Chapter 17: Hunting Strays

5.6K 241 4
                                    


Kasalukuyan akong naglalakad Papunta sa aking destinasyon kung saan maghahanap ako ng mga strays. Nakasuot pa din naman kami ng aming mga uniporme ng soultice university pero may robang itim kaming sinusuot para walang mortal na tao ang makakakita sa amin. Parang mga cult people lang kami sa attire namin.

Sumasakit pa nga ang mga paa at likod ko sa nakaraang training namin ni miss Liza. Tinuru-an niya kasi ako kung paano mag drought? Draft?? Ewan basta yung tumatakbo ng mabilis o di kaya ay tumalon ng mataas na siyang natural ability ng mga reapers. Mas mapapabilis ka daw kapag tumalon ka papunta sa destinasyon mo. Nung una nga ay di ako makapaniwala pero so far naka survive naman ako sa training namin.

Nag presenta din nga si miss Liza na turu- an ako kung paano palabasin ang mga pakpak ko. Yup,. Total alam naman niya na isang hybrid ako ay nagdesisiyon siyang palabasin ang aking mga pakpak.

Naubos nga namin ang dalawang araw sa kakapalabas lang ng pakpak ko pero worth it nman daw kasi lumabas na din ito. Masyado pa nga siyang namangha sa itsura ng mga pakpak ko. Ang mga pakpak ko kasi ay parang pakpak ng mga anghel pero katulad ng buhok at scythe ko ay kulay dark blue ang mga feathers neto. Mayroon din itong tig da- dalawang talim na hindi magkaparehong haba na parang sungay sa magkabilang gilid ng curve ng mga pakpak ko. At may nakahilirang maliliit na skull ng sing laki ng ulo ng batang sanggol ang nakalagay sa matigas na parang buto ng pakpak ko. Na kung titingnan mo sa malayo ay parang mga perlas. Nagpapalabas din ito ng kulay violet na aura na parang usok na sumasama sa ilalim ng aking mga pakpak.

Nag- iba din ng itsura ang scythe ko ng palabasin ko ito matapos kung palabasin ang mga pakpak ko, parang nag evolve din ito. Kung dati agaw pansin na ito mas lalong magiging takaw tingin na ito ngayon. Yung dating simpleng crescent moon na blade neto ay nagkaroon pa ng dalawang extra curve blade sa itaas at ibaba na malapit sa pinagkukonektahan ng staff at blade. Yung head o yung kinukunektahan nila ay may design ng bungo ng tao naka engrave sa gitna at sa paligid neto ay yung parang maliliit na feathers ng pakpak ko pero blades pala ang mga iyun. Yung handle o yung staff ng scythe ko ay nagkaroon ng thorns na nakapalibot sa buong staff neto. May ilang spaces lang sa pagitan ng mga thorns at staff na kasya sa kamay na hahawak.

Kaya nga hanggat maaari iniiwasan ko na magpalabas ng scythe. Napabuntong hininga ako ng marating ko ang isang lumang simbahan na nakasarado at pinapalibutan ng mga nitso o yung mga nilibingan na ng mga patay. Sa dinami- dami naman ata ng lugar bakit sa lumang cementeryo pa ako nilagay.

Napa- igtad nalang ako ng biglang mag blink- blink ng pula ang aking wrist watch, napatitig ako sa oras na nakalagay sa wrist watch ko.

"Ahhhhh..." malakas na sigaw ang pumukaw sa akin at napatakbo ako ng mabilis sa kinaroroon neto. Napamura nalang ako ng makitang naghihingalo na ang isang babae at naliligo na sa kanyang dugo. Nakikita ko na din ang ilang mga strays sa paligid ng mga nitso. Tiningnan ko ulit ang wrist watch ko at kumunot ang noo ko ng makitang may 5 minuto pa siyang natitira bago bawian ng buhay. Tutulungan ko sana ang babae pero naaalala ko na naman ang golden rule ng isang reaper. Di kami pweding makialam kapag nakatakda na ang oras neto, nakasulat na kasi ito sa sagradong libro ng mga buhay.

Nilibot ko lang ang tingin ko sa paligid at napalabas ko ang reaper's hand ko nang maramdaman ko ang isang kakaibang aura na nasa paligid lamang. Mabilis akong tumakbo sa direksyon niya at hinawakan ko ang kanyang leeg at malakas na binagsak sa isang nitso.

Mabilis niya namang nahawakan ang wrist ko at pinwersang kunin ito sa leeg niya. Bigla niya naman akong tinadyakan sa tiyan kaya napatalsik ako sa isang puno. Di pa nga ako nakakatayo ng bigla namang sipain niya ako sa gilid ko. Tumalsik ako at napa ubo ng dugo. Bwiset na demonyong ito, at sa tingin ko hindi lang siya isang simpleng demonyo lang.

"tsk sk.., ang ganda mo pa naman, sayang ang katawan mo. Ano kaya kung pagsawa-an ko muna iyan bago ko patayin katulad ng babaeng iyun?" sambit nito sa akin habang mahinang naglalakad papunta sa direksyon ko. Napatukod ako ng dalawang kamay ko at unti unti na namang sumisiklab ang galit sa systema ko.

