CHAPTER 12 - THE EX AND THE MISTRESS(XD)

1.3K 32 0
                                    

CHAPTER 12 - THE EX AND THE MISTRESS(XD)

"Sure ka bang coffee and cake lang kakainin mo? Ayaw mo mag-heavy meal?" Tanong sa akin ni Gerald nang makapasok na kami dito sa coffee shop.

"Oo, okay na'to." Hindi pa rin naman kasi ako nagugutom eh. Ewan ko ba, feeling ko bothered ako masyado today. I just don't know why.

"Baka diet ka ha?" Nanga-asar pa na sabi nito.

"Diet ka diyan. Kelan ba nauso diet sa akin?" Tanong ko sa kanya. Umupo kami sa isang table doon. Sa medyo dulong part. Umorder lang ako ng cheese cake and espresso. Ganun din yung kanya.

"Ahm... Kelan nga ba? Nung mga panahong gusto mong baguhin yung sarili mo para kay...."

"Tumahimik ka na nga diyan, Gerald. Matagal na panahon na yun." Nang ma-sense niya na hindi ko gusto yung pinagu-usapan namin ehh tumahimik na lang siya at kumain. Pero alam ko na tumitingin-tingin siya sa akin. "Oh, why looking at me like that?"

"I can sense there's something wrong." Sabi nito na tila ini-inspect yung reaksyon ko.

Sige na nga, bestfriend ko naman siya eh. Ike-kwento ko na sa kanya. Siguro ito nga yung kanina pang buma-bother sa akin. "Ehh kasi, right before you ask me to take lunch with you, tinanong niya ako kung gusto kong mag-lunch kasama siya."

I don't know but I could almost swear that I saw his jaw and fist clenched. Tapos yung expression ng mukha niya nagbago din. "And then?"

"Buti na lang, tinext mo'ko, atleast may excuse ako na may kasabay na ako mag-lunch." Sabi ko. He just nodded then I heard him murmur something, pero hindi ko maintindihan kung ano yun. "Anong sabi mo?"

"Ha? W-wala... Kumain ka na. Nga pala, I already bought a condo unit. Doon na ako mags-stay since malayo din ang bahay namin sa trabaho ko." Sabi niya.

"You can stay on my place. Wala namang nagpapaalis sa'yo dun ah! Tsaka gusto rin nila mommy na doon ka." Sabi ko. Sobrang fond of Gerald kasi talaga nila mama na para bang anak na nila ito. Kung pwede nga lang, gusto ko rin maging kapatid si Gerald eh. How I wish I had a big brother.

"I know...I know...But I should live on my own. Hindi naman ata appropriate na sa bahay niyo ako tumira noh. And please, don't ever insist again na tumira na lang ako sa inyo, I might lose my head, you know." Sabi nito na medyo natatawa-tawa pa.

"What do you mean?" Curious kong tanong sa kanya.

'Wala...Wala..." Ang hilig ata nito sa wala wala ngayon. Tsk.

"So when are you planning to move?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya na..." Sagot niya.

.

.

.

"Hi mom, buti naman at sabay kayo ni dad na dumating." Bati ko sa kanila the next day. Papasok na ako sa office ngayon nang dumating sila. Ewan ko lang kung makakapasok si Gerald ngayon kasi naglipat pa yun kahapon, baka napagod. Hahaha.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now