CHAPTER 14 - LUNCH PART 2

1.1K 26 0
                                    

CHAPTER 14 - LUNCH PART 2

"Rain!" Bati sa akin ni Ghem pagkapasok na pagkapasok ko sa restaurant. Maka-Rain ha? Haha. Close ba agad kami?

"Oh, hi," Sabi ko. Tapos mas humigpit pa yung kapit ko doon sa sling bag ko. "Saan kayo nakaupo?"

"Ah, doon." Turo niya sa isang table kung nasaan si Cloud. "Tara!"

After namin um'order ehh nagkwentuhan lang kami. Para ngang kami lang ni Ghem ang magkasamang kumain ngayon eh. Kasi si Cloud, ayun, tahimik lang. Ang arrangement namin? Nasa tapat ko si Ghem tapos sa right side niya naman si Cloud.

"Alam mo, Rain, gustung-gusto talaga kita makasamang mag-lunch ngayon eh." Sabi ni Ghem tapos uminom siya sa baso niya.

"Ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala lang...Unang kita ko pa lang kasi sa'yon kanina, feeling ko magkakasundo tayo eh."

"Umf! Umf!" Medyo naubo ako dun sa sinabi niya ah, idagdag pa na umiinom din ako ng tubig. Kami magkakasundo? Paano kami magkakasundo ehh ewan, may something talaga sa pagitan namin na feeling ko ehh malabong mangyari yung sinasabi niya eh.

Kayo ba, makakasundo niyo ba agad agad yung taong naging dahilan para magkahiwalay kayo nung EX niyo? Plus add the fact na parang walang kaalam-alam yung taong yun na siya pala ang sumira ng relasyon niyo ng EX mo. Ang gulo diba? Pero posible nga kaya yun???

"Are you alright???" Sa wakas eh nagsalita din si Cloud. Inabot sa akin ni Cloud yung baso na may lamang tubig at inalalayan akong uminom. Ewan ko ba pero may something sa tingin ni Ghem dahil sa ginawa ni Cloud na hindi ko ma-explain.

"May nasabi ba ako, Rain?" Tanong ni Ghem na may confuse na expression.

"Ah...wala wala... Ano nga ulit yung sinasabi mo???" Tanong ko. Kunyari ehh hindi ko naintindihan yung mga sinabi niya.

"Ahh...Sabi ko feeling ko magkakasundo ulit tayo." Ayan buti prepared na ako kaya hindi na ako nabilaukan pa ulit.

"Ah...Siguro naman..." I doubt. Ayokong maging plastic but I felt like I have to. Ewan ko na talaga. Mali ata talagang sumama ako dito. If I know, baka nga date pa nila itong dalawa eh.

"Nakwento sa akin ni Cloud na kakaumpisa mo pa lang sa trabaho mo kahapon. So how was your first day???" Tanong nito. Nakwento talaga ni Cloud? Sa tahimik niyang yan ni Cloud, magagawa pa niyang magkwento kay Ghem? Oh, sabagay, ang isang boyfriend talaga iba ang trato sa girlfriend. Kung masungit sa iba, malambing kay girlfriend. Haha. Oo nga naman.

"Ahm...Okay lang naman...Kaso medyo naga-adjust pa ako...alam mo na...new co-workers...new work place..." Sabi ko tapos sumubo ako ng steak na halos hindi ko naman nalasahan dahil sa intense ng moment.

"Ahh...Sabagay...You know what, nung bago lang rin ako sa company nila Cloud, nanibago din ako eh. First ever work experience ko kasi yun eh." Sabi niya. Talaga? Are you too lazy to take up an OJT?

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora