CHAPTER 28 - THIS CAN'T BE

909 24 0
                                    

CHAPTER 28 – THIS CAN'T BE

“What!? What are you saying!?” Inis na sabi ko sa secretary ko na si Jonica.

“Ma’am, sorry po. I was only informed 5 minutes before you arrived.” Natatakot na sagot nito.

“Gah! I came all the way here, tapos ito ang madadatnan ko!? What is wrong with him!? How dare him!? Ito ang first day ng photoshoot namin tapos biglang ica-cancel niya!? I planned everything so much! Alam mo yan, Jonica! Nasa Paris pa lang ako, pinlano ko nang maaigi ito! Setup na lahat eh! Tapos kung kelan last minute na tsaka siya hindi makakapunta!? What is wrong with that man!?” Yeah, tama kayo. Cloud cancelled our photoshoot. Sino ba ang hindi makakalma kapag napurnada yung plano mo, hindi ba??? Ugh!!!

Halos ibato ko na lahat ng makita ko sa paligid sa sobrang inis ko.

“Ehh ma’am, may importanteng lakad daw po si Mr. Sylvana.” Sabi ni Jonica.

“Importanteng lakad!? May goodness! May mas iimportante pa ba dito!?” Oh well, sa career ko siguro wala na. Sabagay, bakit nga ba siya magaabala para dito? Eh yung ibabayad naman namin sa kanya eh walang-wala kumpara sa kinikita niya araw-araw. So bakit niya pa ipa-prioritize yung mga ganitong photoshoot!? Oh silly me! Wag ka na umasa, Rain, na seseryusohin niya itong photoshoot mo. If I know, ginagawa niya lang ito para makaganti sa’yo. Tsk.

Hindi na nakapagsalita si Jonica.

“I’m sorry, Jonica. I didn’t mean to shout at you. Sobrang...ugh! Excuse me. And by the way, tell them to pack up.” Madaling sabi ko at umalis na.

.

.

.

“Gerald!” Sigaw ko sa kanya sa kabilang linya.

[Woah! Problema mo? Nag-start na ba photoshoot niyo? Look, I’m really sorry na hindi ako makakapunta. Alam mo na susunduin ko ngayon sila dad and mom sa airport. Ngayon na kasi uwi nila.” Sabi niya.

“Oh, it’s fine. Gerald, you won’t believe this! Cloud cancelled our photoshoot today! The nerve of that man! Sana man lang ininform niya tayo ahead para naman hindi tayo ang nagkakaproblema!” Inis pa rin na sabi ko sa kanya.

[Hindi nga???] Halos hindi makapaniwalang sabi nito.

“Yeah. Pauwi na’ko ngayon. Ayoko nang pumasok. Hays. Nakakabadtrip!”

[May gagawin ka pa ba ngayong araw?] Tanong niya.

“Bukod sa paglalabas ng galit ko? Wala naman na.” There was silence. “Gerald? Uy!”

[Ahm...would you go with me this evening?]

“Anong meron?” Hays, badtrip naman oh! Ang traffic masyado!

[May family dinner kasi kami nila dad mamaya. And I bet, they also want to see you! So sama ka na samin mamaya!] With pleading in his voice.

“Sure ka ba? Nakakahiya naman. Family dinner niyo yan eh.” Konting usad na lang, malapit na akong magmukmok sa unit ko! Tsk.

[Hindi noh! Actually, natanong ka nga nila mom sa phone earlier. Pinapasama ka nila. Kaya lang sabi ko you’ll be dead tired because of your photoshoot. Pero kagaya nga ng sabi mo, cancelled na, so would you go with me? Pleaseee...]

“Fine. Fine.”

[Okay! Sabay na tayo pumunta ha?]

“Okay. See you.”

.

.

.

At 6 o’clock, Gerald is already knocking on my door. Buti na lang at bihis na ako.

“You look good.” Nakangiting sabi ni Gerald sa akin pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng unit ko. Diba nga, magkatapat lang kami ng unit?

“Thanks. You too.” Although hindi ko alam kung paano ako naging look good eeh halos araw araw naman ganito suot ko. Halos corporate attire lagi. Bodycon dress with blazer and heels.

“So, tara na?” And I nodded.

“Saan pala sila tito and tita?” Tanong ko habang nagda-drive si Gerald papunta sa venue nung dinner nila.

“Papunta na sila doon sa restaurant. Hindi naman kasi kami kakasya sa unit ko since isa lang kwarto nun so dun sila tumuloy sa bahay namin sa Laguna.” He said.

“Ohh. So sa Laguna tayo pupunta?” Tanong ko.

“Yup.” Nag-soundtrip na lang kami ni Gerald habang nasa kotse. Medyo malayo-layo pa rin kasi yung pupuntahan namin eh.

.

.

.

We arrived in the restaurant quarter to 8. Saktong dating rin nila tito and tita.

“Hello Tito Don! Hi Tita Patti! How was your flight?” Masayang bati ko sa kanila after I kissed them both on the cheek. Parang magulang ko na rin kasi sila pareho since they are bestfriends with my own parents.

“Great. Nako, buti naman nakasama ka, Rain! I thought you can’t come?” Nagtatakang sabi ni Tita.

“Eh kasi po, na-cancel yung photoshoot ko earlier kaya ayun po, sumama na lang po ako. I hope you don’t mind...” Sabi ko habang naglalakad kami papunta doon sa reserved table namin.

“No, of course not! Ako nga ang nag-insist kay Gerald na isama ka eh. Na-miss ka namin ah!” Masayang sabi ni Tita Patti. Sobrang close ko talaga sila. Minsan ka nung nasa Paris pa ako, sa kanila ako natutulog kapag nasa Paris rin sila.

“And I miss you too po.” Napatigil na lang ako nung nakita ko yung table namin. Imbis na apat lang kasi, anim yung upuan dun. Kaya naman ehh habang naupo kami ehh tinatanong ko si Gerald, “May iba pa ba tayong kasama?” Habang nakaturo doon sa dalawang bakanteng upuan sa harap naming dalawa. Nasa magkabilang dulo kasi ng table sila tito at tita, kami naman ni Gerald ay nasa gilid habang yung dalawang upuan sa tapat namin eh bakante.

“Yeah, I’m going to meet my half-sister today.” Mahinang sabi ni Gerald. Halata sa mukha niya na kinakabahan siya. Kaya naman hinawakan ko yung kanang kamay niya. Ngumiti naman siya.

“Everything will be all right.” I told him. And he nodded.

“She’s here!” Sabi ni Tito Don. Sabay-sabay naman kaming lumingon kung saan nakaharap si Tito.

Of all people, why does it has to be her?

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora