo...pero I can't understand...he's still with Ghem. I know it's a favor for me. Pero hindi ko naman ata kakayaning nakikita kang malungkot dahil sa kanya."

"Don't you worry about me..." I tried to smile at him. Alam kong bukas, okay na ulit ako. "I will never forget the things you taught me."

That's how to be myself again. And I won't let my encounter with Cloud earlier affects what I learned. At least not now.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now