CHAPTER 48 - LAST NIGHT

1.1K 27 5
                                    

CHAPTER 48 – LAST NIGHT

For our last night, nag-gather lang ulit kami around bonfire. Pagod na pagod na rin kasi kami sobrang dami na naming nagawang activities ngayong araw. Masasabi naming super sulit naman ang reunion. Actually, ayoko na nga sanang sumama sa kanila after mag-walk out ni Cloud kaya lang nahiya naman ako. Ang tagal kong hindi nakipagkita sa kanila so joining them would be the least that I can do.

Yung mga boys umiinom. Lalo na si Karvy. Jusko, isang oras pa lang kaming nagchi-chikahan dito, may tama na siya agad. As in yung tipong papikit-pikit na mata niya tapos nakayuko na siya. Si Chalton, Mark, Jason, Terrence, Duff at Cloud (at kasama rin si Ghem na panay din ang inom) ang magkakausap tapos si Gerald, Karvy, Ralph, Olive, Celyn, at Nami.

Kausap ko naman sila Mawu, Coleen, Kim and Janselle. Alam na nila yung sitwasyon ko at alam nila kung gaano ka-down na ako ngayon. Last night na namin ito na magkakasama so puro masasaya na lang yung pinagusapan namin. For hours, nakalimutan kong may problema ako.

Mga 10:00pm, nagsimula nang magsipasukan yung iba para matulog. Sila Terrence na daw bahala kila Karvy na halos tulog na at hindi na makalakad sa sobrang kalasingan. Walangyang mokong to, dumayong Boracay para magpakalasing lang. Hays.

Sumunod ehh pumasok na rin sila Janselle at sila Ralph. Si Cloud ehh hinatid na si Ghem sa kwarto niya. Paano kaya kung ako pa rin? Ihahatid niya rin kaya ako? Anyway, naiwan si Gerald, Mawu at ako. Late night sleeper talaga ako lalo na these past few days kaya nasanay na rin ako. Si Mawu eh may hiniling na favor kay Gerald. Ayaw niya sanang iwanan ako dun pero napapayag rin siya nang sabihin kong okay lang ako magisa dun at tulungan na lang niya si Mawu. Gusto ko kasing mag-relax muna habang tinitignan yung dagat tsaka magpahangin na rin.

Kahit ayoko man isipin, si Cloud pa rin yung unang pumasok sa utak ko the moment na umalis si Gerald at Mawu. Sanay na rin ako na sa tuwing magisa na lang ako at nagiisip, siya pa rin unang pumapasok sa utak ko. Yung first night namin together sa isang motel...the way he kissed me...the way he said he missed me...the way he hugged me...

Ano bang meron si Ghem at bakit ayaw niyang iwanan siya nito? Bakit hindi niya magawang piliin ako kahit nung mga panahong hinayaan ko na yung sarili kong mahalin siya ulit. Bakit parang ayaw niya akong makasama? Si Ghem ba talaga yung reason? Mahal pa ba ni Cloud si Ghem? Ako ba mahal pa niya???

Bakit ganun na lang siya makatingin sa amin kanina habang kasama ko sila Karvy at Gerald? Bakit parang nagseselos siya? Ano bang dapat kong isipin? Ano bang kailangan kong gawin?

"Do you really want me out of your life?" Paglingon ko, nakita ko si Cloud na nakatayo sa likod ko. Unti-unti siyang umupo sa tabi ko pero malayo. So bakit naman ganito siya ngayon? Bakit kapag wala si Ghem, ganito siya? Hindi ko siya maintindihan. "Will you please answer me?"

Napayuko ako. Yun ba talaga gusto ko? Ang mawala siya sa buhay ko? Alam ko yung sagot. Na ayokong mawala siya. Pero kung andyan lang siya para saktan ako, kung andyan siya na kasama si Ghem, wag na lang siguro. Mas mabuti pa sigurong mawala na lang talaga siya because I can't handle any more pain any longer. Sobrang sakit na eh.

"Pwede bang wag ko munang sagutin? Pwede bang ako muna yung magtanong?" Tanong ko sa kanya. Nakayuko siya at hindi ko rin naiwasang mapayuko na lang. Niyakap ko na lang rin yung mga binti ko dahil unti-unti na ring lumalamig kahit may apoy pa sa gilid.

He nodded. "Sure."

"Minahal mo ba ako?"

"Of course."

"Eh anong nangyari? Bakit ko kayo nakitang dalawa ni Ghem sa kwarto mo nun? Hindi lang yun, niloko mo pa ako. Our relationship five years ago started with lies. Kaya ba hindi tayo nagtagal? Dahil hindi mo naman ako minahal?" I'm almost teary-eyed.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now