CHAPTER 1 - NEW RAIN

2.8K 44 2
                                    

CHAPTER 1 - NEW RAIN

“Rain, you all have nice shots here!” Sabi ni Gen habang hawak-hawak ang mga pictures ko. May photoshoot kasi kami kanina para sa bagong ire-release na magazine ng company namin kung saan ako ang pinilit nilang maging cover. Take note, pinilit lang po talaga nila ako na maging cover nung magazine. Ayoko sana talaga dahil kahit ilang years na akong nagmo-modelling ehh parang feeling ko halos araw-araw ehh naninibago pa rin ako. At dahil wala akong magawa ehh pumayag na rin lang ako. “Ang hirap tuloy pumili kung anong ilalagay nating picture para doon sa magazine. Tsk, so ano sa tingin mo, Nikki???”

“Hmmm... Patingin nga ako niyan...” Sabay kuha niya kay Gen nung mga pictures ko. Tinignan niya iyon isa-isa habang ine-examine niya kung ano nga bang picture ang may pinakamaganda akong kuha. “...Eto na lang kaya?”

Tinignan naman iyon ni Gen pero mukhang hindi siya agree sa napili ni Nikki. “Tsk. I think this is better.” Sabay pakita niya kay Nikki nung napili niya. Pero mukhang ayaw naman dun ni Nikki.

“No, I think this one is better, Gen...”

“Ano ba naman yan, Nikki! Wala ka talagang ka-taste taste ehh noh!? Sinabi ko nang mas okay yung shot ni Rain dito!” Sabi niya habang naka-crossarms na.

“Aba! Ang kapal naman ng mukha mo, Genevieve Ariadne Rivera! Who the hell are you to question the taste of Andrea Nicole Breganza!?” At katulad ni Gen ehh nag-crossarms na rin si Nikki.

Okay, pasensya na po kayo sa dalawang yan! Mag-best friend yan at the same time best enemy na rin. Hahahah! So ayan, mahaba-habang sagutan pa yan bago sila manahimik. Ipapakilala ko na muna sila sa inyo.

Ever since, nag-migrate ako dito sa Paris para mag-aral ng fashion designing, sila na yung mga naging kaibigan ko. Akala ko hindi na ako makakakilala ng mga kapwa ko Filipina, but here they are. At masaya naman ako na nakilala ko silang tatlo at naging matatalik na kaibigan ko habang nandito ako sa Paris.

Yung una ehh si Gen. Genevieve Ariadne Rivera ang kanyang full name. Sa aming apat, siya ang pinaka-responsable, at the same time, pinakapasaway. Sobrang kulit nga ng babaeng yan ehh. Responsable siya in a way na kapag may inumpisahan man siyang kalokohan ehh pananagutan niya kahit na sobrang pasaway nga niya. Ang gulo noh? Basta most of the time, contrast yung mga ugaling pinapakita niya. Mahilig din siyang magbasa ng mga kung anu-anong libro. Doon niya daw kasi nakikita ang kanyang dream guy. -_- At isa pang fact tungkol sa kanya...mahilig siyang matulog. Swerte na lang at mukhang ngayon lang siya hindi na-late sa trabaho. Lagi kasi siyang late sa sobrang pagmamahal niya sa tulog. -_-

Yung bestfriend niya naman ehh si Nikki. Andrea Nicole Breganza ang full name niya pero tinatawag namin siyang Nikki. Sobrang ganda niyan, promise! Hindi mo aakalaing at the age of 21 ehh married na yan. Bakit mo nga ba hindi iisipin na married na si Nikki, ehh isa yang dakilang flirt. Hahahahah! Hindi po ako ang nagpauso niyan ahh! Si Gen na bestfriend niya ang tumatawag niyan sa kanya! At okay lang naman kay Nikki kasi aminado naman daw siya. Ang weird talaga ng dalawang yun. Hahahaha.

Pero alam niyo ba, may similarity yang dalawang yan! Pareho kasi silang Filipino time. Hahahahah!

Ang pangatlo naman ehh si Khia. Khia Andrea Cadungon. Yan ang full name niya. Isa siyang bugnutin na babae. Seriously, bugnutin talaga siya kaya nga ‘bugs’ ang tawag namin sa kanya. Paiba-iba yan ng mood all the time. Minsan makulit, minsan tahimik at minsan mataray! Hahahah! Siya ang pinakaunang naging kaibigan ko sa kanilang tatlo. Sobrang nakakatakot nga yung babaeng yun ehh.  Akala mo hindi babae. Sobrang fierce tumingin na akala mo ehh kakainin ka niya lagi. Hahaha! Pero mabait naman yan. At siya ang laging missing-in-action. At may chika pa ako sa kanya, ang balita ko, hanggang ngayon, broken hearted pa rin siya...doon sa first love niya. Kahit pa naging best friend ko yan, may pagkamalihim yan. Pag tinatanong ko naman kung anong problema, ang sasabihin niya, wala daw...na wag na lang nilang pagusapan ang nakaraan. Ano kaya yun? -_-

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now