Chapter 8: Acceptance

5.2K 230 0
                                    


Hindi ko parin lubos na maisip na ang buhay kong ito ay isang pagkakamali ni azrael. Isa akong produkto nang kanyang sariling eksperimento. Ang lahat nang naranasan ko dito sa mundong ito ay isang kasinungalingan lamang.

"Ahhhhhh...!!" malakas na sigaw ko habang tinabig ko ang mga gamit na nasa side table ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Malungkot ako, oo pero galit din ako. Galit ako kay azrael, galit ako kay Lucifer, galit ako sa sarili ko at galit ako sa lahat- bakit? Di ko alam, yan ang nararamdaman ko ngayon.

Sa simula't- sapol pala ay nakatakda na akong maging isang reaper. Ganun pa din naman ang mangyayari kung naging matagumpay si azrael sa plano niya. Gagamitin niya naman ang katawan ko, so basically magiging reaper pa din ako. Di lang isang reaper kundi isang anghel ng kamatayan.

Bigla ko nalang naalala ang huling sinabi ni raziel sa akin bago siya bumalik.

"...Azrael's planning to take back his soul from you. He needs his part of soul to complete him and to overcome his punishment and to gain back his powers. He badly needs you, .."

"No.. this is mine now and he can't take it from me." Wala sa sariling sambit ko. Hindi ko hahaya-an na makuha ni azrael ang soul ko para magamit sa kabaliwan niya.

Alam ko kung anong parusa ang pinataw sa kanya, sinabi iyun ni raziel sa akin. Nandoon si azrael ngayon sa underworld, namamahala sa mga patay na kaluluwa. Gagamitin niya ang soul ko para macompleto siya at makaalis sa lugar na iyun, pagkatapos ay gagawin niya pa din ang plano niyang maging isang mortal.

Ang sabi ni raziel kaya naging malapit sa isa't- isa sina Lucifer at azrael ay dahil sa may pagkapareho ang kanilang attitude. Azrael is definitely selfish, and Lucifer in the other hand is prideful. They are a great tandem- the prideful and the selfish.

Ang kinakabahala ng mga arch angels ay kung maging isang mortal na si azrael, wala nang hahawak sa mga kaluluwa at magbabantay. Kapag nangyari iyun masisira ang balance ng tuluyan at mawawalan na nang mga tao ang buong mundo. Mawawalan ng saysay ang cycle of life and death.

Mawawala ang mundo at tanging sila at ang mga demonyo nalang ang matitira. Kaya hanggat maaari kailangan kung ipaglaban at ipagpatuloy ang aking buhay. Kailangan lang talagang magising ni azrael sa kanyang kahibangan. Pero sa tingin ko Malabo na iyung mangyari dahil nandoon na siya sa underworld kung saan made- develop pa ang kanyang bad side.

Tumayo ako at kinuha ang envelop na nasa drawer ko. Binuksan ko ito at kinuha ang isang kapirasong papel doon.

Binasa ko ang nakasulat doon at kinuha ko ang isang hikaw na kasama neto at sinuot sa kanang tenga ko mabuti nalang at may isang piercing ako sa kanan. Bumuntong hininga nalang ako at humarap sa full length mirror ko. Nakapag desisiyon na ako, tatanggapin ko kung ano ako ngayon. Tatanggapin ko na ang aking tadhana. Ang maging isang crimson reaper...

--------------------------------------------------------------

Hello guys.. how's this chappy??? Do comment and vote guys',. Thanks..,

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon