Chapter 20: Amon

4.9K 250 3
                                    



Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang nangyari kagabi, nakakahiya talaga. Hindi ko naman kasi alam na may nagmamay- ari na pala kay siviel,. Tsk, kay frost pala.

At sa kasamaang- palad si silver pa ang nagmamay- ari. Sa isang nilalang na siyang iniiwasan ko pa talaga. NAkakainis!!!..

"Azrael!" napatingin ako sa unahan ko nang marinig ko ang malakas na sambit ni kylie sa aking pangalan. Nakangiti siya habang kumakaway sa akin, nasa gilid niya naman si misty na nakangiti din sa akin at si chain na merong kagat- kagat na ballpen at ang isang lalaking matamang nakatingin na naman sa akin.

Bigla akong napayuko at tumalikod sa kanila. Fuck,. Iniiwasan ko nga diba? Bat pa ako lalapit..

"Azrael!!." Binalewala ko lang ang sigaw ni kylie at mas pinadali ko pa ang aking paglalakad.

Bigla naman akong napahinto sa pagmamadali nang may humawak sa braso ko.

"Azrael naman,. Iniiwasan mo ba kami?" napa stiff ako sa tanong ni kylie sa akin at dahan- dahan akong lumingon sa kanya. Pero bago pa ako makapag salita ay bigla nalang kaming nakarinig ng isang malakas na pagsabog.

"Ano yun??"takang tanong ni misty at kylie. "Sa main gate!" sambit naman ni chain na napatingin sa direksyon ng main gate kung saan kitang- kita namin ang Pagliwanag ng barrier sa main gate.

"May gustong pumasok sa academy." Sambit ni misty at bigla silang tumakbo papunta sa main gate habang ako heto naiwan na nila. Tiningnan ko lang ang kanilang mga likod na tumatakbo at ang ilang mga estudyante.

"Lahat ng mga reapers at knights, sa main gate.. Habang ang mga natirang mga estudyante maghanda lang dito sa main building." Yan ang narinig ko mula sa isang knights bago ako tumakbo papunta sa main gate. Nakakasalubong ko pa ang ibang mga estudyante at nakakasabayan ko pa ang ilang mga knights.

Nakahilera sila sa harap ng main gate at nakalabas ang lahat ng kanilang mga scythe. Naghahanda din sila sa kung sino man ang nasa labas na gustong pumasok sa university.

Unti- unti nang nagka- crack ang barrier sa main gate. At kapag nawasak ang barrier, siguradong maraming mga nilalang ang makakapasok dito.

Isang malakas na pagsabog ang narinig namin sa labas at unti- unti nang nawawasak ang barrier. Sa pagkawasak nang barrier ay biglang tumahimik ang lahat, naghihintay sa kung sino man ang papasok.

"Hahahaha.., stupid fools, you think you can beat me with your scythes?" napa stiff ang lahat ng marinig nila ang isang malademonyong tinig at tawa na parang galit na galit at nakakatakot.

"Fuck,. Si amon!!" malakas na sambit ng isang reaper kaya napa atras ang ilan sa kanila. Amon?? Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa seven princes of hell at siya ang tinaguriang god of anger.

Napatitig ako sa kabuuan ni amon nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng gate. May dalawa siyang sungay at nagkukulay pula ang kanyang katawan mula ulo hanggang paa. At mayroong bolang apoy sa kanyang kanang palad na pinaglalaruan.

"Come out, come out.., little girl, I know you're here. You kill my familiar so I will kill you too.." Fuck, kung ganun familiar niya talaga ang napatay ko noon? Pero ako ba talaga ang hinahanap neto?

"come out there,. Little girl with a dark- blue scythe." Shit,. Ako nga! Panu niya nalaman na ako yun? Ako lang naman kasi ang may dark- blue na scythe sa buong academy. Red scythe ang kay silver, white scythe naman ang kina death at thanatos at ang natitirang mga estudyante ay mayroong bronze, silver at black na scythes. Nakita ko ang pag kunot- noo ng ilang mga estudyante.

"You won't?? You leave me no choice!" at sa isang iglap lang ay bigla niyang tinapon ang bolang apoy niya sa isang estudyante. Fuck,. Mamamatay ang knight na iyun.

Bago pa matamaan ang knight na iyun ay mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon niya at pinalabas agad ang aking scythe at sinangga ko ang bolang apoy.

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani.

"Stupid brat! You shouldn't showed up." Napatingin ako sa lalaking kaharap ko at nakalabas din ang red scythe niya na sumangga din sa bolang apoy.


"Finally,. The little girl who killed my favourite familiar and the lost boy who wants revenge." Pang- uuyam na sambit ni amon sa amin at bumuo na naman siya ng dalawang bolang apoy sa magkabilang kamay niya....


-------------------------------------------------------------------------------

Dedicated to you miss: swaggerprincess07

Thank you sa paggawa ng fan- cover nang "tamers of the guardians" at "silver skull" :) Thank you very much talaga!!!

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now