Chapter 7: Trouble

6.4K 251 3
                                    


Di parin ako maka get over sa relong ibinigay ni Raziel sa akin, hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung paano ko malalaman kung sinong mamamatay sa oras na naitakda ng relo.

Nandoon pa naman ang enveloped na binigay niya sa akin, di ko kasi ito tinapon kasi pakiramdam ko ay may lalabas pa doon ulit. Gusto ko sanang tanungin si raziel tungkol sa relo kasi naman masyado pa din akong nalilito kung paano ito gamitin.

Tinago ko lang ang relo sa loob ng bag ko ayaw ko itong suotin kasi naman baka may makakita neto at sabihing ang weird ng relo ko nag ka- count down. Mabuti lang nga at longsleeves ang uniporme namin kaya natatakpan ang tattoo ko sa palapulsuhan ko pero para makasigurado ay nagsuot ako ng itim na boller. Tamang- tama sana ang relo pero ang weird kasi eh kaya di ko masuot- suot.

Nag bell na at uwi-an na kaya naglalakad na ako palabas sa classroom namin. Diretso lang akong naglalakad sa hallway ng mahagip ng peripheral vision ko ang isang babae na masayang nag- uusap sa mga friends niya.

Kumunot ang aking noo nang maalala ko na ito ang babaeng nakita ko sa isang bahay na may kasamang naka- itim na nilalang. Nilingon ko siya at nakita kong mukhang nagpapa- alam na siya sa mga kaibigan niya. Sinundan ko siya nang magsimula na siyang maglakad palabas ng university.

Naglalakad lang din siya pauwi sa bahay nila kaya I keep my distance para di niya malaman na sinusundan ko siya. Nacu- curious kasi ako sa nilalang na nasa silid niya noon.

Until sa naging medyo wala na masyadong naglalakad at dumadaan sa dinadaan namin, bigla nalang siyang nag slow down sa paglalakad kaya napa slow down din ako. Tapos bigla nalang siyang huminto sa paglalakad kaya napakunot- noo na naman ako. Slow- mo siyang lumingon sa akin na may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi, bigla naman akong napahinto at kumabog ng malakas ang aking dibdib sa mga nakikita ko.

Ngumiti ng mapang- asar ang babae sa akin pero hindi iyun ang siyang ikinagulat ko kundi ang kanyang mga mata na itim na itim at unti- unting lumalabas ang dugo sa bibig niya.

Napa atras ako ng umikot ang ulo neto 180 degree kaya nakaharap na siya sa akin, kumabog ng malakas ang aking dibdib at di ko alam kung tatakbo ba ako o hindi. Shit- shit.. anong nangyayari?

Bago pa ako mapa atras at magtatakbo ay naramdaman ko na naman ang init na gustong kumawala sa akin, napaka familiar ng feeling na ito. And with the blink of an eye nag transform na naman sa bonie hands ang aking mga kamay. Parang may sarili silang pag- iisip na automatic na nagtra- transform.

Pagkakita ng babae na iyun ay bigla nalang siyang sumigaw sa isang matinis na boses na hindi ko maintindihan kung isang tao ba talaga ang sumigaw o hindi. Kitang- kita ko ang galit na rumehistro sa kanyang mukha pagkatapos ay umikot na naman pabalik ang ulo neto at lumingon sa akin at sumigaw na naman ng matinis, di na ako nakatiis sa masakit na sigaw niya kaya napatakip ako sa tenga ko.

Lumaki nalang bigla ang aking mga mata ng makitang pasugod na sa akin ang babae. May mahahabang mga kuko siya sa kamay niya na siyang ipangkakalmot niya sana sa akin.

"Shitt.." bigla kong sambit ng masangga ko ang kanyang mga kamay na kakalmot sana sa akin. Di ko alam kung anong nangyayari sa akin pero tila alam na alam ng katawan ko kung paano lumaban.

Sugod pa din siya sa akin ng sugod habang napapa atras na ako habang sinasangga parin ang kanyang mga atake. Kung patuloy lang ako sa pagsangga ay hindi matatapos ang laban na to.

Bigla kong hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay na paparating sa akin at sinipa siya sa gilid niya kaya napa tilamsik siya sa kalsada. Naibaba ko naman ang bagpack ko ng makitang tumayo siya at sumugod sa akin, shit,. Kapag di ako lumaban dito siguradong ako ang mamamatay.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon