CHAPTER 42 - SEARCH FOR THE TRUTH

856 24 0
                                    

CHAPTER 42 – SEARCH FOR THE TRUTH

"Miss, gusto ko lang naman malaman kung nasaan si Ms. Ghem Benitez. I'm a friend of her, kung hindi mo natatanong. Pwede bang sabihin mo sa akin kung nasaan floor and room siya? Gusto ko lang makasigurado na...na...na safe siya..." Okay napaka-sinungaling ko. Psh. Kanina pa kasi ako nagi-insist dito sa nurse na nasa reception area na sabihin sa akin yung room ni Ghem pero ayaw niya. Nung narinig nga niya yung pangalan ni Ghem kanina nung unang tanong ko ehh parang bigla siyang natulala eh. Anyare?

"Sorry po, ma'am. Pero hindi po kasi kami basta-basta nagpapapasok sa kwarto ng mga pasyente namin kung hindi lang rin naman po kamag-anak. Mahigpit na patakaran po yun dito, Ma'am. So kung ako pos a inyo, umalis na po kayo." Iwas ang tingin na sagot niya sa akin.

"Can you just tell me kung may pasyente kayo na yun ang pangalan? Ehh hindi ba yun naman ang trabaho mo? Madali lang naman ang gusto kong mangyari, Miss...bakit ba sobra naman ata ang higpit ng hospital na'to at pati kakilala ehh hindi pwedeng papasukin!?" Inis na inis na talaga ako pero pinipigilan ko lang yung sarili ko. Anong klaseng hospital ang may ganitong pamamalakad! Masyado naman atang prestigious tong hospital nato! Aba naman!

"Mawalang-galang na ho, ma'am. Alam ko po ang trabaho ko. Kanina ko pa sinasabi sa inyo na hindi po tumatanggap ng bisita yung sinasabi niyong pasyente. Umalis na ho kayo, dahil kung hindi ehhh tatawagin ko na ho yung guard."

Fvck! Napaka-accomodating naman ng nurse na ito! Nakakainis! Ugh!

Tumingin ako sa isa pang nurse na katabi niya na kanina pa ehh walang imik, pati siya ehh umiwas din ng tingin sa akin. Okay, fine! Kung hahanapin ko naman si Ghem sa mga kwarto dito ehhh baka abutin ako ng bukas kakahanap. Hays.

"Skye? Skye! Ikaw ba yan???" Lumingon ako sa nagsalita. Skye naman pangalan ko dati ah!

"Mawu!" OMG! Tama ba tong  nakikita ko!? "Ahhhhhhh!"

"Kamusta ka na??? OMG!" At para kaming batang nagtatalon doon. Aba, ilang taon din kaming hindi nagkita nito ah!

"Anong ginagawa mo dito???" Tanong ko.

"Intern ako dito!" Nakangiting sabi niya. (Note: Hindi po ako sure kung may intern na soon-to-be-doctor at the age of 21. Hehehe, yaan niyo na!)

"Talaga???"

"Halika, sa canteen tayo!" Yaya niya. "So...anong ginagawa mo dito???"

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Nakita ko naman na medyo nakataas yung kilay niya sa akin. Alam na alam niya talaga kapag may tinatago ako hays. Pero sasabihin ko ba? Kapag sinabi ko sa kanya, ehh baka may chance na malaman ko kung nasaan si Ghem kasi intern siya dito. Kapag hindi ko naman sinabi yung totoo, well, anong idadahilan ko? Magpapa-opera ako? Anubayun -_-

So in the end, sinabi ko rin sa kanya. Pero summary lang. Simula lang doon sa nalaman ko na may sakit si Ghem sa puso. Hindi pa niya alam yung buong kwento kung bakit ako umalis five years ago.

"I won't tell anyone, I promise. You know me. Pero, ang pinagtataka ko ehh nagpapapasok naman talaga ang hospital nato ng kahit sino basta kakilala at iche-check yun doon sa patient." Nagkatinginan kaming dalawa. "Pero wait nga, pa'no mo naha-handle na makatrabaho si Cloud? Kung ako yun, nako, hindi ko kayang gawin yung nagagawa mo ngayon." Napansin ko naman na biglang lumungkot yung mukha niya.

"Teka nga, nasan si Paolo???" Tanong ko.

"We broke up." Maiksing sagot niya. Wala akong mabakas na kahit anong sakit o bitterness sa mukha niya. Anong nangyari!!!?

"Bakit!? Kelan pa!?" Halos lumingon lahat ng nasa canteen sa akin dahil sa napalakas yung boses ko. Hehe. Pero naman kasi, hindi ko expected na break na sila ni Paolo! Never kong naisip yun nung high school pa lang kami. They seemed so...in loved!

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now