Chapter 9: The University

5.9K 235 4
                                    


"Welcome to Soultice University, where all reapers are born." Nakangiting sambit ng dean ng university na ito. Napangiwi lamang ako sa kanya, di ko akalain na ang isang familiar ni azrael ay nandito sa mundong ito at nagpapatakbo ng isang paaralan. Paano ko nalaman na familiar sila ni azrael? Dahil yun sa papel na may address na pinadala ni raziel sa akin gamit ang envelop.

"Thanatos, cut the crap.." naiiritang sambit naman ng isang lalaki na merong eyeglasses at nagbabasa ng isang libro, di manlang siya tumingin kay thanatos ng sabihin niya iyun. Tumaas naman ang isang kilay ko sa kanya, ano bang nangyayari sa dalawang kauna- unahang familiars ni azrael. Bakit sila ang nagpapatakbo ng paaralan na ito? Ito ba yung bago nilang mission galing kay azrael?

"Just shut- up death, magbasa kalang diyan wag kang mangialam dito." Seryosong sambit naman ni thanatos kay death na nagbabasa pa din ng libro at tumingin ulit ito sa akin ng nakangiti.

"Ahmm.." shit, ang awkward naman neto. Napakamot nalang ako sa aking ulo, wala akong masabi dahil sa medyo kinakabahan ako ngayon. Kahit naman kasi sabihin nating medyo isip- bata si thanatos at parang may sariling mundo si death ay nakaka intimidate pa din sila.

"ah yes, you're room key and locker key, students hand book and also you're schedule." Nakangiting sambit parin neto sa akin habang kinukuha ko sa kanyang kamay ang mga gamit na sinasabi niya.

"By the way, do you have you're reaper's earing and black watch?" sambit naman ni death habang nagbabasa pa din at hindi tumitingin sa akin. Napatango naman ako sa kanya.

"Good.," pumalakpak pa si thanatos pagkatapos niyang sabihin iyun. Mabuti nalang nga at hindi sila nagtatanong kung kanino nanggaling ang earing at ang wrist watch. Ang sabi kasi ni raziel ay hindi ko pweding sabihin sa kanila ang totoo. Dapat kasi maging isang simpleng reaper lang ako para daw maiwasan ang kaguluhan. Baka kasi daw bigla nalang akong dalhin nina thanatos at death kay azrael.

"Basahin mo lang ang students hand- book nandyan ang lahat ng impormasyong gusto mong malaman about sa university na ito at sa reaper's earing at black watch." Sambit ulit ni death sa akin pero di pa din siya tumitingin sa akin. Di ko nga alam kung talaga bang nagbabasa lang siya o ayaw niya lang ipakita ang kanyang mukha.

Sabagay di naman kasi matanda ang mukha ni thanatos parang kasing edad lang nga sila ni raziel. Parang nasa mid twenty's lang kasi ang kanilang mga mukha, pero I know na ilang centuries na ang kanilang mga tunay na edad. Perks of being an immortal.

"You can go now." Nakangiting sambit ni thanatos sa akin, kaya napatango nalang ako at tumayo na at naglakad papunta sa pintu-an.

"Thanatos, cut the crap.." rinig kong sambit ni death kay thanatos. Binuksan ko na ang pintu-an at lumabas.

"Can't help it,. I like the girl....she's..." napangiwi nalang ako ng marinig ko pa ang sinabi ni thanatos na parang sayang- saya bago ko maisara ang pintu-an. Nagsimula na akong maglakad papunta sa dorms, mabuti nalang nga at may mapa silang binigay sa akin na nasa likuran ng students hand- book.

He likes me.., paano nalang kaya kung malaman nila na ako ang hinahanap ni azrael? Mase- save ba ako ng like niya?? Tsk.. napailing nalang ako sa aking naiisip.

"Atlast.," sambit ko ng Makita ko na ang dorm ko, mabuti lang nga at nag- iisa lang ako dito. Ang pinagtataka ko pa ay bakit nasa pinaka mataas na parte ito ng tower, ang mga dorm room kasi ay nasa towers. Kadalasan kasi ang mga dorm rooms na nakikita ko ay nasa 3rd up to 8th floor, eh nasa 9th floor na tong room ko. Magkatabi lang naman ang dalawang towers ang right tower ay para sa mga babae at ang left naman ay para sa mga lalaki.

Pumasok na ako sa loob at napanganga nalang ako sa mga nakikita ko. Masyadong maganda ang room na ito para sa akin, napaka cozy dito. Isang queen size bed, na may side table. May mini sala sa right side ng room sa left side naman ay may dalawang pintu-an. Binuksan ko ang isang pinto at bumungad sa akin ang wardrobe, may mga nakatuping uniporme na dito. Binuksan ko naman ang katabing pintu-an neto at bumungad sa akin ang bathroom. Sinirado ko na ito at pumunta sa paanan ng kama at binuksan ko na ang dala kong maleta at iniayos na ito sa mga lalagyan.

Pagkatapos ko ay tumayo na ako upang ayusin ang mga notebooks at ballpen na nakalagay sa ibabaw ng side table at ang isang itim na bagpack na nandoon. Bigla nalang may nahulog na isang kapirasong papel sa isang notebook ng kunin ko na ito. Pinulot ko yung papel at binasa.

Hope you like the room and the school things. :)

From: Your awesome dean,

Thanatos

Napangiwi nalang ako sa nabasa ko, bigla nalang nasunog ang papel at nawala sa kamay ko, at talagang may smiley pa siya. Di naman masakit ang apoy neto kaya wala akong nararamdaman. So, it explains why my room is cozy and relaxing. Ahh, stupid familiar dean....

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad papunta sa balcony, binuksan ko ang sliding door at lumabas. Nilanghap ko lang ang hangin at tumingin sa paligid ng university. Mabuti nalang at nasa pinka mata-as ako at tanaw na tanaw dito ang kabuu-an ng university. Di ko kasi masyadong na appreciate kanina ang university dahil di ko ito masyadong nakikita dahil sa mga matatayog na mga punong sumisilong sa daraanan.

Napapalibutan ng mga puno ang buong university at may matatayog at matataas na pader and naka protekta dito. Nasa isang liblib na lugar kasi ang university para hindi Makita ng mga normal na tao, may taga bantay di naman kasi sa bawat gate neto na kung saan chini- check nila kung meron kabang reaper's earing.

Napatingin naman ako sa left side at nakita ko ang isang bukas na balcony din, kasi naman hinahangin pa yung kurtina doon. Napabuntong hiningan ulit ako at tumalikod na at pumasok sa loob ng silid.

Kailangan ko pang mag ayos at bumaba para sa hapunan na nasa great hall. Sabay- sabay kasi ang almusal, pananghali-an at hapunan ng lahat ng mga estudyante dito at doon iyun sa great hall.

Mamaya ko na tatapusin ang pagbabasa sa students hand book na iyun. Binasa ko lang kasi ang ilang importanteng nakalagay doon. Para di ako magkaligaw- ligaw sa university na ito.

--------------------------------------------------------------

Familiar- a pet or a slave or a butler of any high rank or any demon capable of having one, they have a part of their master's soul in short their life force is connected to their master.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now