CHAPTER 17 - MISTER MYSTERIOUS

1.2K 24 0
                                    

KARVY'S PHOTO ON THE MULTIMEDIA SECTION --->

CHAPTER 17 - MISTER MYSTERIOUS

I went to the coffee shop just across the building where I work. Kailangan ko ng hangin. Kailangan kong mag-isip. Naiinis ako! Bakit pakiramdam ko hinayaan ko yung sarili ko na magpahalik sa Cloud na yun!? Bakit parang kasalanan ko pa!? Kung alam ko lang sanang mangyayari yun, hindi ko na sana siya pinapasok sa office o kaya naman ehh pinalabas ko na siya agad!

Hindi ko alam pero nagsisisi akong bumalik pa ako ng Pilipinas. Now, all I want to do is pack up and send myself to France again. Ugh!

Nag-order ako ng coffee and cheesecake pero wala akong ganang kainin yun. Hindi ako mapakali. I'm still shock! Ugh! Ang gulo! Baqkit ba ako nagkakaganito!? Ang kailangan ko lang gawin ehh kalimutan yung nangyari. Kapag inisip ko pa nang inisip yung ginawa ni Cloud kanina, baka mas lalong bumalik lang yung sakit ng nakaraan. Tama, kakalimutan ko na lang yun. Walang nangyari. Wala.

Maya-maya, nag-vibrate yung phone ko na nakapatong sa table. I checked the screen...Gerald calling...

"Hello..."

[May problema ba, Rain? C'mon. Bakit ganyan tono ng boses mo? What's wrong?] Sabi nito sa kabilang linya, halata ang paga-alala niya.

"No, I'm alright. Anyway. what is it? May kailangan ka ba?" Sabi ko sa kabilang linya.

[No...no...Nasan ka pala? Nasa opisina mo ako ngayon eh...Pero wala ka. Saan ka ngayon? Did you take your lunch already?]

"Nandito ako sa coffee shop sa tapat ng building. Punta ka dito, if you're not busy..."

[Ah sige, I'm on my way.] Then I heard the sound of the elevator opening. Hayyy, kailangan ko lang talaga siguro ng makakausap at this moment tapos mamaya, wala na'to.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin si Gerald. May natanggap akong message galing sa kanya.

From: Gerald

Sorry that I have to go back to my office. I forgot to bring my keys. Just wait for me. It won't take too long.

-end-

Napabuntong-hininga ako hanggang sa naramdaman ko na naman na nag-vibrate yung cellphone ko. Someone's calling pero unknown number iyon. Sino naman ito. That's when I realized na familiar sa akin yung number, eto yung lalaking nagte-text sa akin eh!

"Who are you!?" Bungad ko dito.

[Whoa! Are you mad at me? Won't I be receiving just a simple 'hi' from a very gorgeous lady in red?] Sabi nito. Medyo husky yung boses niya. Ramdam ko rin na nakangisi siya sa kabilang linya. Tsk.

Doon ko lang na-realize yung huli niyang sinabi...Lady in red? How did he know that I'm wearing a red dress? I look around the coffeeshop pero wala namang ni isa sa kanila ang may hawak ng cellphone sa tenga. "WHO ARE YOU!? WHERE ARE YOU!?"

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Where stories live. Discover now