Chapter 33: Father and Son

4K 171 8
                                    


"Azazel!! Magpakita ka, alam kong nandito ka lang." Malakas na sigaw ko sa loob ng bulwagan ng kanyang palasyo. Nakikita ko din ang ilang mga kaluluwang lumilipad sa itaas na pumapalibot lamang.

"Azazel!! Ilabas mo si Azrael!" sigaw ko ulit dito, at bigla nalang sa aking harapan ay mayroong usok na nabuo. Dumami ito ng dumami hanggang sa hindi ko na Makita ang upuan na nasa itaas ng bulwagan na parang upu-an ng isang hari.

"Long time no see, my child." Napakuyom ako ng aking mga kamao at napatingin ng masama sa aking amang nabuo sa usok na iyon na nakangiti na sa ngayon sa akin.

"Nasaan si Azrael?" galit na tanong ko dito at mas lalong napangiti siya ng malapad.

"Don't worry, she's still alive but maybe later she won't." At humalakhak ito ng malakas. Mabilis ko namang sinumon ang aking red scythe at mabilis na sumugod sa ama kong tumatawa pa din.

"papatayin kita,. Papatayin kita. Wala ka talagang puso!" malakas na sigaw ko sa kanya at hinampas ko na ang aking scythe pero mabilis niya lang itong napigilan ng kanyang matatalim na mga daliri na parang mga blades.

"Ahh.., so, you're still mourning for your pathetic mother. My, my, silver boy.. If I had known before, that your stupid mother is pregnant with you. I already kill you when you are still on that filthy womb."Mas sumiklab ang aking galit ng marinig ko ng direkta galing sa kanyang mga bibig ang mga katagang iyon. Hindi ko maisip na nagawang ibigin ni ina ang walang pusong nilalang na ito.

"You're a worthless father, and you don't deserved the loved my mother gave you." Madiin na sambit ko sa kanya, hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako ng Makita ko ang konting emosyong dumaan sa kanyang mukha. Pero wala na akong pakialam doon dahil iisang bagay nalang ang pumapasok sa aking utak at yun ay ang patayin siya.

Mabilis akong napatalon paatras sa kanya ng kamuntikan na niya akong masugatan ng kanyang mga matatalim na kuko sa tiyan. Hinanda ko naman ang aking scythe at tumakbo sa kanya at hinampas ito ngunit nasasangga niya ito.

Binigyan ko siya ng malakas na sipa sa tiyan na hindi niya inaasahan kaya napatalsik siya ngunit mabilis din siyang tumakbo papunta sa akin at hinampas ang kanyang mga kuko na nasangga ko naman ng aking scythe.

"Well, I must say that you grew to be strong silver boy but not strong enough to kill me." At bigla niyang linakasan ang kanyang pwersa dahilan para mapatalsik ako sa pader.

"Fuck," daing ko at tiningnan ko nalang ang aking amang tila pinapalibutan na naman ng maitim na usok at ramdam ko ang pagtaas ng kanyang aura.

"I will kill you, silver boy. Just like your mother and soon your little girlfriend will be cease to extinction too." Fucking shit, hindi ko hahayaan na mapatay si azrael, nangako ako na hindi ko hahayaan na may mawala na namang mahalagang tao sa aking buhay. Hindi., at nangako din ako kay ina na ipaghihiganti ko siya.

"no, I'm the one who will kill you. Father." At tumaas ang isang sulok ng aking labi at mabilis ko siyang sinugod. Nahawakan niya naman ang aking scythe at pilit na tinutulak ito pero malakas kong pinipigilan siya.

Nasa bandang noo na niya ang blade ng scythe ko ng malakas niyang tinulak ito palayo at nagtagumpay naman siya. Pero hindi ako nagpatalo at mabilis ulit siyang sinugod, na mabilis niya ding naiwasan at napatalsik na naman ako ng malakas niya akong sinipa sa tiyan at binigyan ng malakas na suntok sa panga.

Napatukod ako sa sahig at unti- unting tumayo pero hindi pa ako nakatayo ng maramdaman ko ang mabigat na paa sa aking likod.

"Goodbye,. Silver boy." Naramdaman ko na naman ang malakas na aura na bumabalibot sa kanya.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now