CHAPTER 43 - TRUTH HURTS

1K 28 0
                                    

CHAPTER 43 – TRUTH HURTS

"Gerald!" Halos mabato ako sa kinatatayuan ko. Paglabas ko kasi ng opisina ni Cloud ehh nakita kong nakatayo doon si Gerald. Gulat na gulat yung ekspresyon sa mukha niya. Narinig kaya niya yung mga pinagusapan namin ci Cloud? "A-anong ginagawa mo dito???"

Lumakad na ako pabalik sa opisina ko. Sumunod naman siya. "Anong sinasabi mong walang sakit si Ghem???" Naguguluhang tanong niya. "And please, don't ever try lying to me...I knew what I heard." Seryosong sabi niya.

Sinara ko muna ang pinto ng opisina ko bago ko siya tignan. Tama siya, there's no point in lying. At best friend ko siya. Pero...kapatid siya ni Ghem...Kahit ganun pa man ehh sinabi ko pa rin sa kanya yung totoo. Mas halatang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"I never knew that she's sick..." Tila hindi makapaniwalang sabi niya. At kinwento ko rin yung mga nalaman ko kanina.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya. "Gerald...naniniwala ka ba sakin?" I know this is not the right moment to ask whether he believes me or not. Para naman kasing ang labas ehh naghahanap ako ng kakampi ko...ng maniniwala sa akin.

"Ghem is my sister. You're my...best friend...Sa totoo lang, mas kilala kita. At pareho kayong mahalaga sa akin. Pero kung totoo nga yung sinasabi mo...I needed to find out the truth. Tutulungan kita..." And I've never been this thankful. Bakit si Gerald handing tumulong? Samantalang si Cloud ehh hindi? Hindi ba niya naiisip na kapag nalaman niya yung totoo ehh pwede na siyang makalaya mula kay Ghem?

Bakit ba ganito yung iniisip ko? Ehh halata namang mahal niya si Ghem. Dahil kung hindi, hindi sana ganun yung reaksyon na ipinakita niya kanina. Siguro nga mababaw yung ebidensya ko...pero matindi yung hinala ko na may tinatago si Ghem eh.

"I need to talk to Ghem. Nakauwi na ba siya???" Tanong ko sa kanya.

Lalo namang sumeryoso yung mukha niya. "The truth is, hindi sa bahay nila dad umuuwi si Ghem ngayon..."

"Kung hindi doon, nasan siya?"

He looked at me and said, "She's actually staying at Cloud's."

.

.

.

 "You sure you wanna do this alone?" Tanong ni Gerald pagkarating namin sa bahay nila Cloud.

"Yes. Thank you for bringing me here." At ngumiti ako sa kanya. Ayoko na siyang pasamahin dahil ayoko naman na magkainitan pa sila ni Ghem. Ayokong ako yung maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila bilang magkapatid kaya sinabi ko sa kanya na ako nang bahalang kumausap.

"Actually, I don't know why I'm helping you...Siguro...ayoko lang makitang miserable ulit yung buhay mo, Rain. Alam ko...nararamdaman ko na...mahal mo pa rin siya. Remember this, once you've figured out na nagsinungaling si Ghem kay Cloud at nagalit si Cloud sa kanya, probably, Cloud will come back to you...I know because I can see the way he looks at you..."

"Why are you saying all of these???" Tanong ko.

Imbis na sagutin niya yung tanong ko ehh hinawakan niya yung kamay ko. "I'm giving Cloud the decision...to choose you over my sister. Pero pag nagkamali ulit siya ng pinili, hindi na ulit ako magpapaubaya, Rain. I will start to fight for the one that I love." And that left me speechless. "Talk to her now, Rain." I nod and left the car.

.

.

.

Hindi na rin bago sa akin yung kabuuan ng bahay nila Cloud. Nakapunta na rin ako dito dati eh...Nung...alam niyo na...okay, wag na nating balikan pa yun.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now