Chapter 29: What the H??

4.2K 193 1
                                    


Tahimik kaming lahat ng makaupo na kami sa loob ng van. May mga ilang galos, pasa at sugat na din sila chain. Hindi ko alam kung iisa lang ba ang iniisip naming lahat. Sinabi kasi namin ni silver or should I say ako lang pala dahil ako lang naman ang nagsasalita sa amin, kay death ang nangyari kanina ng biglang dumating si Asmo.

"Hmm,.. Absolute order, hindi ko naisip na gagamitin ni Lucifer ang absolute order sa ganitong sitwasyon. Sa pagkaka-alala ko iisang beses niya palang ginamit iyun,. At yun ang oras kung saan naganap ang unang digmaan sa pagitan ng mga anghel at demonyo." Saad ni death na tila may iniisip pang ibang mga pangyayari.

"Wow,.edi kung ganun talagang walang kahit na sino sa mga princes of hell ang kayang sumaway sa absolute order na iyun?" tanong naman ni chain na tinanguhan lang ni death.

"Ano ba ang absolute order?" tanong naman ni kylie. Huminga naman ng malalim si death at tumanaw sa labas ng bintana habang nagda- drive pa din si chain at nakaupo naman si kylie sa passenger seat habang tatlo kami nina death at silver sa likuran.

"Ang absolute order ay isang sagradong utos na kailangan sundin ng kahit na sino na nasa ilalim ng pamamahala ng isang malakas na leader. Ang pagsuway sa absolute order ay kapantay din ng pagkawala ng lahat ng iyong mga kapangyarihan o ranggo. Ang kung sino man ang sumuway sa absolute order ay syang katumbas ng kanilang buhay o spirito. Ang absolute order ay protektado ng isang makalumang mahika na ginawa at hinasa nina Lucifer at ng amang lahat o tinatawag niyong god." Tahimik pa din kaming lahat hanggang sa matapos ng ma- explain ni death ang tungkol sa absolute order na ito.

"Sigurado ba kayo na yun lang yung absolute order ni Lucifer kina asmo?" biglang tanong ni kylie sa harap. Napatingin naman sina kylie at death sa amin ni silver at nakita ko din ang pagtingin ni chain sa rearview mirror.

"Hindi namin alam,. Yun lang talaga ang sinabi ni asmo." Sagot ko sa kanila. Yun lang ba talaga? O may iba pa?? Bakit bigla akong kinabahan at hindi mapakali sa aking upu-an.

"Paano..Paano kung..??" sambit ko pero di pa ako nakakatapos magsalita ng biglang mawalan ng control si chain sa manibela at biglang nagse- sway- sway ang van.

"Chain!!!" malakas na sigaw ni kylie ng biglang diretso kaming bumangga sa road side at kinabig ni chain ang manibela pa kanan para di kami dumiretso sa bangin pero nagbabaliktad- liktad ang van. Ramdam ko ang pag bangga ng gilid ng ulo ko sa bintana ng van at ang ilang bubog na sumugat sa katawan ko bago pa dumilim ang paningin ko...


----------------------------------------------------------------------------------

Hi Guys,. Sorry sa matagal na paghihintay,. Hope you like this chap,. Thanks..

Do comment and vote guys,. Thanks.. :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now