Chapter 25: I Feel What??

4.8K 274 16
                                    


"Sigurado ka sa nakita mo, azrael?" seryosong tanong sa akin ni death habang naka upo nman sa isang sofa si thanatos at malaim ang iniisip. Nandito kami ngayon sa kanilang office. Tumango lang ako kay death at bumuntong hininga at tiningnan si silver na nasa harapan kong nakaupo din sa isang sofa.

Kanina pa siya walang kibo, at nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Di ko alam kung anong iniisip niya. Sigurado nman akong galit siya sa akin dahil lumabas ako ng academy ng hindi niya nalalaman.

"Azrael?., Azrael,. Nakikinig kaba?" npa huh lang ako kay thanatos, shitt.. anu ba naman yan. Bat kasi lumilipad parati yung utak ko?

"Ang sabi ko, sa susunod mag paalam ka kung saan ka pupunta. Mabuti nalang at walang may nakakita sayong mga demonyo doon." Napatango nalang ako kay thanatos.

"Bumalik na kayong dalawa sa dorm niyo. Ipatatawag ko nalang kayo bukas para sa plano." Tumayo na ako sa inuupu-an ko at diretsong naglakad papunta sa pinto. Ramdam ko naman ang presensya ni silver na nakasunod lang sa akin.

Ang awkward masyado., ang tahimik niya ngayon. Hindi naman sa gxto ko siyang maging madaldal, eh kelan pa ba naging madaldal si silver? Asa ka naman azrael,. Tsk tsk..

Papaliko na sana ako sa kanan ng biglang may humigit sa akin at sinandal ako sa pader ng dorm building namin.

Argh.., shitt,. Ang sakit ng likod ko. Napakagat ako sa labi ko dahil sa sakit habang tinitingnan ko ang mga mata ni silver. Yan na namang mga tingin niya.

"Ano.." magsasalita pa sana ako ng biglang may dumamping mga labi sa labi ko.. shitt.. shitt.. shitt...

Hinahalikan ako ni silver., hinahalikan ako ni silver? Oh shit, na malanding baka.., biglang tumibok ng malakas ang aking dibdib. Hindi, hindi ito maaari.

Naramdaman ko nalang ang kanang kamay niya sa aking batok,. Habang ang kaliwa naman ang humahawak sa bewang ko at nakasandal pa din ako sa pader.

Naman,. Bat ayaw gumalaw ng mga kamay ko? Gumalaw kayo,. Itulak nyo si silver.. pero may sarili atang mga isip ang aking mga kamay.

Biglang napahawak ako sa kanyang balikat at ang kaliwa kong kamay ay napasabunot sa kanyang malalagom at malalambot na buhok.

Napaungol kaming pareho at mas bumilis pa ang tibok ng aking dibdib at ramdam ko din ang kasing- bilis na tibok ng puso ni silver.

Hinigit niya ako palapit sa katawan niya., at pinataas pa niya ako sa pader. Bigla ko namang ni- lock ang bewang niya ng dalawa kong paa at mas napakapit pa ako sa kanyang mga balikat habang ang dalawang kamay niya ay nakasuporta na sa aking bewang.

Halos 7 minuto na kaming naghahalikan ng humiwalay na ang labi ni silver sa akin. Habol- habol namin ang aming mga hininga, bigla niya namang dinikit ang aming mga noo habang nakapikit pa din siya at hinahabol ang kanyang hininga.

"I think we need to part now." Malumanay na sabi niya sa akin at binaba na ako. Nang maka- apak na ang aking mga paa sa lupa ay doon ko lang naramdaman ata ulit ang pag- iinit ng aking mga pisngi.,

"see you tomorrow" sambit neto sa akin, di ako tumingin sa kanyang mga mata kasi nahihiya ako, oo shitt., tinamaan ako ng hiya. Tumango lang ako sa kanya at tumalikod na.

Pero bago pa ako maka hakbang palayo at hinawakan niya bigla ang aking kanang kamay. Napalingon naman ako sa kanya at napatingi sa magaganda niyang mga mata.

"goodnight azrael." Sambit neto at binitawa niya ang aking kamay, napahugot naman ako ng hininga ko.

"Goodnight, silver.." bulong ko din dito at tumalikod na ako sa kanya at naglakad na patungo sa dorm ko.

Ramdam ko pa din ang kanyang mga matang nakatitig sa papalayo kong pigura. At doon lang ako napahinga ng malalim ng makarating na ako sa loob ng dorm building ng mga babae.

Shitt., shitt.., hanggang ngayon ramdam ko pa din ang kanyang malalambot at matatamis na labi at yung puso ko,. Parang nagkarera lang ako sa libo- libong mga aedis.

Shit,. I feel.., I feel,,. I feel what??? Argh!!


--------------------------------------------------------------------------------------

Hehehehe.., Hello sa inyo guys, so ano sa tingin nyo??

Okay lang ba ang konting romance? Sorry if di ko macapture ng mabuti ang "kilig effect" or "love effect" sa kanilang dalawa. Di kasi ako masyadong marunong magsulat ng cheesy moments.., hahahaha',.

Special Thanks pala sa "Infernal Queen" Thank you sa pagsuporta niyo at pagbabasa sa story ko, although yung iba sa inyo mga silent readers lang.,

Thank you very much',. :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now