CHAPTER 25 - DINNER WITH THE BOSS PART 2

1.1K 27 0
                                    

CHAPTER 25 - DINNER WITH THE BOSS PART 2

"Oh? Ano pang tinatanga mo diyan???" Sigaw sa akin nitong Karvy na'to. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse pero hindi pa rin ako lumalabas. Nakatingin lang ako nang diretso. Eh sa tinatamad akong tumayo eh. Nag-cross arms na lang ako, kunyari eh wala akong naririnig. Haha, mainis ka diyan! "Hoy, Rain! Halika na!"

"Ayoko. Iuwi mo na lang ako. Tinatamad na ako." Inis na sabi ko. Kinuha ko yung iPhone ko tapos kinabit yung earphones ko tapos nagpatugtog na lang. Nilagay ko yun sa favorite playlist ko at maya-maya lang eh nag-play na yung Taken ng One Direction. Ewan ko ba, kahit hindi na ako teenager, gusto ko pa rin yung mga kanta nila. Siguro, minsan, nakaka-relate din ako sa mga lyrics nila. Haha. Now that you can't have me, you suddenly want me. Now that I'm with somebody else, you tell me you love me...

"Rain! Ano ba! May usapan na tayo eh! Kapag umuyaw ka, kukulitin at kukulitin kita! Gusto mo ba yun!? Isang dinner lang naman eh! Pumayag ka na kasi! Tara na!" Tinitigan ko lang siya. Para siyang batang nagmamaktol doon sa labas ng kotse niya. Nakapatong yung kanang kamay niya sa pinto nung kotse tapos yung kaliwa naman ehh nasa bewang niya. Tila naiinip na naiinis na siya. Hahaha, tama lang to, para next time, hindi na niya ako yayain pa ulit at kulitin! Kailangan niyang ma-turnoff sa akin. Bwahahahahah!

"May sinasabi ka???" Hati yung atensyon ko sa pinakikinggan ko at sa kanya. Ang ganda kasi nung kanta. Tsaka one of my favorites talaga yun! I slept on your doorstep, begging for one chance. Now that I finally moved on, you say that you missed me all along...

"Isa. Bubuhatin kita." Nakita ko lang na medyo seryoso na yung mukha niya. Pero dahil nga nakikinig ako sa music, ehh hindi ko gaanong narinig yung sinabi niya. Ay, hindi pala gaano. Hindi ko talaga narinig. Hehe. Yung utak ko kasi eh...Alam niyo yung feeling na once na tumugtog yung favorite song niyo, kumakanta na rin kayo sa isip niyo? Yung ganun? Haha. Yun yung nangyayari sa akin kaya wala akong paki kay Karvy. Bwahahahaha. 

Who do you think you are? Who do you think I am? You only love to see me breaking. You only want me cause I'm taken... Ewan ko pero parang biglang nawala si Karvy sa paningin ko at nag-drift back lahat nung araw na hinalikan ako ni Cloud sa mismong office ko. Nung sinabi niyang mahal ko pa daw siya!? Fvck him! Ang kapal ng mukha niya! Ewan ko pero, bagay yung lyrics sa kanya eh...Pakiramdam ko kung ako singer, baka i-dedicate ko pa sa kanya yan with my eyes rolling, one eyebrow raised. Hahaha. You don't really want my hear. No, you just like to know you can. Still be the one who gets it breaking. You only want me when I'm taken... 

Maya-maya, laking gulat ko na lang nang biglang may kamay na humawak sa crook of my leg tapos yung isa naman ehh sa may likod ko tapos binuhat ako palabas ng kotse. "UWAAA! Bitawan mo ako! hayup ka! Manya---"

"SHHHH!!!" Karvy hissed at me.

Tinanggal ko yung isang earphone ko sa tenga ko para mas marinig siya. Nakita kong ginamit niya yung kamay niya sa na nasa may legs ko para isara yung pinto ng kotse. "IBABA MO AKO!"

"Sinabi ko na sa'yo diba? Kapag hindi ka pa bumaba ng kotse, bubuhatin na kita. Looks like you've wanted this..." Then he smirked. Aba't!

"Ang yabang mo! At ang kapal talaga ng mukha mo! Wag mo nga akong mahawak-hawakan! Ibaba mo ako! Ngayon din! Maglalakad na ako!!! Uwaaa!!!" Sigaw ko sa tenga niya kaya agad-agad naman niya akong binitawan. Nakahawak siya sa tenga niya as if parang nasasaktan siya. OA tsk. Ilang decobels lang naman yung katumbas ng sigaw ko! Hmp! Agad-agad ko ring inayos yung laylayan nung damit ko baka sakaling makitaan na ako ng alam niyo na...Tapos inayos ko rin yung buhok ko at kinalma yung sarili ko. Isinukbit ko yung bag ko sa balikat ko tapos hinawakan yung phone ko sa kamay. Hindi ko pa rin inaalis yung isang earphone sa tenga ko. Huminga ako nang malalim tapos umaktong parang walang nangyari.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now