Chapter 31: Where's my Queen??

4.2K 193 12
                                    


Silver's POV


"Damnit!" singhal ko at pinagsusuntok ko ang pader sa loob ng silid ko. Wala akong pakialam kahit na magkabasag- basag pa lahat ng buto ko sa kamao ko kahit na mapinturahan pa ng dugo ko ang buong silid na to. Wala akong pakialam!

"Fuck, wala kang kwenta silver. Pinabaya-an mo siya, hinaya-an mo siyang kunin sayo." Napahilamos ko nalang ang aking mga palad sa mukha ko.

Laking gulat at pagpanik talaga ang nangyari sa akin ng magkamalay ako at makitang walang azrael sa tabi ko, kahit isang hibla ng buhok niya wala..

Pakiramdam ko noon pinagsakluban ako ng langit at lupa. Wala na akong pakialam kahit na dumudugo pa ang aking katawan at ulo dahil sa mga basag na salamin ng van. Mabilis ko siyang hinanap sa paligid ng van at loob neto pero kahit damit manlang niyang napunit o sapatos ay wala talaga.

Hindi ko alam na ganito pala kasakit na mawala nalang siya bigla sa akin. Yung hindi ko na siya makikita tuwing papasok ako ng classroom o ng dining hall. Yung hindi ko na masisilayan ang maganda niyang ngiti o marinig ang kanyang magandang boses. At kahit manlang ang mahawakan siya..

"Fuck, fuck, fuck.." sinuntok- suntok ko pa ang pader at naglalakihan na ang basag sa pader ko tumatalsik na din kung saan- saan ang aking dugo.

Napatukod ko nalang ang aking noo sa pader at tahimik na tumatangis. Pinapabayaan kong dumaloy ang masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam na mas masakit pa pala to kesa sa pagkawala ng aking ina. Atleast kay ina alam ko kong saan siya hahanapin pero kay azrael, hindi ko alam! Hindi ko alam kung kay Lucifer siya o nasa ama kong maitim ang budhi.

"Silver? Dude?" di ako lumingon at di ko pinansin si chain na pumasok sa silid ko. Araw- araw niya nalang akong pinupuntahan dito sa silid ko at araw- araw niya ding nakikita ang ayos ng silid ko.

"magbibihis lang ako." Yan nalang ang tugon ko sa kanya at kumuha na ng damit sa wasak kong wardrobe. Pinunit ko nalang ang aking white polo shirt na maraming dugo at pinabayaan nalang mahulog sa sahig.

"Alam mo dude,. Sa susunod na punta ko sa housekeeping department ng academy nato sisigawan na nila ako. Araw- araw nalang sila sa buong linggo na to naglilinis at nag- aayos ng silid mo." Pinabaya-an ko nalang siyang dumakdak at pumunta ako sa shoe rack ko at kinuha ang sapatos ko.

"whoa dude,. Mag- ingat ka naman at baka maapakan mo ang mga basag na salamin sa sahig. Di ka pa naman naka sapatos. Tsk tsk.." lumapit ako sa wasak at punit kong kama at sinuot na ang aking sapatos.

"Parang dinaanan ng malalang bagyo ang silid mo dude. Hai.. hindi ko alam na ganyan na pala kalalim ang pagmamahal mo sa kanya, akala ko pa naman dati trip mo lang talagang sundan at bantayan siya.. pero ngayon.. hindi mo na talaga matatago ang nararamdaman mo sa kanya kitang- kita na sa itsura ng silid mo at hmmm.. pati na din sa itsura mo ngayon." Tiningnan ko nalang si chain at tumayo na at naglakad papunta sa iisang bagay na hindi pa nasisira hanggang ngayon. Binuksan ko na ang pintu-an at lumabas bahala nang sumunod si chain sa akin.

Lahat ng mga estudyanteng nadadaan ko ay napapatingin sa akin, di lingid sa kaalaman nilang lahat na kinuha si azrael at mukhang pati ang nararadaman ko kay azrael ay alam na ng buong academy at tanging si azrael lang ang hindi pa nakaka- alam.

Kahit ganun ang nangyari at nalaman nila tila mas naging takot pa sila sa akin. Binibigyan nila ako ng daan agad at agad din silang napapatahimik kahit bulong ay wala na akong may naririnig. Ganito na ba talaga ako ngayon ka nakakatakot? Dati kasi sa tuwing papasok, lalabas, uupo at tatayo lang ako nagiging tahimik ngayon basta nandyan ako sa paligid nila natatahimik sila at napapatigil sa kani- kanilang Gawain parang hinihintay nalang nilang magsimula ako ng gulo.

Napahinga nalang ako ng malalim,. Ngayon, kailangan ko nalang hanapin ang portal papuntang hell. At kung hindi ko man ito mahanap sa sarili kong paraan kailangan kong tanggapin ang alok sa akin ng nilalang na iyon.

Kahit labag sa loob ko esa-sakripisyo ko ang kung anong meron ako para makapunta kay azrael..

Konting hintay nalang aking reyna.. magkikita din tayo...



-------------------------------------

So guys,. What do you think of silver?? Hehehehe',.. I hope you enjoy and like this chapter.

Do comment, vote and share.., thank you!!

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon