Chapter 21: Amon (Part2)

4.9K 256 8
                                    


"You're really stupid,. You exposed yourself now!" napatingin ako ng matalim sa lalaking ito na kung makalait sa akin ay wagas.

"Ito naman ang gusto mo diba? Total naman, gagamitin mo naman ako." Turan ko dito at tiningnan niya naman ako ng seryoso, napa atras ako ng isang hakbang sa kanya. Fuck, ito talagang mga mata niya.. kakaiba kapag tumingin na.

"OO, gagamitin kita pero di ko sinabing ipakita mo sa lahat ang anyo mo!" bigla naman akong naumid sa sinabi niya. Tsk,. Stupid ko nga talaga. Siguradong magiging hot issue na naman ako neto.

"Iwas!!!" bigla kaming napalukso paalis ni silver sa pwesto namin ng marinig namin ang sigaw ni chain. Isang bolang apoy ang bumagsak sa aming pwesto.

"Arghh.. you two are getting in my nerves! Disgusting little fellows.." galit na sambit ni amon sa amin at bumuo na naman siya ng bolang apoy sa kanyang mga kamay. Hinanda ko naman ang aking scythe at ganun na din si silver.

"Come out my minions., and destroy them all!!" sigaw ni amon at biglang may mga maliliit na pulang goblins ang nagsilitawan at umatake sa mga estudyante.

Bigla naman akong napalundag ng mataas ng sumulpot bigla si amon sa aking harapan. At napaiwas ako ng itapon niya sa akin ang isang bolang apoy. "You're mine!" galit na sambit neto at tinapunan niya naman ako ng bolang apoy.

Sinangga ko ito at tumakbo ng mabilis sa kanya at hinataw siya ng scythe pero nakaiwas siya. Bigla naman siyang naka- iwas ng atakehin din siya ni silver mula sa likod.

"I'll kill you both!" galit na turan neto at pinagtataponan kami ni silver ng mga bolang apoy. Sinasangga ko lang ang iba at yung iba naman iniiwas ko nalang.

Umiinit na naman ang aking mga mata at lumabas na naman ang kakaibang aura ng scythe ko. Hinahatak na din neto ang mga strays na malapit sa posisyon ko, nakita ko din sa peripheral ko ang pagtingin ng ilang estudyante sa akin. Ngayon, wala na akong pakielam kahit na malaman nila ang tunay kung pagkatao.

Mabilis akong umatake kay amon na nagtatapon pa din ng mga bolang apoy. At malakas na hinataw ko sa kanya ang scythe ko. Nadali naman ang kanyang braso at dumugo ng itim at umusok.

Galit na tumingin ito sa akin at biglang gumawa ng malaking bolang apoy. Tinapon nya ito sa akin pero malakas ko lang na hinati ang bolang apoy niya at sumabog.

"Arghhh,,. I'm gonna kill you little girl!!" malakas at galit na sigaw neto sa akin at tumakbo siya ng mabilis sa akin habang hinahanda niya ang kanyang kanang kamay na merong bolang apoy.

"Arghhh!!!" malakas na sigaw neto nang biglang maputol ang kanyang kanang braso. Nakita ko si silver sa gilid niya at tumutulo ang dugong nagiging usok. Mas sumiklab ang kanyang galit kaya napasigaw siya ng malakas at inatake bigla si silver.

Tumalsik palayo si silver kaya napasugod din ako kay amon na akmang susugod kay silver. Mabilis kong hinampas ang scythe ko sa kanya kaya nadali ang kanyang kaliwang balikat. Bigla naman siyang tumingin sa akin ng may alab sa mga mata at bigla akong hinawakan sa leeg at malakas na binagsak sa lupa.

"Argh.." daing ko at napasuka ako ng dugo at unti- unting bumangon. Isang bolang apoy na naman sana ang itatapon niya sa akin pero mabilis na umatake sa likod niya si silver. Umiwas siya sa atake ni silver at binato kay silver ang bolang apoy na nahagip ang kanang braso ni silver.

"Ahhh.."malakas na daing ni silver ng masunog ang kanyang braso na tinapunan ng bolag apoy. Tumayo naman ako at hinanda ulit ang scythe ko, mabilis akong tumakbo sa pwesto ni amon at hinataw siya ng scythe ng maiwasan niya ito at masipa ako sa likuran ko habang umaatake naman si silver sa likuran niya at nasipa niya si amon.

Tumalsik kaming pareho ni amon pero napatukod ako sa isang puno na babagsakan ko sana at ganun din siya. Kumuha ako ng pwersa at tumalon pasugod kay amon na tumalon din pasugod sa akin.

Isang malaking impact ang nangyari nang sumalpok ang aking scythe at bolang apoy ni amon na nasa kanyang kamay pa. Bigla akong napalundag palayo sa kanya nang sumugod din si silver kay amon at kagaya ng sa akin ay nagkaroon din ng malakas na impact.

Napalundag din palayo si silver sa kanya. Kaya ngayon napapagitna-an namin si amon. Sunod- sunod na paghinga ng malalim ang nagawa ko at ganun din si silver. Bigla ko namang napahid ang dugong lumabas sa gilid ng bibig ko. Sabay naming hinanda ni silver ang scythe namin at sabay din kaming sumugod kay amon na may bolang apoy na naman sa kanyang mga kamay. Di na nga namin napapansin ang mga nangyayari sa paligid namin dahil kay amon lang kami naka concentrate.

"Ahhh.." malakas na sigaw ko at hinataw ko nang buong lakas ang aking scythe. Nahati ni silver ang bolang apoy ni amon at sa wakas nahati ko naman ang katawan ni amon.

Isang katahimikan ang namayani, at kita ko nalang ang pagiging usok ng mga goblins ni amon at ang pagiging usok din ng katawan ni amon na sumisigaw. Bigla naman akong napaluhod sa lupa at naghahabol ng hininga. Shit,. Mukhang nagamit ko ang lahat ng lakas ko sa labanang iyun hah. Napatukod ako sa lupa at nawala nalang ang aking scythe at bumalik na naman sa second stage ang aking mga mata.

Sa mga nanlalabong mga mata ay nakita ko sina kylie, misty, chain, thanatos at death na tumatakbo papunta sa akin na may mga galos at sugat sa katawan. Napapikit nalang ako ng mga mata ko at ramdam ko nalang ang pagtumba ng katawan ko pero hindi sa lupa kundi sa bisig ng isang nilalang.

"You did a great job, stupid girl." Yan lang ang narinig ko, at napangiti nalang ako habang pumikit na nang tuluyan ang aking mga mata. You too, silver...


---------------------------------------------------------------------------

How's this chappyguys?? Do comment and vote',. Thanks :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now