CHAPTER 21 - PAST

1K 32 0
                                    

CHAPTER 21 - PAST

"Hi, Ms. Rain! Good morning!" Bati sa akin ni Shyrile nung nakita niya akong papunta sa office ko.

"Morning." Tipid na sabi ko dito. Inis pa rin talaga ako eh. Ugh! May babae na nakaupo sa tapat ng desk niya na nakangiti sa akin pero wala na akong oras para ngitian siya pabalik. Bahala na lang siya kung iisipin niyang masungit ako.

Sinundan naman ako ni Shyrile hanggang sa makapasok na ako nang tuluyan sa opisina ko. "Ma'am, yung new secretary niyo po nandyan na."

"Ah ganun ba? Nasaan siya?" Tanong ko habang nilalapag ko yung bag sa table ko. Nilabas ko rin yung phone ko baka sakaling may tumawag.

"Tawagin ko lang po."

"Good morning, ma'am." Magalang at nakangiting sabi nito. Matangkad yung babae. Siguro mga kasing-tangkad ko pero mas malaki yung katawan niya kaysa sa akin. Mukha namang mabait siya at sa tingin ko eh magkakasundo kami.

"Good morning." Siya yung babaeng nakaupo kanina sa tapat ng table ni Shyrile. "Ang please just call me Rain."

"Eh sige po, Ms. Rain." Halata sa mukha niya na medyo nahihiya pa siya. Siguro tsaka ko na lang siya kakausapin kapag nasa mood na ako. "Ano po bang gusto niyo? Gusto niyo po bang tea? Coffee?"

"Coffee please?" Sabi ko dito. Tumalikod na siya sa akin pero tinawag ko siya ulit. "What's your name, by the way?"

Ngumiti ito sa akin bago sumagot, "Yumi po, Ms. Rain."

I nodded, "Nice meeting you, Yumi. Pasensya ka na kanina ha? Kung hindi kita nginitian?"

"Wala po yun. Sige po, kuha po muna ako kape." At umalis na siya.

"Ms. Rain, na-brief ko na po siya sa mga kailangan niyang gawin. Nasabi ko na rin po na yung table niya eh yung nasa labas ng office niyo." Sabi nito. Oo nga pala, may table na sa labas ng office ko kanina pagpasok ko. "Pinaayos na po kasi yun ni Sir Cloud kahapon. Pati po etong office niyo? Nagustuhan niyo po ba???"

Napatingin ako sa kabuuan ng opisina ko. Oo nga noh? Naka-ayos na siya? Paano nangyari to??? Nalipat na yung table doon sa part ng office na medyo tago. Ang makikita mo na lang mula sa labas ng office ehh yung mga shelves kung saan may mga naka-display na libro. Sa sobrang inis ko, hindi ko agad ito napansin kanina. Ganun ba ako ka-occupied at hindi ko man lang napansin to? Pero bakit niya pinaayos? Nakausap na ba siya ni Gerald? Akala ko ba lilipat ako sa floor ni Gerald???

"Kelan niya pinaayos to???" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko pa rin matanggap yung nakikita ko.

"Kagabi pa po, nung umuwi na kayo. Tapos kaninang 7 lang po ng umaga natapos kasi pinadagdagan ng furniture ni Sir Cloud yung office eh sabi po kaninang umaga lang din na-deliver." Sabi nito, hawak-hawak niya yung notebook niya sa dalawang kamay.

"S-sige..." Yan lang ang lumabas sa bibig ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong opisina ko. Malaki nga ang pinagbago. Pero ang ipinagtataka ko, paano niya nalaman ang balak ko? Nasabi kaya ni Ghem sa kanya? O kinausap siya ni Gerald? Kung kinausap siya, bakit hindi ba siya pumayag na lumipat ako ng floor? Dapat si Ghem na lang ang gumamit nito eh. Tsk.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now