PROLOGUE

5.5K 69 10
                                    

NOTE: KUNG AYAW NIYO PO SA WRONG GRAMMAR, TAGLISH SLASH CONYO, WAG NIYO NA PO BASAHIN ANG ISTORYA NA ITO. LOLS. AFTER EVERY BOOK ANG EDITING, PARA ALAM NIYO. HEHE. 

THIS STORY IS A WORK OF SEMI-FICTION. NAMES, CHARACTERS, PLACES, AND INCIDENTS ARE EITHER COMBINATIONS OR PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATION AND USED FICTITIOUSLY OR GATHERED FROM REAL LIFE EVENTS. ANY SIMILARITY TO PEOPLE--- LIVING OR DEAD--- AND EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL.

------

PROLOGUE

 

"Rain, bakit ka na naman umiiyak???" Malungkot na tanong sa akin ni Khia. Pero hindi ako sumasagot. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil ang sakit-sakit na ng puso ko. Ang sakit-sakit pa rin dito sa puso ko lahat-lahat ng nangyari. Ang sakit pa rin isipin na iniwan ako ni Cloud. Bakit ganun?

"Rain, please stop crying...We don't wanna see you like that..." Mahinang sabi rin ni Gen habang hinahagud-hagod ang likod ko.

"This is so not nakaka-pretty! You are so disgusting with uhog in your nose and that liquid pouring in your eyes! Hindi ka na maganda! Nakakadiri ka! Yuck!" Maarteng sabi ni Nikki na kahit ganyan ehh alam kong naga-alala rin para sa akin.

Kung hindi nga lang ganito ang sitwasyon ngayon, kung hindi lang ako umiiyak? Siguro ehh kanina pa ako tawa nang tawa dahil sa kaartehan niya. Pero wala eh. Parang walang makakapagpagaan ng loob ko.

Wala, kahit na sino.

"Tama na yan, Rain! Ilang taon ka nang nandito sa Paris pero iniiyakan mo pa rin siya! Umiiyak ka sa isang lalaking hindi ka naman pinapahalagahan! Kung mahal ka niya...sana nandito siya! Pero nasaan siya? Wala! Wala siya! Kami ang nandito para sa'yo! Wag mo nang hanapin yung wala!" Sabi ni Gerald. One of my bestfriends.

Nandito siya ngayon dahil kung tama ako ehh pinapunta siya dito nila Khia. Alam kasi nila na kakalma lang ako kapag nandyan si Gerald. Pero ewan ko ba, kahit kumalma pa ako, nandoon pa rin yung sakit.

"Pero, mahal ko pa rin siya *hik* siya paden..." Sabi ko sa gitna ng mga paghikbi ko. Alam kong para na akong bata. Araw-araw umiiyak. Maisip ko lang si Cloud, naiiyak na ako. Hindi ko kasi maintindihan eh. Hindi ko maintindihan kung bakit pa-fall siya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mahalin pa niya yung taong iniwan naman siya dati!

Ako kasi yung nasa tabi niya nung mga panahong yun eh. Pero anong ginawa niya? Binalewala niya lang ako. Bumalik lang yung Ghem na yun, binasura na niya ako. Pakshet na buhay to oh!

"Nandoon na kami, Rain. Mahal mo siya. Oo, mahal mo siya." I can see pain in his eyes, maybe because they are also hurt seeing me like this...Oo, miserable ang buhay ko. Miserable because he cheated on me! "Pero mahal ka ba niya!? He cheated on you! Sinong matinong boyfriend ang makikipag--- fine, almost having sex with his ex!?"

I was caught off-guard. Tama siya. But still..."Mahal ko pa rin siya...Hanggang ngayon...siya pa rin...Siya lang..."

*tentenen tentenen

"Ay kabayo!" Napasigaw ako nang marinig ko ang alarm clock ko. "Hayy, buti panaginip lang. Tsk. Ako? Mahal ko pa rin ex ko? Si Cloud? Sinong niloko ng panaginip ko!? Ang panaginip, kabaligtaran ng katotohanan kaya imposibleng maging katotohanan yun. Tsk." 

Paulit-ulit ko yang sinasabi sa sarili ko. Para na ako sirang plaka, pero anong magagawa ko? Yun ang alam ko. Hindi sisirain ng isang panaginip lang ang limang taong inilaan ko sa pagmo-moveon sa kanya. Ngayong okay na ako, at masaya na, hahayaan ko pa bang bumalik ako sa dating Skye na sobrang mahina at nakadepende lang sa kanya?

"Ako? Mahal ko pa rin siya? Imposible. Malaking imposible. Tsk. Kalokohan. Makaligo na nga." Habang naliligo ako, tila hindi maalis sa isip ko ang mga napanaginipan ko. Pero hindi talaga. Hindi pwede. Hindi maaari. Imposible. Napakaimposible. Kung mahal ko pa nga siya, hindi sana magiging ganito kasaya ang buhay ko ngayon.

Okay na ako eh. I have the best set of friends, I have the best career, I have the best life. So ano pang hahanapin ko? Wala. Wala na.

Oo, nagmahal na ako ULIT. Ilang beses pa ba ako kailangan magmahal at masaktan? Ilang beses pa ba bago ko mahanap ang tamang lalaki?

Nakakapagod din.

I was reminiscing moments...Mula nung araw na nakilala ko siya sa airport dahil nabangga ko siya. I was physically attracted to him that time. Gwapo siya and no wonder, nagka-crush ako sa kanya.

But believe it or not? Ilang segundo lang at nawala din bigla. Dahil napaka-ungentleman ng pagkakakilala ko sa kanya. Nag-away pa kami sa airport. Tinarayan niya ako. At tinarayan ko siya.

Inis na inis ako sa kanya to the point na talagang sinumpa ko siya dahil sa sobrang inis ko. I even cursed him. Pero who would have imagined? Nagaral kami sa iisang eskwelahan. Pareho ng year level at...Naging kaklase ko pa siya. Nakabanggaan ko pa siya ng ilang beses. Parang nung sa airport lang ang PAULIT-ULIT na nangyari. Lagi kaming nagaaway dahil sa banggaan ACCIDENTALLY.

Pero again, who would have imagined na dahil sa mga BANGGAAN MOMENTS namin kaya namin nakilala ang isa't-isa? Hanggang sa napalapit kami sa isa't-isa. Hanggang sa pinagkatiwalaan niya ako ng masalimuot na PAST niya. Kinuwento niya sa akin ang pag-iwan sa kanya ng babaeng minahal niya nang sobra kaya siya naging PLAYBOY.

Who would have thought na ang dating aso't pusa ehh nagkagaanan ng loob? Naging malapit sa isa't-isa. And worst? Naging kami pa.

Then all of a sudden, IT'S ALL BECAUSE OF A BET.

 

Okay na sana ang lahat. Handa ko nang kalimutan ang lahat ng nangyari. Handa ko na siyang bigyan ng isa pang PAGKAKATAON. Handa ko nang bigyan ng isa pang chance ang relasyon naming dalawa.

Kaya lang... Masyadong tuso ang tadhana...Kung akala ko ehh siya na talaga...Nagkamali lang pala ako na para kami sa isa't-isa.

Sa tagal ng panahon naming hindi nag-usap at nagkita...Masasabi ko pa bang...

Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya?

by @hannapoleng

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon