Chapter 27: Mammon (Part 2)

4.2K 203 0
                                    


"Shit!" mabilis kong sinumon ang scythe ko at mabilis na sinangga sa kamay ng isang demonyo na susugat sana sa katawan ko. Malakas kong tinulak ang scythe ko at tumilamsik ang demonyo sa pader.

Isang pwersang papalapit ang naramdaman ko sa kanan ko kaya mabilis kong hinampas ang scythe ko dun at nahati ang katawan ng demonyo at biglang umusok. Isang kamay naman ang mabilis na humawak sa balikat ko.

Napasigaw ako ng dumiin ang mga kuko niya sa balikat ko, napalaki naman ang mata ko ng makitang dalawang demonyo ang papalapit sa akin, Hinawakan naman ng demonyo ang leeg ko at piniga, tiniis ko ang sakit sa balikat ko at hined- bang ko ang demonyong nakahawak sa akin.

Lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin kaya mabilis akong umikot tsakto nmang malapit na sa direksyon ko ang dalawa pang demonyo kaya nahati ang kanilang mga katawan.

Mabilis kong nilibot ang paningin ko at nakikita ko si silver na lumalaban gamit ang red scythe niya sa mga ilang demonyo habang si mammon naman ay nakangiting nakatingin lamang kay silver.

Mabilis kong pinunit ang ling gown ko hanggang tuhod ay nilagyan ng slit sa gilid para makagalaw ako ng mabuti.

Tinutok ko ang aking mga nagbabagang mata kay mammon at ramdam ko na naman ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko sa kulay na dark blue violet at lumabas na naman ang aura ng scythe ko.

Pinaharap ko ang blade ng scythe ko sa direksyon niya. Ngitang- ngita ko ang pagtingin sa akin ng ilang mga demonyo at ang pagtutok nang mga mata ni mammon sa akin.

Sumilay ang ngiting pang- asar niya sa akin,. Napahawak ako ng mahigpit sa scythe ko at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon niya. Sumugod naman ang mga demonyo sa akin pero mabilis ko lang silang dinaanan.

Lumiwanag ang kanilang mga katawan, sumabog at naging usok ang mga ito.

"Ahh!!" at malakas kong hinampas ang scythe ko kay mammon na nasangga ng kanyang kamay na gold,. At lumalapas din sa kamay niya ang parang apoy na gold.

"You're not going to win, little girl." Sambit neto sa akin. Napa- smirk naman ako sa kanya habang nagco- collide pa din ang aming mga armas at nag liliwananag ang mga ito dahil sa kapangyarihan.

"try me." Sambit ko at malakas na tinulak palayo sa katawan ko ang scythe. Napatalon naman siya paatras sa akin pero mabilis din akong sumugod sa kanya.

Nagsasalpukan ang aming mga armas at ang iba ay hindi namin matama-an ang isa't- isa.

"Argh.." shit, napasuka ako ng dugo ng masipa ako ni mammon sa tiyan at tumilamsik ako sa pader at nawasak ang pader. Pinahid ko ang aking bibig na may dugo pa at mabilis na tumayo at sumugod sa kanya.

Nasangga na naman niya ang atake ko pero mabilis akong tumalon sa kanya at binigyan siya ng roundhouse kick at tumama yun sa balikat niya. Napatalsik siya at napahiga sa sahig na nagkaroon ng crate dahil sa bigat ng katawan niya.

Mabilis naman siyang tumayo pero di pa siya nakakahuma ay mabilis ko na naman siyang inatake ng scythe ko, nadali ang isang braso niya kaya napasigaw siya ng malakas at napa- atras sa akin.

Hahampasin ko na naman sana siya ng bigla niyang mahawakan ang scythe ko.

Shit.., pilit kong tinutulak sa katawan niya ang blade ng scythe pero malakas niya namang pinigilan ito ng isang kamay niya, di niya alintana ang unti- unting pagkasira ng gold hands niya.

"Arghhh.!!" Sigaw niya at biglang lumakas ang aura sa katawan niya, napatalsik naman ako at bumagsak sa sahig.

"fuck.." sambit ko at tinukod ko ang scythe ko at tumayo at tiningnan si mammon na sumisigaw pa din at umaapoy ng gold.

Hinanda ko na ang aking scythe, at mabilis na sumugod ulit sa kanya. Isang malakas na pagsabog ang naganap ng mag collide ang aking scythe sa katawan niya. Napatalon ako ng paatras at tiningnan ang usok na unti- unting nawawala sa pwesto niya.

Doon nakatayo pa din siya ngunit may malaking slash na nasa kanyang dibdib.

"Ang tibay naman ng isang to." Reklamo ko. Hinanda ko na naman ang scythe ko at lumabas na naman ang aura neto at ang halimuyak ng mga rosas.

Pero bago pa ako maka- atake ay isang boses ang narinig namin na nakapag patigil sa laban.

"Ohh.. I'm not Invited?? I'm hurt!" napatingin kami sa kanan namin kung saan wasak ang pader. At doon nakatayo ang isang lalaking may mala anghel na mukha at nakangiti ng matamis.

Mala- anghel ang mukha pero iba naman ang nilalabas na aura niya.

"Asmodeus." Madiing sambit ni silver na may ilang galos at sugat na din sa katawan.


-----------------------------------------------------------------------------

Hala.. hala.. Ayan na pumasok na sa eksena si asmo.

Hope you like this chap guys.,

Do comment and vote guys.., Thank you. :) :) :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now