Chapter 28: Asmodeus

4.3K 213 4
                                    


Napatingin ako kay silver, gutay- gutay na yung black tux niya at putol na yung kanyang tie. May ilang tilamsik na din siya ng dugo sa mukha niya at yung scythe niya ay may tumulo pang dugo na nagiging usok.

"Silver, my boy.. How are you?" nakangiting sambit ni asmo at pumasok na siya ng tuluyan sa loob. Napahanda ako ng scythe ko, napatingin naman sa direksyon ko si asmo at mas lumapad pa ang ngiti niya sa akin.

Napaigtad ako ng konti ng maramdaman ko ang isang kamay sa aking bewang. Napatingin naman ako kay silver na nasa gilid ko na at medyo hinigit niya ako palapit sa kanya.

Napahalakhak naman ng malakas si asmo at napa ta-as siya ng dalawang mga kamay niya na tila sumusuko.

"my.. my.. silver, I don't know that you are as possessive as your father." Ngiting pahayag neto.

Napaigting na naman yung panga ni silver sa narinig niya at ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa bewang ko.

"mammon." Biglang sambit ni asmo at tiningnan si mammon na nasa demon form niya pa din at may malaking slash na umuusok pa sa kanyang dibdib at yung putol niyang braso na umuusok din.

Napailing naman si asmo sa nakita niya at tumingin sa akin. Bigla akong nanlamig sa mga tingin niya at unti- unti na naman siyang ngumiti sa akin at binalik na naman ulit ang tingin kay mammon na may galit sa kanyang mga mata.

"retreat and go back to hell. Bring all your minions.. ahh ahhh.. no more complains. Lucifer's absolute order." Cool na sambit ni asmo kay mammon, napa- igting naman yung panga ni mammon at kinomand niya yung mga natitira niyang mga alagad na bumalik sa hell.

Biglang nagkaroon ng portal sa kaliwa namin at pumasok dun isa isa ang mga demonyong natitira.

"Now, let's go. Damn that prince.. I'm not the messenger here but he's ordering me to pick you up. The hell with that.. oh.. were are really the prince of hell." Pagrereklamo ni asmo at humalakhak ito. Pumasok na din si mammon sa portal at siya nalang ang natitira.

"Where is that damn firefly brat that he can't even do his duties. Hmmm... well, atleast I get to see this beautiful and sexy lady here." At biglang tingin na naman niya sa akin, nanlalamig na naman ako at absentmindedly kong nahawakan ang polo shirt ni silver. Mas hinigit na naman ako ni silver sa gilid niya.

"Well, see you next time.." tumalikod na ito at naglakad papunta sa portal pero bago pa siya makapasok ay bigla siyang lumingon sa amin.

"Oh, I forgot.. Lucifer said that you can enjoy your time now. He will just wait for the both of you to come down at hell and we will welcome you there. Especially you,. Little girl.. I certainly want to welcome you there." Bigla atang tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Ngumiti naman siya ng malapad at pumasok na sa portal.

Pagkapasok niya sa portal ay bigla nalang nawala ang portal. Doon lang ako nakahinga ng malalim at nawala na yung scythe ko, nawala na din ang scythe ni silver.

"now what?" sambit ko dito at humarap sa kanya. Bigla na naman niya akong niyakap kaya napayakap din ako pabalik sa kanya.

"For now.., let's lie low and rest." Bulong niya sa buhok ko at niyakap pa ako ng mahigpit.

Ilang minuto pa at binitawan na niya ako at hinubad niya yung gutay- gutay niyang black tux leaving him in his white polo shirt. Kinuha niya din at tinapon ang putol niyang tie at binuksan ang dalawang butones na nasa taas ng polo niya.

"Let's go home." Sambit ni silver at ini- offer niya sakin ang kanyang palad. Napatingin naman ako sa palad niya at tinanggap ito. Di ko alam kung imagination ko lang ba yun o hindi pero nakita ko siyang ngumiti.

Nakasunod lang ako sa kanya habang hawak- hawak niya yung kamay ko. Napangiti ako habang nakatingin sa kamay namin na magkahawak.

Oh silver, Anong ginagawa mo sa akin?

------------------------------------------------------------------------------------------------

Asmodeus/ Asmo – One of the princes of hell,. The lord of lust.

Here's another update guys. Hope you like it..

Do comment, vote and share guys.. Thanks. :) :) :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now