"Ikaw ang papatayin ko!" madiing sambit ko dito at mabilis akong bumangon at sumugod sa kanya. Napadaing siya ng mahagip ang balikat niya ng aking reaper's hand. Napaiwas naman ako sa suntok na paparating sana sa akin, mabilis ko namang sinipa siya sa tagiliran niya pero nahawakan niya ang aking paa at hinigit ito palapit sa kanya. Mabilis akong napalapit sa kanya at nahawakan niya ang kanang kamay ko at parang binabali niya ito. Napasigaw ako sa sakit at akmang kakalmutin siya ng kaliwa ko ng bigla niyang bitawan ang paa ko at inapakan at hinawakan naman ang kaliwa ko.

Fucking shitt,. Masyado siyang malakas., Napasinghap ako ng bigla niyang amuyin ang leeg ko at dila-an. Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan ko at biglang nanghina ata ang aking katawan. Hindi, hindi pwedi.., hindi pweding masailalim ako ng kanyang bitag.

"Ang bango mo pala.., tamang- tama lang. Di pa kasi ako nabubusog." Sambit neto habang humihigpit pa din ang pagkakahawak niya sa akin. Napasigaw ulit ako ng unti- unti niyang binabali ang aking mga kamay.

Malakas na inu- untog ko ang ulo ko sa kanya kaya napabitaw siya sa akin at napa atras. Napa atras din ako at napa sapo sa aking noo. Naku naman, dumugo pa yung noo ko.

"Bitch.." galit na sambit neto sa akin at tumingin ng may galit na galit sa mga mata neto. Pinawala ko ang reaper's hand ko at pinalabas ko ang scythe ko. Humalimuyak na naman ng rosas sa paligid at lumabas na nman ang kakaibang aura neto. Napatigil siya sa paglapit sa akin at napatingin sa hawak kung scythe at sa akin.

"Hindi ko maintindihan, malakas ang aura ng scythe mo pero mahina ka naman. At akala mo ba mapapatay ako ng isang reaper? Nagkakamali ka babae, walang ni isang reaper ang makakapatay sa mga demonyong katulad ko. Pero, Di bali na,. Mamamamatay kanaman ngayong gabi eh." Sambit neto at mabilis na sumugod sa akin, sumiklab nalang bigla ang galit sa systema ko at alam ko na nag e- evolve ang aking mga mata. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon at mabilis din akong sumugod sa kanya. Tama nang panglait neto sa akin, ibabalik ko siya sa impyernong kinalalagyan niya.

"Oh,. Ano ka ngayon.. incubus?" sambit ko sa katawan niyang nahati sa gitna at tuluyang naging usok at nawala. Didiretso na siya ngayon sa tartarus, kung saan siya nababagay. Napahid ko nalang ng likod ng kamay ko ang dugong tumulo sa putok kong labi.

Mabilis namang nagsilapitan ang mga strays sa aking scythe at parang hinihigop neto ang mga strays na naka palibot dito. May nakita pa nga akong mga aedis, pero di sila lumapit ng Makita nila ang aking scythe.

Mabilis ko namang kinuha ang isang maliit na box na binigay sa amin kanina bago umalis sa university. Binuksan ko ito at hinigop neto ng mabilis ang mga strays na nakapalibot sa aking scythe. Pero mukhang kalahati ng strays na nasa paligid ay hinigop na ng scythe ko. Di naman ako mababahala dahil ang bungong naka design sa gitna ng head ng scythe ko ay isang maliit na portal na siyang humihigop sa mga strays patungo sa nirvana, pero tanging mga strays lamang ang nahihigop neto habang ipapasa ko pa ang box na to para sa puntos ng activity na ito.

Mukhang mas napadami pa nga ang strays sa lugar nato dahil sa lakas ng hatak ng scythe ko. Nakita ko din ang kaluluwa ng babae kanina at nahigop ito ng scythe ko.

Pinawala ko muna ang scythe ko bago isarado ang box. At pinasok ulit sa aking bulsa, nag umpisa na din akong maglakad papunta sa entrance ng cementeryong ito. Napatigil ako sa paglalakad ng Makita ko ang nasa harapan ko.

Tumili ng malakas ang aedis na nasa harapan ko. "oh no.., not again." Mahinang sambit ko nalang habang napapa atras ako. Ang dami nilang nagkukumpol sa unahan ko. Ito na nga ang sinasabi ko, mukhang mapapasubo na nman ako neto....

Pinalabas ko nalang yung reaper's hand ko at naghanda. Di ko pweding gamitin ang scythe ko at baka makahakot na naman ito ng mga strays, delikado pa nman dahil ang daming aedis dito. Kailangan ko lng nman makalabas sa cementeryong ito at makabalik na sa university dahil sisikat na ang araw.

"Let's get it on.." sambit ko at sumugod na sa kanila....

--------------------------------------------------------------------------------

Incubus- Demon who are feed by lust. They are the sex addict demons.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now