CHAPTER 33 - AND I WAS LEFT DUMBFOUNDED

956 25 0
                                    

CHAPTER 33 - AND I WAS LEFT DUMBFOUNDED

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.  “Anong oras na ba???” Kinapa-kapa ko yung bedside table ko para kunin yung cellphone. I checked it and it was already 10:30 in the evening! Omg! Ang tagal ko rin palang nakatulog! Tatawagan ko pa sana si Jonica para makahingi ng update tungkol doon sa pinapatayo kong boutique.

Medyo kumukulo na rin yung tiyan ko kaya naman nasisipan kong bumaba.

“Rain.”

“Ay kabayo!” Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses ng tumawag sa akin, nakita ko si Gerald. “Ano ba naman yan, Gerald! Wag mo nga akong ginugulat! Ano palang ginagawa mo dito???” Tapos eh dumiretso ako ng kusina para uminom ng tubig. Paglabas ko sa sala ehh doon ko lang naalala na nandito nga pala kanina si Karvy. “Have you seen---“

“What was Karvy doing here?” Gerald asked with a cold expression. Actually, ngayon ko lang nakita yung ganyang expression ng mga mata niya. And I must admit, medyo natatakot ako.

“Ahmmm....” And then I sat on the sofa. Tapos kinuwento ko sa kanya kung bakit napunta si Karvy dito sa unit ko. “Wait, where is he???”

“Pinaalis ko na.” Walang kaemo-emosyong sagot niya. Umupo siya sa katabing couch, just looking at me. I mean...staring.

“Why did you do that???” Naguguluhang tanong ko. “Ano bang problema?”

“Hindi ka dapat nagpapapunta ng kung sino-sino dito! Lalo na’t lalaki yun!” Sigaw niya.

“I trust Karvy just how I trust you! Kaibigan ko siya...And in the first place, you told me that you were friends! Karvy is your friend! Kaya bakit ganyan mo na lang siyang pagsalitaan!? And are you jealous??? ‘Cause you’re acting like my boyfriend!” Hindi ko na napigilan yung inis ko dahil sa inaakto niya ngayon.

For a moment, he didn’t speak.

“Look, I know you’re just concerned because I am your bestfriend...Pero mali naman yatang tawagin mo ng kung sinu-sino lang si Karvy. Wala siyang masamang ginawa sa akin. Ilang beses ko na siyang nakasama. We had a dinner—“

Nagulat na lang ako nang tumayo siya. “You had a dinner with him!? Kelan pa!?”

“Last Saturday! And not just that! He is now my partner for the photoshoot! At si Cloud, si Ghem na---“

“WHAT!? Paano nangyari yun!?”

Then I told him why... “Look, Gerald, I don’t know why am I even explaining things to you...Hindi mo hawak ang oras ko at hindi mo hawak ang buhay ko. Sobra naman ata yang pagaalala mo! Kaya ko naman ang sarili k---“

“Sobra na ba??? Sobra na ba, Rain???” Unti-unti siyang lumapit sa akin.  “Well, fvck this feeling! Pasensya na kung masyado akong nagaalala sa’yo! Pasensya na kung masyado akong protective and clingy! But I would never ever feel so sorry about loving you!”

There was a moment of silence...

Gerald, sabihin mo nagjo-joke ka lang...

Sabihin mong hindi totoo yun...

Para ako ngayong nasa teleserye...Akala ko madali lang sagutin yung mga ganong bagay pero mahirap pala kapag sa’yo na nangyari. Akala ko magiging madali lang sabihin sa kanya na ‘we’re just friends’ pero hindi pala...dahil hindi ko kayang saktan ang kaibigan ko.

Odiba, parang si Agnes lang tsaka yung bestfriend niya sa forevermore ang peg naming dalawa. Except, hindi ko pa lang nahahanap ang aking Alexander Grande III.

Bakit si Agnes tsaka yung bestfriend niya...okay na naman sila...okay sila na friends lang sila...

Dati, sobrang hopeless romantic ako...na pag may ganitong scene, sasabihin ko sa sarili ko na, mahirap magka-one sided love kapag mag-bestfriends kayo...kasi eitherway, you’ll both fall for each other...ganun naman kasi talaga eh...mag-bestfriends ang nagkakatuluyan...kasi compatible sila sa isa’t-isa...

Pero sa eksena namin, hindi ko kayang sabihin na mahal ko rin ang bestfriend ko nang higit pa sa bestfriend.

So how do I do this? What should I say?

Sa sobrang pagi-isip at pagkabigla ko...hindi ko namalayang wala na pala siya sa harapan ko.

.

.

.

“Focus...Focus...Focus...” Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko habang nagtatrabaho ako. Bukod sa puyat ako kakaisip sa nangyari kagabi, sumasakit na rin ang ulo ko kakaintindi sa mga paperworks na hindi naman mag-sink in sa utak ko!

“Are you coming?”

“Ay kabayo!” Jusko! When I looked up, I saw Cloud grinning. OMG! So hot...”WHAT!?”

“What, what?” Naguguluhang tanong niya. Ehh kasi naman yung ‘WHAT!?’ na yun ehh dapat sa sarili ko lang sasabihin. Dapat, ‘WHAT DID I SAY? NA ANG HOT NI CLOUD? SINABI KO BA TALAGA YUN? OH WELL, BINABAWI KO NA! SILLY ME!!’

“Ah...I mean...What are you saying???”

“I asked you if you’re coming...” Sabi niya sabay lagay nung dalawang kamay niya sa pocket niya. May bago ba kay Cloud ngayon? Aysh...This is business. Iwasan mo ang mga makamandag niyang titig Rain!!!

“W-where???”

“At the reunion. Terrence informed me about it earlier.” Sagot niya. And shtty! Why am I looking at him?

“Ohhh...kay...” Tanging sagot ko.

“What’s okay for???” Naguguluhang tanong ulit niya... Para san nga ba yung okayyyyy??? “Rain???”

Dalian mong magisip ng palusot Rain!!!

“I mean...Ohhh...kay...I didn’t know about the reunion! Yeah! Perhaps, I’ll just ask...Mawu... Yes, I’ll be asking Mawu...I got her FB account, you know...Ha-ha.” Tapos ehh kunyari busy ako sa mga papel na nasa harapan ko.

“Oh. You should come.”

“Well, maybe...Ha-ha.” Ano bang nangyayari sa’yo bigla Rain!!!

Bago siya lumabas ng opisina ko ehh lumingon ulit siya sa akin. “And Rain...can I ask you something?”

“W-what???”

“Would you please befriend Ghem? Like real befriend her? We both know what happened before...between the two of you...pero ewan ko ba, nung nakita ka niya ulit, parang nakalimutan niya yung mga nangyari dati. Sabi ng doctor, it was probably because of her too many maintenance medicines.”

“What!?”

And I was left dumbfounded.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon