CHAPTER 11 - FIRST DAY OF WORK

1.1K 29 0
                                    

CHAPTER 11 - FIRST DAY OF WORK

Pagkagising na pagkagising ko, naligo na agad ako at kumain. May note nga na iniwan si Gerald sa akin eh. At ang sabi niya, nauna na daw siyang pumasok sa office since may meeting agad na kailangan niyang puntahan. Hindi na niya ako ginising dahil puyat daw kami kagabi. Paano ba naman ehh buong araw kahapon ehh wala kaming ginawa kung hindi magmovie marathon.

"Nay Elma, una na po ako." Sabi ko sa tagapamahala ng bahay namin. Wala pa kasi sila mommy at sila daddy. Na-extend kasi yung business trip ni dad tapos si mom naman, nandun pa rin sa bahay ng kaibigan niya.

"Sige, hija." Sabi nito at diretso na ako sa opisina ko.

Nang makarating na ako sa building kung saan ako magta-trabaho...huminga muna ako nang malalim. well, medyo kinakabahan ako sa totoo lang, hindi ko lang alam kung bakit.

"Wooo, this is it. First day of work here." Bulong ko sa sarili ko. Hindi ito ang first experience ko sa trabaho ko pero kinakabahan pa rin ako. Siguro kasi new workplace and new co-workers ang mae-experience ko ngayon dito.

Right before I enter my office, Cloud's secretary approached me. Kilala ko na siya dahil nga siya ang nag-assist sa amin ni Gerald nung pumunta kami dito days ago. "Ma'am, sir Cloud wants you in his office now."

"Why?" I asked, confused. "Why would he want me in his office right now? This is my first day, may nagawa na ba akong mali agad?"

"No, ma'am. There's just some things that you have to settle with him. Punta na lang po kayo sa office niya." Then she went off.

Wala na akong nagawa. Boss is a boss. Kung hindi lang talaga namin siya kliyente. Ugh! Dumiretso na ako sa opisina niya at kumatok although kita ko naman sa looking-glass niya na nakaupo lang siya doon.

"Come in." Sabi niya at pumasok na ako.

"Goodmorning, Mr. Sylvana. What do you want to talk about?" I said casually.

"Pinapunta kita dito kasi gusto kong pag-usapan yung pagha-hire mo ng sarili mong secretary." He said, looking intently at me.

"Oh, that? Ako nang bahala." Sabi ko.

"If that's what you want, then alright. You can ask help with my secretary. She'll be happy to do it for you." He said expressionless.

"Alright. Okay na ba?" Sabi ko na tila naiinip.

"No, and this one..." Tapos may nilabas siyang mga papel sa isang brown envelope.

"Para saan yan?" I asked.

"A contract."

"For what? I thought I already signed one." Sabi ko.

"Of course, you did. And that was about you agreeing to be my co-model. Etong kontratang ito, tungkol sa araw ng pagpasok mo."

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora