Epilogue

6.7K 273 29
                                    


Isang linggo matapos ang unexpected na proposal ni silver sa akin at pinag planuhan na din namin na sa isang buwan gagawin ang kasal. Masyado pa naman kasi kaming busy sa ngayon, at gusto kasi namin na kompleto kaming lahat na nasa academy na to.

Sa soul palace gagawin ang kasal namin, at si raziel ang magkakasal sa amin. Okay lang naman daw sa kanya, inimbita din namin ang 7 princes of hell at umoo naman sila. Parang cease fire daw muna sa araw ng kasal namin ni silver.

Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o hindi sa sitwasyon namin eh. Sino ba naman kasi ang mag- aakala na sa araw ng kasal namin ay magsasama ang mga anghel at ang mga demonyo kasama ng mga reapers na nasa ibabaw ng lupa? Ang awkward diba?

At dahil sa isang especial na araw ang kasal namin ni silver ay wala silang magagawa kundi ang sumunod sa pinagkasundu-an muna. Isang pag re- respeto lang sa amin ni silver dahil sa pagligtas namin sa kalahating kaluluwa ni Lucifer.

Sa ngayon, wala na akong mahihiling na kahit ano pa. Sapat na sa akin na makasama habang buhay si silver.

Kahit na maburo kaming dalawa sa soul palace ay okay lang sa akin.

Isa lang naman ang hindi magbabago pa, Ako si azrael Pilgrim ay pinanganak sa mundong ito para maging isang crimson reaper at handa ako sa kahit na ano pang mga pagsubok na darating at alam kong hindi na ako mag- iisa pa.

Salamat sa pagtangkilik sa aking simple at nakakamatay na buhay. Sa pagsarado ng aking talambuhay ay siya ding pagbubukas sa susunod na kabanata ng aming buhay. Magtatapos man ang kwento ko ngayon alam ko naman na sa mga susunod ay mag- uumpisa naman ang bagong kabanata ng aming buhay.

So, hanggang sa muli mga readers. Ako si Azrael Pilgrim ay mag si- sign- out na sa kwentong ito.

Maraming salamat talaga sa lahat.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Место, где живут истории. Откройте их для себя