CHAPTER 22 - THE BOSS

1.1K 26 0
                                    

CHAPTER 22 - THE BOSS

"Rain, where have you been???" Tanong sa akin ni Gerald pagbalik ko sa office ko. Nadatnan ko kasi siyang nakatayo doon at pinagmamasdan yung kabuuang opisina ko.

"Ah, may kinausap lang..." Mahinang sabi ko tapos umupo na ako sa para simula nang ayusin yung mga papeles na nasa table ko.

"Sinabi ko pala kahapon kay Gerald kung pwede kang lumipat ng office, kaya lang sabi niya, hindi daw pwede kasi para sa ibang posisyon daw yung vacant office sa floor ko. Nakalimutan kong sabihin sa'yo kahapon, pasensya na..." Malungkot na sabi nito. "Pero okay na rin, kasi at least diba? Na-redecorate na'tong opisina mo."

Tinignan ko siya, "I forgot to tell you, Gerald...Si Ghem...She's also working here."

Nakitang kong kumunot yung noon niya na tila iniisip niya kung saan niya narinig yung pangalang Ghem. Well, kinwento ko na kasi sa kanya lahat dati pa man diba? Pero matagal na panahon na yun, baka nga naman talaga ehh nakalimutan na niya. "Ghem? You mean...Cloud's first love?"

I nodded. "Yeah."

"Pero...don't tell me...sila ba?" Tanong nito.

"I guess so...Ayoko nang makialam sa buhay nila. Ano naman sa akin kung sila o hindi? It doesn't matter." I shrugged then turned to read the papers in front of me again.

 "Hindi ko pa nakikilala yung Ghem. Nandito ba siya???" Tanong niya.

"Wala. Nasa business trip siya to New York for three days. Baka sa Monday na yun pumasok. So you're not going to see her this week." Sabi ko sa kanya. This time, binuksan ko na yung computer na nasa tabi ng table ko. I checked the yahoo account but there's no new e-mail naman so nag-logged out din ako agad.

Sakto namang pagkatok ni Yumi sa pinto ng opisina ko. "Come in, Yumi." At pumasok naman ito. "Yumi, this is Gerald. Best friend ko. Dito rin siya nagta-trabaho. Sa itaas yung office niya and he's currently the General Manager. Gerald, siya yung bagong secretary ko."

"Good morning, sir." Bati ni Yumi.

"Good morning din."

"Yumi, may kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig lang siya kay Gerald na nakaharap sa direksyon ko. Medyo namumula rin siya. Haha. Ang gwapo talaga ng bestfriend ko. Alam kong nagwapuhan si Yumi kay Gerald, sino ba namang hindi? Eh head turner talaga tong bestfriend ko! Hahah okay proud bestfriend here. Lols.

"Ah ehh..." Nauutal na sabi nito. "Tapos ko na po kasing i-accept yung mga friend requests niyo po sa Facebook. M-may ipaguutos pa po ba kayo?" Tanong nito sa akin.

"Wala na. You may go..." Sabi ko dito matapos ko siyang nginitian. Bago pa siya umalis ehh tumingin ulit siya sa diresyon ni Gerald pero sa tingin ko eh hindi pansin ni Gerald na mukhang may gusto si Yumi sa kanya. Hahaha. Bumaling naman ako kay Gerald na kasalukuyang nakaupo sa upuan sa tapat ko tapos nakapatong yung chin niya sa dalawa niyang kamay. Kung titignan mo siya ngayon, para siyang hindi COO ng kumpanyang to eh. "Wala ka bang trabaho???"

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now