Chapter 6: Weird Things

6.4K 255 2
                                    



It's Saturday today kaya wala kaming pasok, naka halumbaba lang ako dito sa counter tops habang pinaglalaruan ko ang tinidor ko habang si mama naman ay gumagawa ng pan cakes.

Di parin kasi ako maka get- over sa mga nangyari sa akin noong nakaraang araw. Napa buntong hininga ako tsaka ko binaba ang tinidor at pinagmasdan ko naman ang aking kanang kamay habang parang inu- unan ko ang kaliwang braso ko.

Iniisip ko kung totoo bang naging mahahabang buto talaga yung mga kamay ko. Bigla nalang may nag click sa loob ko at parang may enerhiyang dumadaloy sa mga kamay ko at sa isang kisap- mata ay nag- transform na naman ang aking mga kamay. Napabalikwas ako ng upo kaya natumba ako sa bar stall na inu- upuan ko.

"Aw.." daing ko

"Azrael!!" gulat na sambit ni mama sa akin habang lumingon ito nang may pag- alala sa kanyang mga mata, Napatago ko kaagad ang kanang kamay ko ng tingnan niya ako kung okay lang ba ako o hindi.

"I'm fine, ma.. Ipagpatuloy mo lang ang pagluluto na out of balance lang po ako." Pagdadahilan ko dito habang tumatayo na ako at ingat na ingat na hindi niya Makita ang kanang kamay ko pero na sense niya ata na tinatago ko ito sa kanya.

"Bakit nasa likod mo yang kanang kamay mo, azrael? Napano yan? Ipakita mo nga." Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin ito ni mama.

"Wala po ito ma.. di ko ito tinatago.. Kinakamot ko lang po ang likod ko. Hehehehe.." pagdadahilan ko pa dito pero tila di siya naniniwala sa akin kaya hinubad niya ang pot- holder gloves niya at lumapit sa akin, napa atras naman ako ng isang hakbang ng makalapit na siya sa akin. Patuloy pa din ako sa pagsasabi na kinakamot ko ang likod ko.

Bigla niya nalang itong hinatak paharap sa kanya kaya napapikit ako ng mariin at hinihintay na mag freak- out siya.

"tsk.., pa kamot2 pala hah,. Ang sabihin mo ini- isa- isa mo nang ubusin ang mga chocolates sa counter na gagamitin ko sa chocolate pancake mo. Naku batang ito.. pwedi namang humingi, pasecreto pang kukunin." Napamulat ako dahil sa sinabi ni mama, at napatingin ako sa aking mga kamay.

The hell??.. Tiningnan ko ulit si mama na bumalik na sa ginagawa niya at tiningnan ko naman pabalik ang aking mga kamay. Naka bonie structure pa din ang kamay ko pero may chocolate sa middle finger ko. Tiningnan ko naman ang chocolate na nasa counter tops at nakitang may parang kalmot dito. Siguro na hagip ko ito bago ako malaglag pero seriously di ni mama nakikita ang bonie hands ko? It's kind of weird na naka bonie hands ako pero isang simpleng kamay lang ang nakikita niya.

Matapos ang scene kanina sa kusina namin ay lumabas muna ako sa bahay para maglakad- lakad. Sa totoo lang di naman ako mahilig maglakad sa subdivision namin tuwing umaga. May gusto lang kasi akong Makita sa pinangyarihan noon ng accidente.

Iche- check ko lang kung nandoon pa ang kaluluwa ng driver ng kotse. Baka kasi alam nyo na kinuha na ito ng ibang reapers o di kaya ay kinain na ng demonyong nakakita dito.

Nahinto ako sa paglalakad ng marating ko na ang lugar at nilibot ko ang paningin ko dito. Wala na yung kotse dito at tanging ang bakas nalang ng gulong sa daan ang natira sa pinangyarihan. Nilibot ko din ang aking mga mata, nagbabasakaling Makita ko ang kaluluwa. Pero no luck, wala na ata dito iyun..

