SPECIAL CHAPTER - KARVY'S POV

1.3K 33 0
                                    

SPECIAL CHAPTER - KARVY'S POV

Hi, girls! This is Karvy Lyndon Esguerra always at your service. Haha. Hindi niyo pa ako kilala for sure. Hindi niyo rin alam ang role ko dito. Well, hindi ko rin alam eh.

As far as I'm concerned, umeepal ako sa istoryang ito dahil hindi ko matanggap na ni-reject ako ng isang babae. Ugh! She really stomped on my ego! That girl!

I can get whoever I want, whatever I want! Kahit sino pang babae yan! Maamoy lang ako, nakukuha ko na agad. Tsk. Siya pa kaya!? Hindi talaga maatim ng pride ko yung ginawa nung babaeng yun! Kaya kahit hindi niya alam, kinuha ko yung plate number ng kotse niya nun. At ayun, pinahanap ko yung owner kaya nalaman ko na Rain Lopez pala ang name niya.

Marami din akong nalaman tungkol sa kanya like sa France din pala siya nag-aral ng college. Same school nga kame eh pero ahead ako sa kanya at magkaiba kami ng degree. Nalaman ko na fashion designing pala ang kinuha niya. She really looks familiar, maybe because we studied on the same school before. Ayon din sa source ko, she'll be staying here for good ehh ako naman ehh nagbabakasyon lang talaga. Gusto ko lang mag-enjoy nang mag-enjoy lalo na ngayon.

 And that girl! Ugh! She ruined my stay here! Magbabayad talaga siya dahil sa ginawa niya sa akin!

Oo, ako nga pala yung nagte-text at tumawag sa kanya. Nakakaasar! Bakit hindi man lang niya ako maalala!? Bwiset talaga! Hindi lang ngayong araw ka makukulitan sa akin, Ms. Rain Lopez. Dahil sinisiguro kong mapapansin mo din ako one of these days. Bwahahahah!

Yeah right. She really has that fvckin pretty face! Pero naman kasi! Tinapakan at dinurog niya talaga yung ego ko!

*flashback

Nandito kami ngayon sa parking lot ng mall matapos naming maglibot sa loob. Ewan ko ba kasi dito sa kaibigan kong si Red na super good boy, imbis na sa bar kami ayain, sa mall na lang daw! Tsk!

"Tignan mo tong si Karvy, kanina pa nakabusangot!" Tila nanga-asar na sabi ni Jester.

"Ehhh paano ba naman kasi, imbis na sa bar ang punta natin ngayon, dito pa talaga sa mall! Paano siya mage-enjoy niyan! Wala ng chix! Wala pang alak! Tsk!" Natatawang sabi ni Aldy na isa ring chickboy! Kung makapangasar parang gusto niya rin dito sa mall ah! Tsk.

"Tumahimik na nga kayo diyan." Naiiritang sabi ko. Kung makapag-usap kasi sila, akala mo wala ako sa tabi nila. Psh. "Hindi kayo gumaya kay Justin na nagbagong buhay na! Tsk!"

"Aba, aba, kung makapagsalita to! Kami kaylangan nang magbago tapos ikaw hindi!? Unfair yun tol! Hahahah!" Sabi ni Jester. At ayun, tawanan ang mga hinayupak. Tsk. Maya-maya ehh hinawakan niya ang balikat ko at iniharap doon sa isang binibining maganda na, sexy pa! "Ano pre, bawi ka na ngayon oh! Ganda noh!?" Ngingisi-ngising sabi nito ni Jester.

"Jester talaga oh! Wala ka ng tinuro kay Karvy kung hindi ang mambabae tsk! Dito ko na nga kayo dinala. hindi pa rin kayo nakaiwas sa bisyo niyo!" Sabi nitong mabait na si Red at tuluyan nang pumasok sa kotse niya. Tsk, kj talaga. Palibhasa ehh brokenhearted ang drama dahil yung babaeng gusto niya, nakuha nung bestfriend niyang si Justin na hindi namin kasama ngayon. Nasa France pa rin ito dahil nandun yung girlfriend niya. Tsk. Under na under nga ang dating playboy eh.

Ni hindi namin inaasahang yung babaeng yun lang yung makakapagpabago sa kanya. Hahah! Sa akin kaya may makakapagpabago din? Baka wala na akong pagasa. Anyway, masaya naman ako sa ginagawa ko eh! Hahahaha!

Kung sino man yung babaeng yun na hindi ko pa kilala, dahil busy kami sa paglilibot sa buong mundo ehh salamat na lang sa kanya at nagbago si Justin hahahah!

"Dali na, bro! Lapitan mo na! Wag mong sabihing naduduwag ka!?" Bulong ni Jester sa akin. Ewan ko ba. Hindi ko magalaw yung katawan ko habang nakatitig sa kanya. Ang ganda niya, shet tapos hindi pa pang-flirt yung damit niya.

"Tsk. A-ako? Naduduwag!? Kelan pa!? Babae lang yan!" Inayos ko ang damit ko pati na rin ang buhok ko at lumapit dito. "Hi, miss." Sabi ko.

Tinaas nito ang kilay niya sa akin as if she's inspecting me. Shet lang, ang ganda niya lalo sa malapitan. "Yes?" Mataray na sabi nito. Okay lang yan, Karvy. Pa-hard-to-get lang yan, bibigay din yan kapag nginitian mo ng nakakamatay mong ngiti.

"May I know your name?" Flashing my oh-so-handsome smile.

"No." Sagot nito at pumasok na sa loob ng kotse niya. Fvck! Is this for real!? Parang sinampal ako nang napakalakas sa sinagot niya. Ako!? Si Karvy Lyndon Esguerra ay ini-snob ng isang babae!? Hindi ko ata mapapalagpas ito!

At hindi niya lang inapakan ang ego ko! Pinahiya niya rin ako sa mga kaibigan kong ngayon ehh tawa na nang tawa! Bwiset! Ugh! Akala niya kung sino siyang maganda! Ugh!

"Kayang-kaya pala ha?"

"Akala ko ba easy lang sa'yo yung mga ganyang tipo???"

"Wala ka pala bro eh. Hina mo!"

Rinig na rinig ko yung pangangantyaw nila sa akin mula sa kinaroroonan nila. Ugh! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil first time talagang mangyari sa akin nun. Kaasar talaga!!!

I compose myself. Tsk. Hindi lang ako basta-basta. You'll pay for this, Miss-whoever-you-are. Then I smirked.

*end of flashback

At yun nga ang nangyari. After ng insidente na yun ehh todo pa rin sa panga-asar yung mga kaibigan ko. Tsk. Talagang magbabayad siya!

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon