Chapter 32: Where's my Queen (Part 2)

4.2K 170 2
                                    


Mabilis kong tinahak ang masukal na kagubatan nato ng walang lingon- lingon. Hindi ko kayang umupo at maghintay lang sa kung anong sasabihin at pla- planuhin nina death at thanatos.

Nauubos na ang pasensya ko at ramdam ko ding nahihirapan na ang aking reyna sa kung saan man siya ngayon. Hindi ko na aantayin pa ang solidong plano kung ang maabutan ko lang naman ay ang wala nang buhay na katawan ng aking mahal.

Napahinto ako sa paglalakad ng makarating na ako sa lumang mansyon na nandito sa gitna ng kagubatan. Pumasok ako sa nakabukas na gate at diretsong pumunta sa harapan ng malaking pintu-an.

Nakita ko na ang silhouette ng isang nilalang na nakaupo sa hagdan na nasa harapan ng malaking lumang pinto.

"Asmo." Tawag ko sa nilalang nato at nakangiti siyang tumayo at naglakad palapit sa akin.

"Oh,. Silver boy.. are you sure you want to do this?" nakangiti paring tanong neto sa akin. Wala nang atrasan to, kung gusto kong maabutan pa ang aking reyna na buhay kailangan kong tanggapin ang alok ng nilalang nato.

"Just do it." Malamig na sambit ko, ramdam ko naman ang paghaplos niya sa aking pisngi at leeg. Shit,. Nakakaramdam ako ng pag- init, at napapikit ako ng aking mga mata. Ito ata ang epekto ng seducing charm ng isang god of lust na kahit isang maliit na haplos lang ay ma- aarouse ka talaga.

Napakuyom ako ng aking mga kamao at iniisip ko nalang ang lumuluhang mga mata ni azrael para hindi ako mahulog sa charm ng isang to.

"A-ano..sa tingin mo..ang ginagawa mo?" pigil hininga at medyo madiin kong sambit kay asmo na tuloy pa din sa paghaplos sa aking braso at leeg.

"Tsk.. you're no fun, silver boy.." napahinga lang ako ng malalim ng tinigilan na ako ni asmo at tumalikod na ito sa akin at pumunta sa harapan ng lumang pinto.

"Azrael is not in lucy's realm, she's in your father." Napahinto ako sa paglalakad at napahugot ng hininga sa sinabi ni asmo sa akin.

"What??" gulat na sambit ko at lumingon ito sa akin at ngumiti na naman,.oh kay sarap burahin ng kanyang ngiti.

"Don't worry silver boy,. She's hmmm.. barely half alive, lucy's soul inside her body is still fighting therefore azazel can't fully take her." Napahinga ako ng malalim at mabilis na humakbang papunta kay asmo.

"So, what are you waiting for? Damn it,. Open that damn portal now." Galit na sambit ko dito at napa roll eyes nalang siya sa akin at kinumpas ang kanyang mga kamay sa pintu-an at unti- unting nagkaroon ng maliit na bilog hanggang sa lumaki ang bilog at magkakasya na ang tao dito.

"Remember our deal silver boy.." tumango nalang ako sa kanya at pumasok na sa loob ng portal, hang on a little my queen I'm coming for you.


---------------------------------


Isang mausok at medyo madilim na lugar ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa portal. Nagsisiliparan naman sa itaas ang mga kaluluwang paparusahan palang. Tila mga usok na gray silang walang direksyon na kung saan- saan lang naglilipad.

Nilibot ko ang aking paningin sakabuuan ng lugar na to, Parang patay na lugar ang realm ni azazel. Nakikita ko naman ang konting pula sa malayong parti ng realm na to. Nakalimutan ko palang nahahati pala ang hell.

Ang kalahati ay kay Lucifer kung saan pinapadala at pinaparusahan ang mga kaluluwa at napupuno iyon ng mga apoy at lava. Habang ang kalahati naman ay kay azazel o azrael na siyang ama ko kung saan naglalagi ang mga kaluluwang paparusahan palang at medyo madilim at puno ng usok ang paligid.

Naglakad na ako at sinuri ko ang kabuuan ng lugar na to kung hindi ako nagkakamali malapit lang dito ang palasyo ng aking ama.

Nakakabwesit lang talaga ang usok kaya hindi ko masyadong Makita ang palasyo. Napatingin na naman ako sa mga kaluluwa at kumunot ang aking noo ng makitang may isang direksyon silang pinagmulan at bina- balik- balikan.

Mabilis akong lumingon at napa taas ang sulok ng labi ko ng Makita ko ang silhouette ng palasyo ng aking ama.

"nandiyan ka lang pala" bulong ko sa aking sarili at mabilis na naglakad na papuntang palasyo niya. Sa wakas, makikita at magtutuos na din tayo ama..


-----------------------------------------------------------------------------

Hi guys',. I hope you like this chap., hehehe',.

Do comment, vote and share guys., thank you',.

Until next time guys.., :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now