CHAPTER 5 - AND THEY MEET AGAIN

1.5K 36 2
                                    

CHAPTER 5 - AND THEY MEET AGAIN

I walk towards them. Nandoon sila sa may dulo at alam kong sila na yun because I saw my secretary waving at me. Yung sinasabi naman na co-model ko (I think siya na yun) ehh nakatalikod mula sa direksyon ko.

He's wearing a complete suit outfit, indication that he is really a professional businessman. Kahit pa hindi ko kita ang mukha niya, I know that he's a perfect model lalo na at bagay yung built niya sa mga bagong disenyo na ilalabas ng shop ko.

 So, mabuti na rin na nandito na siya, atleast I don't need to wait a little longer at may kailangan pa akong asikasuhin mamaya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayoko namang mawala ang pagkakataon na ito sa kumpanya namin lalo na at malaking kliyente din ang isang ito at hindi lang basta co-model ko.

Ang ipinagtataka ko lang eh, isa siya sa mga pinakamayayamang businessmen sa buong mundo, pero bakit kailangan niya pang pasukin ang modeling? Hmm. It's none of my business. Yeah right.

Habang naglalakad ako palapit sa kanila, I composed myself. Mahirap na, kailangan kong kalimutan ang inis ko dahil dito. I smiled at my best kahit na parang ang goofy na ng dating ng ngiti ko. And so what? This man ruined my supposed-to-be great day!

 "Ma'am, mabuti naman po at dumating na kayo..." Halatang kinakabahan ang secretary ko. Tsk. At talagang kinakabahan siya sa lalaking ito ha? Tsk.

He slowly face me. "You know what, I hate late people. If only---" At napahinto siya sa pagsasalita nang makita ako. Kahit na ako ay nagulat din nang mapagtanto ko kung sino ang sinasabing makakatrabaho ko.

"Cloud?" Yes. Ang ex ko. Ex ko lang naman ang kaharap ko ngayon. Pero nagulat lang ako dahil hindi ko talaga expected na siya ang ime-meet ko ngayon. Hindi ko expected na makikita ko siya ngayon. Really, what a small world.

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin or I must say, nakatitig? "Cloud?" Muli ay tawag ko. Doon lang siya nakakibo ulit.

"Ahm...Let's start the meeting, shall we?" Sabi niya.

"Haha. Meeting agad? Why don't we talk about our lives...before?" Napatingin siya sa akin marahil ay dahil sa sinabi ko. "Kidding. So how's life? It's been years...five years to be exact." Hindi ko talaga alam kung paano ko siya pakikitunguhan ngayon. Not because I still have feelings for him, but because I just find this time awkward lalo na at biglaan talaga siya. At kitang-kita ko pa sa kanya yung uneasiness na kanina ko pa hindi maipaliwanag.

"Yes." Simpleng sagot niya.

"Bakit biglang naging man of few words ka ata ngayon? Is that new? Hindi ka naman kasi ata ganyan dati eh. Knowing about your reputation, you are such a chick collector. Hahah!" Then I laugh a little trying to make this convo a little lighter pero parang hindi ata nagiging ganoon ang nangyayari. Kasi ngayon, nakatitig lang ulit siya sa akin. Okay. "Kidding, ahahah."

Ano ba yan. Ako lang naman ang tumatawa dito. Bwisit na lalaking to. Ayaw maki-ride on. Hindi naman kasi talaga siya tahimik dati eh. Bakit ngayon parang nagbago na siya? Oh well, none of my business.

"Ahh ehh ma'am...ahmmm..." Tila hindi alam ng secretary ko ang gagawin. Marahil ehh nagugulat din siya sa mga nangyayari. Hindi niya rin siguro expected na magkakilala kami. "Magkakilala po kayo?"

"Yes, of course. His my ex." Then I smiled. After five years, yung five years na yun ehh hindi rin pala nasayang dahil sa loob ng five years na iyon, nakapag-move on ako kahit paunti-unti kaya ngayon, hindi na ako sensitive sa mga ganitong usapan. You see? Madali na lang sabihing ex ko si Cloud. Wala na rin sa akin kahit pa unang beses na pagkikita namin ito after five years. "Right, Mr. Sylvana?"

Again, he didn't answer. Nakatingin lang siya sa akin as if he's measuring something? Hayy weird. Pipi na ba ito ngayon? Ay hindi pala. Nagsalita ito kanina eh. Yung secretary ko naman, ayun, halatang nagulat.

"So...hindi ko alam na nagmo-model ka pa rin pala hanggang ngayon? I thought you already stopped. Hindi ka na rin kasi hawak nung modeling agency namin eh. Tsaka diba, nung tayo pa nag-stop ka na? So what happened? Bakit nagmo-model ka na ulit ngayon?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

But he didn't answer. Seriously?

"At tsaka nga pala, you're one heck of a billionaire now, bakit kailangan mo pang pumasok sa ganitong field? When you could have, you know, spend your time in your office doing paper works? Club and kiss a few girls? So how does it sound?"

 But he just stared at me. Kahit anong panga-asar ko sa kanya, he won't answer. May speech deficiency na ba ito? Tsk. Why is he staring at me like that? Naga-aksaya lang ata ako ng laway dito eh.

Si Jonica naman ayun, pabalik-balik yung tingin sa aming dalawa as if naguguluhan.

"Haha. You know, it's so nice seeing you again after a long time." I checked my watch. "So...can we start talking about business now?"

He checked the papers in front of him. Nandoon kasi yung mga kailangang dokumento na pipirmahan niya and all. Hindi siya gaanong nagsasalita, and I found it boring. I kept checking on my watch.

"Why? Do you have someone to meet with?" He finally asked. He looked at me intently. Siguro eh nagulat din siyang makita ako. Pero OA naman siya dahil ambagal niyang ma-digest yung fact na kaming mag-ex, ehh nagu-usap ng casual ngayon.

"Yup. Pwede bang yung secretary ko na lang ang magasikaso ng mga yan? She's really good in that." Paalam ko sa kanya. Halos isang oras at kalahati na rin kasi kami nandito pero tila ang bagal ng flow of discussions dahil bihira siya magsalita. Hindi namin tuloy alam kung against or agree siya sa mga sinasabi namin.

"I believe you are the representative, am I right? Anyone who leave their clients to somebody else is a form of insolence." Sabi niya.

"I also believe that not answering someone who asked you things is another form of insolence." I said sarcastically.

He just looked at me and never answered.

After a few words, sa wakas, I can now leave! Yari talaga tong si Gerald sa akin! Ugh!

"So, see you soon, Mr. Sylvana?" Ngumiti ako sa kanya at inabot ang mga palad ko. Kinuha niya iyon. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay niya, posibleng dahil malamig lang ang paligid dahil airconditioned ito.

"Soon."

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now