Chapter 30: At last, We Meet

3.9K 175 3
                                    



"Arghh.." napahawak ako ng aking ulo ng maramdaman ko ang sakit at hapdi dito. Tiningnan ko naman ang aking palad at nakita kong may dugo dito. Shitt.. kaya pala mahapdi at medyo nahihilo ako.

Bigla nalang akong napasinghap ng maalala ko ang nangyari. Napalibot ako ng paningin at ganun nalang ang kaba ko ng makitang wala na ako sa loob ng van at malaking kutob ko na wala na din ako sa ibabaw ng lupa dahil sa kakaibang enerhiyang nararamdaman ko sa paligid ng medyo madilim na lugar na to.

Nasa isa akong parang silid na parang kweba, puro bato lang ang nakikita ko sa mga pader na to at hindi ko alam kung saan dito ang pintu-an. Pinangkakapa ko ang paligid ng bato at baka sakaling may mga nakatagong button dito na pweding pindutin para bumakas ang isang bahagi ng pader.

Hindi naman ako pweding magsisigaw dito,. Mapapahamak lang ako kapag narinig nila ang aking boses. Mas ayos na to kesa sa malaman nila na gising na ako at puntahan dito at etor- ture..

"Shitt.."napahawak ako sa aking dibdib ng bigla itong sumakit at kumabog ng malakas na parang may nagpipiga dito sa hindi ko malamang dahilan.

"Argh"napaluhod ako sa sahig at napatukod ko ang isang kamay ko sa malamig na sahig na ito.

"Ahhhh!!"malakas na sigaw ko ng hindi ko na talaga makayanan pa ang sakit. Napakagat ako sa aking labi at dumudugo na ito sa pagpipigil kong sumigaw ulit. Napahiga ako napa- gulong- gulong dahil hindi ko na talaga alam kong dibdib ko pa din ang sumasakit o buong katawan ko na.

Napatulo na ang aking mga luha sa sakit at pati palad ko ay nagdurugo na din sa pagkuyom ko neto sa matinding pwersa.

Isang oras pa ang pinag- tiyaga-an ko bago mawala ang sakit at doon lamang ako napahinga ng maluwag.

Pinikit ko nalang ang aking mga mata at hinintay ko nalang na lamunin ulit ako ng kadiliman.

Napamulat ako ng aking mga mata ng maramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi. Napasinghap ako at mabilis na napaupo at napalayo sa nilalang na nasa harapan ko.

Nanginginig ko siyang tiningnan habang umupo siya sa harapan ko at ngumiti.

"Azrael." Mahinang bigkas ko sa pangalan ng nilalang na nasa harapan ko at mas lalong lumapad ang kanyang ngiti.

"Hahahaha.. glad you still know my name, little girl. Although I have to admit that it's kind of awkward to call me by your name too. So, feel free to address me as Azazel it's my new name here anyway." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kanya, although alam kong sa loob ko takot ako sa nilalang nato.

"Kukunin mo na ba ang kaluluwa ko?" tanong ko dito at nawala ang ngiti sa kanyang labi at pinagka- titigan ako.

"Why?? You want me to take your soul now? Hmmm.. There's no fun in there. I can still wait.." napataas ang lahat ng balahibo ko sa katawan ko ng matapos iyong banggitin ni Azazel. Isa lang ang nasisiguro ko, may hinihintay pa siyang mangyari..

"Silver." Mahinang bulong ko sa sarili ko pero tila narinig iyon ni azazel kaya napangiti na naman siya sa akin at hinaplos ulit ang aking pisngi. Napaigtad ako at napakuyom ng aking mga kamao. Kumalma ka Azrael, wala kang laban sa kanya. Pag lumaban ka siguradong mawawala agad yang kaluluwa mo. At hindi mo na makikita si silver..kahit kailan.

Hindi ko alam pero napapatak nalang ang luha sa aking mga mata. Tiningnan naman iyon ni Azazel at pinahid niya ang luhang tumulo sa aking mata.

"You love my son." Hindi tanong yun.. alam niya. Mabuti pa ang ama ni silver alam na mahal ko na ang anak nya pero ang lalaking mahal ko hindi niya alam. At mukhang hindi ko na masasabi pa iyun sa kanya.

"Don't worry little girl, you can still see him before I take my soul back." Malamig na sambit neto at tumayo na sa akin at mabilis na tumalikod at lumusot sa pader na bato.

Shittt..sunod- sunod na patak ng luha ang lumabas sa mata ko.

Ito na ata ang katapusan ko at walang happy ending para sa akin.

Oh silver..


------------------------------------------------------

Hello Guys,.. sensya na sa mahabang paghihintay sa UD.

Hope you like this chap., One more chap coming.. hehehe',.

Do vote, comment and share guys.., Thanks',. :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now