Chapter3: Sir Asungit

7.2K 292 1
                                    


Di ako makatulog hanggang sumikat ang araw kaya parang zombie akong pumasok sa banyo para maligo, kahit na wala akong ganang pumasok ngayon ay di parin ako pwedeng mag absent.

Tulalang naglakad ako palabas sa silid ko, muntik ko na ngang mabangga si mama na kakatok palang sana sa pinto ko.

Sinundan niya lang ako ng tingin hanggang pababa ako sa hagdan namin. Kung paano ko nalaman kahit naka talikod ako? Di ko alam.. Totoo, simula nang nangyari kaninang madaling araw ay di ko na alam ang nangyayari sa sarili ko.

"Azrael,. Okay kalang ba? Bat parang wala ka sa sarili mo? Alam mo ba, kaninang madaling araw may na accidente daw na kotse malapit sa atin. Naku, dead on the spot daw yung binatang driver ng kotse. Mabilis daw kasi ang pagpapatakbo niya at lasing daw iyun. Malakas pa naman ang ulan kaninang umaga, nawalan daw ng control ang driver kaya nagpa- ikot- ikot iyun hanggang sa nabangga sa puno..." di ko na pinakinggan si mama dahil nawalan na ako ng gana.

"Ma.. buhay pa ba ako?" tanong ko dito habang pinaglalaruan ko ang hotdog na nasa plato ko. Napa- nganga naman si mama at tumingin sa akin.

"Ano ka bang bata ka, syempre buhay ka.. Ano bang klaseng tanong iyan, azrael?" napa tango- tango naman ako sa kanya. Sabagay kung patay na talaga ako di ako makikita at makakausap ni mama ngayon.

Tumayo ako at tumalikod at naglakad na palabas.

"Busog na po ako, papasok na po ako." Sabi ko lang dito at umalis na. Nadaanan ko pa ang pinangyarihan ng accidente kaya di talaga mawala sa isip ko ang mga kababalaghang nangyari.

-------

Supprisingly, maaga akong nakarating kaya wala pa masyadong tao sa loob ng classroom namin. Umupo ako sa upu-an ko at umubob dito, pinipilit kong ipikit ang mga mata ko.

Azrael

Napamulat ako at napa- upo ng tuwid ng marinig ko ang malamig na boses. Nilibot ko din ang tingin ko sa kabuu-an ng classroom. Nandito na pala ang ilan sa mga kaklase ko.

Azrael..

Mas lalong nangunot ang noo ko ng marinig ko ulit ang boses na iyun. Pilit kong hinahanap ang boses pero di ko ito malaman- laman kung nasaan.

Azrael.. azrael..

Sino ka? Sabihin mo.. Di ko alam kung nababaliw na ba talaga ako.. Kausapin daw ba ang sarili ko.

"mabuti naman at di kana late ngayon, Himala ata ang nangyayari ngayon. Anong nakain mo pilgrim?" napabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang tinig ni Mr. Asungit. Oras na pala nang first period namin at di ko manlang ito namalayan.

"cheesedog po sir, bakit?? Hihingi ka po ba sir?" nakangiting matamis na saad ko dito, nakita ko na nman ang pamumula ni sir at nakikita ko din ang pag- uusok ng kanya mga ilong at tainga.

"Azrael Pilgrim." Nagngingit- ngit na saad ni sir habang nakatingin sa akin ng masama ang mga kaklase ko naman ay tumatawa ng malakas. Dahan- dahang nawala ang ngiti sa labi ko ng makitang tinutubu-an ng dalawang maliliit na sungay si sir at nagiging maliliit na parang mga pangil ang lahat ng mga ngipin neto at literal na nakikita ko na talaga ang mga usok na nagmumula sa ilong niya.

Napatingin ako sa kanyang mga kamay,. May mga mahahabang mga kuko na matatalim na siya doon na tinatawag na "talons". Napakurap- kurap ako at tumingin ulit kay sir, nanlalaki din ang kanyang mga mata pero mabilis lang itong bumalik sa dati.

Hanggang sa tumalikod na si sir at nagsimulang mag discuss habang ako eto at lutang pa din. Totoo ba yung nakikita ko kanina?? Si sir Asungit naging demonyo.. literal na demonyo.. O baka naman nag hahalucinate ako dahil kulang ako sa tulog, siguro nga ina-antok lang ako kaya pinaglalaru-an ako ng aking imahinasyon.

"Azrael Pilgrim, sa office ko." Napa tango nalang ako ng sabihin iyun ni sir pagkatapos ng klase niya.

-------------------------

"sir??" Tawag ko dito ng makarating na ako sa office niya, medyo madilim sa loob pero nakaka adjust ang mga mata ko sa dilim na parang sanay na sanay na ito.

"Ack.." daing ko ng biglang may sumakal sa akin sa leeg. Di ako makahinga ng maayos, pinagsisipa ko ang nakahawak sa akin pero wala parin silbi.

"Di ko alam kung paano mo ako nakikita sa tunay kung anyo.. pero di bali na dahil papatayin kita ngayon." Sambit ni sir Asungit sa akin na naging demonyo na talaga, so totoo talaga ang nakita ko kanina, at di ako nagha- hallucinate lamang.. Pero, di ko alam sa sarili ko kung bakit di ako nag fre- freak out sa mga nakikita ko na parang isang natural na bagay lang ang mga ito sa akin.

Unti- unti nang nauubos ang hangin sa baga ko at patuloy pa din ako sa pagwawala sa hawak niya. Bigla nalang uminit ang dibdib ko na parang may gustong sumabog dito. Patuloy pa din siya sa pagsasakal sa akin, di ko na talaga kaya..

Ito na talaga ang katapusan ko.. Dito nalang talaga ako mamamatay..

Sa kamay ni sir Asungit.. sa isang demonyo!!..,

---------------------------------------------------------------------------------------------

Hello guys,. So any comments?? Critics?? Opinions there?? Hehehehehe',. Just let me know guys.,

I will greatly appreciate it when you do comments and of course vote for my story. :D hahahaha',. Whoa.. I think I will survive writing this story..- so far!!.,

Sorry sa wrong grammars or typos guys',. You know, I'm not perfect!!!!!

Hope you like thisstory.. this is my first paranormal genre story!! :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now