Chapter1: Azrael

13.1K 333 14
                                    



"Azraelli Pilgrima, gumising kana at bumangon. Batang ito, male- late kana sa klase mo. Hala.. bangon!!" kinuha ko ang isang unan ko at tinabon ito sa mukha ko at patuloy parin sa pag pikit.

"Azraelllllllliiiiii........." napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang masakit sa tengang sigaw ni mama sa akin. Lintik lang ina- antok pa talaga ako eh, di kasi ako nakatulog ng maaga dahil sa pagbabasa ng paranormal story na nakita ko sa wattpad application ng phone ko. Ang ganda kasi ng kwento eh, na hook kasi kaagad ako doon kaya di ako talaga natulog hanggat di ko natatapos sa pagbabasa iyun.

"Azraelli Pilgrima!!" Ugh, ayan na naman yang azraeli pilgrima na tawag neto sa akin. Di naman azraeli pilgrima ang pangalan ko eh, masyadong pang- matanda.

"Heto na!" sigaw ko at tuluyan ng bumangon at nag stretching muna ako ng buto- buto ko bago ko kinuha ang towel kong kulay asul at dumiretso na sa banyo para gawin ang kinaugali-an gawin ng mga tao.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako at dumiretso sa kumidor para kumain ng agahan.

Umupo ako sa isang upu-an na nasa harap ni mama, sumandok ako ng sinangag at kumuha ako ng isang sunny- side- up egg at dalawang bacon.

"Azrael, pagtapos ng klase mo umuwi ka kaagad. At wag na wag kang magpapagabi at mas lalong wag na wag kang kakausap ng mga estranghero sa daan. Maliwag ba?" Napa roll- eyes nalang ako sa mga pinagsasabi ni mama. Naku naman, di na ako bata at isa pa simula sa unang taon ko sa Nigthlock University ganyan na yang bilin niya sa akin.

"OO na po." Sabi ko dito at tumango- tango lamang siya sa akin.

----------------------------------------------

Ang Nigthlock University ay di naman masyadong kalayu-an sa bahay. Walking distant lang naman siya kaya naglalakad lang ako tuwing papasok at uuwi.

Isang malaki at malawak na university ang nigthlock. Itim na nagtata- asan pader ang pumapalibot dito. Maraming estudyante ang nag- aaral dito, at iba't- ibang klaseng mga estudyante ang nandito.

Jerks, bullies, nerds, jocks, bitches, slut, whores, emos, rebels, addicts, et cetera- et cetera. Name it, nandito silang lahat sa loob ng university na to.

And I'm lucky kase wala ako sa mga choices na iyun at ang masasabi ko lang ay isa ako sa mga parang hangin lang dito sa loob. So far, mas maganda na iyun kesa ako yung na bu- bully diba?

Ting, ting, ting,..

Shitt,. Dali- dali akong tumakbo sa hallway papuntang classroom ng marinig ko ang bell. Siguradong papagalitan na naman ako ni mr. Asungit kapag late na naman akong pumasok sa klase niya.

Pagkarating ko sa tapat ng classroom namin ay dahan- dahan ko itong binuksan at naglakad ng tip- toe papasok sa loob, shiitt.. nandito na kasi si mr. Asungit at 10 mins late na ako sa first period namin. Sino ba kasing poncio- pilato ang naglagay ng classroom namin sa pinaka- dulong parte ng building na to? Kung alam lang nila kung ga ano ka haba ang tatakbuhin ko para makarating lang dito.

"Azrael Pilgrim." Napatayo ako ng diretso at dahan- dahang humarap kay Mr. Asungit ng banggitin neto ang pangalan ko. Malapit na sana ako sa upu-an ko eh, limang hakbang nalang sana.

"He- he- he.. h- hi s- sir??" awkward na sabi ko habang naka- ngiti ng plastic sa kanya. Napangiwi naman ako ng parang biglang umusok ang tenga ni sir at naging kamatis sapula ang buong mukha neto.

"ahm.. sir??,. okay kalang? Bakit parang nag tra- transform kana sa dragon sir? Oh my gosh.. wag mo pong sabihin na may lahi po kayong dragon??" napatakip pa ako ng baba ko pagkatapos kong sabihin pero yung mga kaklase ko ay napahagalpak na sa tawa.

"Azrael Pilgrim!!" galit na turan ni sir habang parang nagiging dragon na talaga siya.

"Sir,. Magtra- transform na po ba kayo?? Teka lang sir, lalabas ako at tatawag ng tulong.. teka lang talaga." Panic na saad ko habang yung mga kaklase ko tawang- tawa na talaga at yung iba naman ay lumuluha na sa kakatawa.

"Azrael Pilgrim, out of my class.. now!!" malakas na sigaw ni sir dahilan para mapa- iktad ako at dali- daling lumabas sa classroom. Pero lumingon muna ako kay sir at "Sir, sigurado ho kayong okay lang po kayo? Tatawag po talaga ako ng mga police baka kasi mag transform kana diyan." Isang malakas na galit na sigaw ng pangalan ko ang narinig ko bago tumakbo paalis sa classroom na iyun, habang tawang- tawa pa din ang mga kaklase ko.

Mga matatanda talaga, napapailing nalang ako habang naglalakad sa mahabang hallway.

Ang tahimik na ng hallway namin, kung titingnan mo ang hallway namin ay iisipin mo talagang nasa isang horror movie ka at may naghihintay na psycho o multo sayo sa bandang unahan neto.

Ang sabi pa nga nila, marami daw multong naninirahan dito sa university. Tsk.. napapailing nalang ako, multo my ass.. wala naman akong nakikita ah.

----------------------------------------------------------------------------------

Hi guys, this is my new story so I hope na maging successful ang isang ito katulad ng iba kong stories. Hehehee.. so far, parang ito palang ang naiiba sa mga stories ko,.

Well, I'll let youknow one of my secret guys.. I was fascinated with demons and the like. Hellyeah, they are cool for me!! :)

Themesong: This little girl by: nightcore... on the multimedia guys',. :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now