I let a deep breathe at maglalakad na sana pabalik ng biglang makaramdam ako ng kakaiba. Ito yung nararamdaman ko noong Makita ko ang mga reapers na iyun, Magpapakita ba sila ulit? Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong Makita ni kahit dulo ng kanilang mga itim na roba. Nilibot ko ulit ang aking mga mata pero na stuck ang mga ito sa isang bahay di gaanong kalayu-an sa pwesto ko.

Particular na na- stuck ang mga paningin ko sa isang bintana ng bahay na iyun. May isang nilalang doon sa loob ng bahay, isang nilalang na sigurado akong hindi tao. Naramdaman ko nalang na tila umiinit ang aking mata at bigla nalang itong luminaw na parang na magnify..

Ngayon, kitang- kita ko na ang nasa loob ng bintanang iyun. Na tila nanood lang ako sa telebesyon. Sa loob nandoon ang isang dalaga nakaharap sa isang salamin habang may isang itim na lumulutang sa kanyang likuran na ngiting- ngiti. Napakunot ako ng noo sa mga nakikita ko at, at the same time ay nangingilabot..

Bigla ko nalang napapikit ang aking mga mata ng biglang tumingin sa direksyon ko ang itim na nilalang. Baka nalaman niyang pinagmamasdan ko siya, dali- dali akong bumalik sa bahay at dire- diretsong pumasok sa loob ng silid ko. I can't take this anymore, nagiging isang freak na ako.

Napa- upo nalang ako sa aking kama at napahilamos ko nalang ang aking mga kamay. Bakit ako pa? Sa dinami- dami ng mga tao dito, bakit ako pa?

Pinagmasdan ko ulit ang aking mga palad at nagulat ako ng may Makita akong isang maliit na tattoo na nasa pala pulsuhan ko sa left hand ko. Pinagmasdan ko ito at hinaplos ng right thumb ko ang tatak ng isang scythe na may pakpak ng isang anghel sa right side at demonyo naman sa left side ng scythe. Sing laki lang ito ng thumb ko, pero ang gandang tingnan.. Itim na tattoo na parang nag gli- glitter ito at may outer line ng kulay pula.

Bigla ko nalang na- alala ang sobreng binigay sa akin ni Raziel, hinanap ko ito sa drawer ko at kinuha.

Tiningnan ko muna ang sobre.. parang wala naman kasi itong laman. Binuksan ko na ito at nagulat nalang ako ng may isang parang wrist watch na nadoon sa loob.

Kulay itim ang wrist watch pero kakaiba ang nasa orasan neto. Ang back ground design ng nasa bilog ng wrist watch ay scythe na may pakpak katulad ng aking tatak sa palapulsuhan ko. Pero hindi pangkaraniwang oras ang pinapakita neto sa akin kundi parang nag ka count down ito, may date pa nga dito pero hindi naman tama ang date. Sinasabi dito na Monday,##, 2016. Eh Saturday ngayon eh.. Ano ba naman yan mali ata ang pag ka kaset neto.

Hinanap ko ang button na pwedeng mag adjust dito pero kahit isa ay wala akong Makita. Tsk,. Bigla namang umilaw ang sobre at may nakita akong maliit na papel dito.

The watch will tell you when someone will die.

PS: You can't save them, you just have to make sure that the time of their death is accurate.

PSS: Goodluck, crimson reaper

Yan ang nakasulat sa papel na bigla nalang nasunog at nawala, napasabunot nalang ako sa aking mga buhok. Ayos na ayos talaga ito, bibigyan lang nga nang relo pero yung relo pang magsasabi sayo kung kelan ang due date ng isang tao, at isa pa paano ko malalaman kung sino ang mamamatay nalang?

-----------------------------------------------------------------------------------

Kayo guys,. Kung sakaling alam nyo kung kelan mamamatay ang isang tao anong gagawin nyo?? Pwera lang sa pag se- save sa taong iyun.. You know against the rules',. :D

Do comment and vote guys.., thankies..

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon