CHAPTER 32

962 25 0
                                    

CHAPTER 32

“OMG! Of all men in the world, bakit ikaw pa! OMG this isn’t happening!!!” Ano ba ‘to, kanina pa tapos yung shoot pero hindi pa rin ako makaget-over!!!

“Pwede ba, Rain, ang ingay mo! Hindi ako makapag-concentrate! Tsk!” Reklamo ni Karvy.

“Concentrate saan!?” Irita pa ring sabi ko.

“Sa pagda-drive! Tsaka naiirita rin ako, kanina ka pa nakabusangot eh! Ikaw pa hindi makaget-over diyan ah! Talo ka pa!? Ako na nga kapartner mo, umaarte ka pa???” Pauwi  na kami ngayon sa condo. Nakakainis talaga!!!

“Tsk. As if naman ang swerte ko!” Sigaw ko sa kanya.

First, you think the worst is a broken heart

What gonna kill you is the second part

And the third is when you world split down the middle

And fourth, you’re gonna think that you’ve fixed yourself

Fifth, you see them out with someone else

And the sixth is when you admit that you may have fucked up a little

[Hey!] Si Gerald.

“Hi.” Walang ganang sagot ko.

[What’s wrong with you?] Nagaalalang tanong nito.

“Wala. I’m just...tired.” Sagot ko. Pagtingin ko kay Karvy eh tinaasan lang ako ng kilay which means tinatanong niya kung sino ang kausap ko sa phone.

Gerald...I mouthed.

[Hm. Nasa office pa pala ako ngayon. Punta ako sa unit mo mamaya? Kain tayo.]

“Ah sige.”

[You sure you’re all right?”] Naga-alala pa ring tanong nito.

“Yeah yeah. Sige na pauwi na rin ako ehh.”

[Okay. Bye. See you later.] And I ended the call.

Bukod sa napagod ako sa shoot kanina, paano ba naman eh ang daming demand ni Zidjian, wala rin ako sa mood ngayong araw. Ewan ko ba.

“Pst! Okay ka lang???” Biglang tanong ni Karvy. Nagpapark na siya ngayon sa condo.

“Oo. Dito na lang ako.” Sabi ko.

“Pinapauwi mo na talaga ako ehh noh? Panuod naman ng movie! Sira DVD Player sa bahay eh.” Aba’t ang kapal ng mukha talaga!

“Wala ka bang ibang balak sa buhay mo? At tsaka kung sira DVD Player niyo, edi bumili ka bago! Ipag-grocery mo na rin ako. Tsk.” Tapos eh dire-diretso na ako sa unit ko. Pero ang mokong, ayun, todo sunod pa. Wala na’kong nagawa. Hindi kasi talaga sa kanya uso ang mahiya. Tsk. “Matutulog muna ako. Dito ka lang sa sala.”

“How rude...may bisita ka kaya!” Sabi naman niya nang makalabas na siya ng kitchen na may dalang pagkain.

“Wala akong paki. Matagal na akong rude. Kaya nga kung hindi mo mamasamain, pinapauwi na kita kasi ayoko ng bisita!”

“Tsk! Sungit mo! Ah basta, dito lang ako!” Matapos niya sabihin yan ehh umupo na siya sa couch at nanuod.

Umakyat na rin ako sa kwarto. Pero imbis na matulog ehh binuksan ko muna FB ko. Hahaha ngayon lang ako nagfi-feeling teenager, wag na kayong kumontra!

Inignore ko muna yung mga friend request.  Iilan lang yung messages kaya tsinaga ko na na basahin isa-isa. Nagulat naman ako ng may isang Mawu Sarmiento ang nag-message sa akin. Kaya naman inopen ko yung chatbox ko. And then nagbukas ako ng bagong tab para i-view yung profile niya, oh shocks! Si Mawu nga!!!

Mawu: Skye? Ikaw ba’to??? As in THE REAL RAIN LOPEZ??? May fb ka na talaga???

Rain: Yeah, this is me! How are you!!!?

Mawu: Shocks!!! Totoo nga!!! Bruha ka!!! Anong nangyari sa’yo!!! Saan ka pumunta!!! Nasaan ka ngayon!!! Kamusta ka na!!! Bakit limang taon kang hindi nagparamdam sa amin!!! Kung hindi ko lang nabasa yung mga recently added friends ni Cloud sa timeline ko, hindi ko pa malalamang buhay ka!!!

Rain: Galit lang sa exclamation point? Gaga ka. So feeling mo patay na’ko ganun? Di ako magpapakamatay dahil lang sa broken hearted ako!

Mawu:What!? Broken hearted??? Tsaka nga pala, pareho kayo ni Cloud na hindi na nagparamdam since five years ago!!! Akala ko nagtanan na kayo!!!

Rain: Gaga.Nauna nga ako umalis diba?

Mawu: What exactly happened! OMG! I can’t believe this! You hid something from me!!! I’ll kill you when I see you!!! Sobrang worried kami sa’yo alam mo ba yun!!!

Rain: Chill ka nga lang diyan! I’ll tell you everything.

Oo nga pala, umalis ako nang hindi man lang nagpapaalam. Nang wala man lang sinabing dahilan. Kaya naman ehh kinwento ko na kay Mawu lahat.

Mawu: I can’t believe Cloud did that to you!!! He’s an assh*ole!!! I’ll kill him when I see him!!!

Rain: Gaga. And you know what...

At kinwento ko rin sa kanya lahat ng mga recent happenings sa buhay ko. About kay Cloud at kay Ghem.

Mawu:So nagkatuluyan pa yung dalawang yun!? Aba nga naman! Sabagay, pareho silang manloloko!!!

Rain: I’ve moved on. Kaya wag ka nang OA.

Mawu: Sure ka?

Rain: Hindi mo ba nabasa message ko!? Kaya nga ako nagpakahirap sa Paris diba!?

Mawu: Fine, fine...But I’m really worried. Ngayong pang magkasama kayo sa project mo...

Rain: By the way, you still remember Gerald, don’t you?

Mawu: Of course! Why would I forget one my bestfriends???

At kinwento ko kung paano kami nagkita ulit ni Gerald...

Mawu: Seriously? Gah! I’m so excited to see him!!! What about we organize a reunion???

Rain: That would be great! At least makikita ko na kayo ulit!!!

Mawu: Yes! Ako na mago-organize. You’ll be the climax of the night! Hahahaha! Talagang magugulat sila kapag nakita ka nila ulit!!! Next week, gusto mo?

Rain: Kahit kelan. Go lang. Just keep in touch.

Mawu: Sure sure! Doon na tayo magchikahan pa ng mabuti! Gotta go may date pa ako eh! Babush see yah!!!

Mawu is now offline.

So...reunion? I gotta plan big for that.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now