Chapter 23: That Thing in my ?

4.6K 236 22
                                    



"Ano bang problema mo?" sumbat ko kay silver na kanina pa nakatingin sa akin ng masama at nakahawak ng mahigpit sa mga kamay ko.

"Hindi ka sasagot?" na- iimbyerna na ako sa lalaking ito, ayaw manlang akong bitawan tas nung sinabi ni Raziel na apple of the eye kaming dalawang ng mga walang magawang mga prinsipe ng impyerno bigla niya nalang akong hinigit palabas sa office at dire- diretso dito sa likod ng academy kung saan puro puno nalang ang makikita.

"Paano mo nakilala si Raziel? Bakit masyado kag malapit sa kanya? Bakit ang tamis ng ngiti mong binibigay sa kanya?" napa- nga nga ako sa mga sinasabi ni silver, seryoso?

Tinikop ko yung bibig ko at tiningnan ko sya ng nakataas ang isang kilay. "Bakit mo naman natanong yan?"

Tiningnan niya lang ako ng seryoso at naramdaman ko nalang ang pagpiga niya sa kamay ko.

"shitt,.. ano bang problema mo hah? Wag mong pigain kamay ko!" sigaw ko sa kanya at hinigit ko yung kamay ko sa mga kamay niya. Binitawan niya nman yung kamay ko, at tila biglang nakaramdam ako ng panlalamig sa palad ko. Bago ko pa maigalaw ang mga kamay ko para mahawakan ulit ang palad niya ay pinasok ko nalang sa aking bulsa ang dalawa kong kamay.

Shitt,. Naman azrael. Anong iniisip mo? Si silver yan, anak yan ng demonyong anghel na gusto kang kunin..Naman.,

"Just answer me, Azrael." Nabalik ang atensyon ko kay silver ng sabihin niya ito ng puno ng galit,. Tampo at selos?? Baka,. Nag-iimagine lang ako.

Huminga muna ako ng malalim at tinignan siya sa mga mata niya. Parag mawawala talaga ako sa tuwing tinitingnan ko ang mga mata niya. Shitt.. shit.., di pwedi ito,.

Napaiwas ako ng tingin. "Si Raziel ang tumulong sa akin at nagpamulat ng mga mata ko sa totoo kung pagkatao, siya din ang nagpadala sa akin dito sa lugar na ito. Yun lang."

Tiningnan niya lang ako ng seryoso at napalunok ako, ano pa ba yung kulang?? May nasabi ba akong masama? Ano ba??

"Bakit ang tamis ng ngiti mo sa kanya?" napa- huh ako..,

"Sigurado ka sa tanong mong yan?" pero di niya ako sinagot, tinaasan niya lang ako ng isang kilay niya. Seriously? Marunong din pala ang isang tong magmaldita.,

"Ahmm.., ano,.."shitt,. bat ako kinakabahan? Bat pakiramdam ko nahuli ako ng mama ko na kumukuha ng chocolate sa ref kahit pinagbawalan niya ako?

Napalunok ulit ako at tumingin sa kanya., nakatingin pa din siya sa akin ng mga tingin na yun na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.

"Masaya lang naman ako dahil akala ko kukunin niya na ako dito." Sambit ko sa mahinang boses at tumingin ako sa sapatos ko. Nice one, azrael,. Nice.. nakakahiya ka!!

Napatigil ako sa pagmomoment sa sarili ko ng maramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa chin ko at pinatingin niya ako sa kanyang mukha,. Shitt,. Biglang uminit ata dito.

Lumaki ang mga mata ko ng makitang lumapit ang kanyang mukha sa akin. Shit na malanding baka!! Kumilos ka azrael,. Kilos,..

Isang pares ng nag-aalab sa lamig na kulay ng kalangitang asul na mga mata ang kumunekta sa hybrid cat eyes ko. Mga matang kung tumingin ay parang nababasa niya ang iyung kaluluwa.

Napatingin ako sa kanyang mga mapupulang labi,. Shit.. azrael, ano bang nangyayari sayo??Si silver to,. Si silver.

Nahugot ko ang aking hininga ng magkadikit ang aming mga ilong at noo., shit.., shit.. wag kanang kumilos azrael,. Wag na!!!

Ga hibla nalang ang pagitan ng aming mga labi,. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking mukha,.

"Don't ever think that you can easily go.. I won't let you go." Sambit neto sa mahinang boses at naramdaman ko nalang ang malambot na bagay sa labi ko at bigla nalang itong nawala. Shitt,. Napapikit pa naman ako,..

"Argh!!.," napasabunot ako sa buhok ko at tumingin sa papalayong si silver.

"SHIT KA SILVER!!!!!!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ko sa kanya, wala na akong paki kahit marinig niya pa ako. Alam ko nmang kailangan niya ako sa plano niya,. May pa I won't let you go pa siyang nalalaman..,


At ano naman ang pagdampi ng labi niya?? Argh.., Paasa ang potek!!


-----------------------------------------------------------------------------------

Sorry pos a matagal na UD dito,.

Hello sa inyo guys,. Hope na sana magustuhan niyo ang Ud nato,. Hehehehhee',. Wla po munang action hah., hehehehhe..,

Do comment and vote guys,. Pwedi niyo ding e share to,. Thanks,.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now