CHAPTER 23 - CLOSURE

1.1K 30 0
                                    

CHAPTER 23 - CLOSURE

"Rain! Rain, ano ba!" Kanina niya pa ako tinatawag pero hindi ko siya pinapansin. Naiinis ako. Umf! Bakit niya ako dinala sa restaurant!? Ano bang problema niya!? Halos lakad-takbo ako ngayon para lang makalayo sa kanya. Pero dahil mas mabilis siya at mas malalaki ang mga hakbang niya sa akin eh agad-agad niya rin akong naabutan. Hinawakan niya ako sa braso ko at iniharap sa kanya. Aware ako na pinagtitinginan na kami ng mga tao, kaya kung mag-usap kami eh mahina lang."

"Let me go!" I hissed at him. Malapit yung mukha niya sa akin kaya kitang-kita ko yung inis sa mukha niya. Aba! Bakit siya ang maiinis!? Siya nga itong hindi maintindihan eh! Bwisit!

"Ano bang problema mo??? Kakain lang naman tayo ah! Anong masama don!?" Inis niyang sabi sa akin pero sa mahinang boses lang. Iniiwasan talaga naming marinig ng iba yung pinagtatalunan namin.

"Anong masama doon??? May girlfriend ka, Cloud! Pwede ba? Pwede bang tantanan mo na lang ako!? Pwede bang layuan mo na lang ako!? Pwede ba yun ha??? Kung alam ko lang na magugulo na naman ako, sana hindi na ako umuwi dito! You know what, pinagsisisihan kong nagtrabaho ako sa kumpanya mo! Pinagsisisihan kong umuwi pa akong Pilipinas!"

"Rain, pwede bang mag-usap naman tayo nang maayos? Yung walang sigawan. Yung hindi ka ganyan..." There's pleading in his eyes.

"Cloud, tapos na tayo. Kung gusto mong makipagkaibigan sa akin, I'd be willing to accept it. Pero please lang...wag mo akong bigyan ng confused feelings! Hindi ko maintindihan kung ano ba itong mga ipinapakita mo sa akin eh! Pwede bang linawin mo ha!?" Pigil na pigil ang inis na sabi ko sa kanya.

"Get in the car." Matigas na sabi niya. Siguro nga kailangan naming mag-usap. Medyo natakot ako sa tono ng boses niya kaya sumunod ako.

"Cloud...Magkatrabaho tayo...Can we just clear the air between us?" Pagmamakaawa ko sa kanya. "Pagod na pagod na ako eh." Sinabi ko sa sarili ko na pag nagkita na ulit kami, maayos na ako. Pag nagkita kami, masaya na ulit ako. At ganun yung nangyari. Pero ano? Parang nasisira lahat yun ngayon! Pati prinsipyo ko ata nasisira na eh! Sa loob ng limang taon, binago ko ang sarili ko eh! Tapos magiging ganito na naman???

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. The first time I saw you after five years, there's a part of me that keeps telling me that I miss you...Akala ko sa limang taon na yun, makakalimutan kita. Akala ko..."

"Cloud, I don't wanna talk about the past anymore..." Mahinang sabi ko. Mahigpit ang hawak ko sa bag ko. Hindi maintindihan ang nararamdaman ko. Sobrang pagod na pagod na ako na parang gusto ko na lang magpahinga. Ayokong mag-isip. Ayokong kumilos.

"But you should hear this..." Sabi niya. Hindi ko alam kung lungkot ba yung nararamdaman ko sa boses niya o talagang magaling lang iya um'acting kaya nga nadala ako sa kanya dati eh. "Look, I'm sorry about..."

I cut his words then I looked at him in the eyes, "I've... moved... on. Gusto kong linawin sa'yo na hindi na kita mahal. I've loved you pero lahat may hangganan, Cloud. Kung hindi nangyari yung mga hindi dapat mangyari, siguro hanggang ngayon mahal pa rin kita. But you pushed me to turn my back on you. Don't be unfair. Please lang. Masaya na ako. And I'm much better without you. Wag mo na'ko guluhin. Nandyan si Ghem. I know she loves you. Bakit hindi ka na lang makuntento sa kanya? Look, siguro nadala ka lang ng emosyon, okay? Maybe, you're just confused. Cloud, this... is... the... closure. I have to go." At pagkasabi ko niyan sa kanya. Agad-agad na akong lumabas ng kotse niya. Sana pagkatapos ng araw na'to, bumalik na yung Rain na nabuhay five years ago.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now