CHAPTER 26 - DINNER WITH THE BOSS PART 3

1K 29 8
                                    

CHAPTER 26 - DINNER WITH THE BOSS PART 3

Habang kumakain kami ehh walang sawa sa pagkukwento si Karvy tungkol sa buhay niya tapos tanong din nang tanong tungkol sa akin. Kesyo ano daw favorite food, color, number, clothing brand, shoes, shampoo, lotion, etc. Ultimo kulay ng kwarto ko nga tinanong din eh. Pati kung kelan nga period ko tinanong din eh, ayun, batok abot niya sa akin. Hmf. Pero kahit sobrang daldal niya ehh ang bilis namang kumain. Parang ilang araw hindi nakain eh. Nakailang order pa nga ang mokong kaya tuwang-tuwa yung waiter na babae kanina kasi kinakausap siya ni Karvy lagi. Hahaha.

"Rain, nililigawan ka ba ni Gerald???" Halos mabulunan naman ako sa tanong niya. Lokong to! Balak ata akong patayin eh!

"Nililigawan? Baliw ka ba? Bestfriend ko yun noh!" Sagot ko sa kanya.

"Porket best friend bawal na magligawan???" Nanga-asar pa na sabi niya. "Eh kadalasan nga, best friends ang nagkakatuluyan. Tsk."

"Well. wag mo kaming isali dun. Kasi best friend lang talaga kami forever. Parang kapatid na nga ang turing namin nun sa isa't-isa eh." Nilapag ko muna yung fork na hawak ko para uminom ng tubig.

Halata sa mukha niyang hindi siya naniniwala pero nagkibit-balikat na lang siya. "Sige na nga, best friends kung best friends. At least, wala akong kaagaw. Hahah-AWTS!" Paano ba naman eh binatukan ko siya. Puro biro eh. "Pangalawa na yun ah! Alam mo bang wala pang nananakit sa akin simula pagkabata ko!? Ikaw pa lang..." Tapos hinimas-himas niya yung ulo niya.

"Whatever."

"Tayo na lang best friend. Gusto mo?" Seryosong tanong niya. Seryoso talaga ang mukha niya oh. "Kapag ako best friend mo, level up tay---ARAY HA!" Ayan, pangatlong batok para sa kanya. Loko amp.

"Ano? Hihirit ka pa???" Pagtataray ko sa kanya.

"Hindi na po. Eto naman...Parang niloloko lang eh. Sakit nun ah!" Tapos nag-pout pa siya. "Mananahimik na nga ako. Ikaw naman dumaldal diyan." Tinignan ko lang siya nang masama tapos bumalik na ulit sa pagkain. Ayokong magsalit noh. Pero infairness, hindi naman ako nabo-bored kasama siya. Kahit kasi puro hirit siya, napapatawa niya rin ako. "Dali na. KJ talaga oh."

"Sinong KJ?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko sa kanya, yung dalawang kamay ko eh nasa bewang ko.

"Ikaw. Bleh." Hindi lang panay hirit tong lalaking to eh, isip-bata din. Tsk.

"Bleh ka din!" Tapos nag make-face ako sa kanya. Hindi naman siya nagpatalo.

Maya-maya ehh nagulat na lang ako nang biglang lumapit sa table namin ni Karvy si Ghem, pagtingin ko sa likod niya ehh nakasunod sa kanya si Cloud. Hindi ito naka-suit ngayon, kaya mas bumata yung itsura niya. Nakatingin ito sa amin, pero hindi ko mabasa yung reaksyon sa mukha niya.

"Hi, Rain!!!" Nakangiting bati ni Ghem sa akin. "Nandito ka rin pala??? By the way, kasama ko si Cloud." Tapos hinawakan niya si Cloud sa braso nito. Hindi naman umangal si Cloud. Eh sila nga diba?

"He-he. Kita ko nga eh." Pilit ang ngiting sabi ko.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon