Chapter 16: The Reapers

5.3K 228 4
                                    


Pang isang linggo ko na dito sa university na ito, at habang tumatagal ay parang nagiging isang freak at weird na ako sa mata ng mga estudyante dito.

Nagtataka na sila sa akin kung bakit di ko pinapalabas ang scythe ko at parati nalang yung reaper's hand ang ginagamit ko tuwing training kasama ang mga kaklase ko. Napapalabas ko naman ang scythe ko tuwing si miss Liza ang kasama ko. Okay na sa akin na may isang nilalang ang nakakakita ng anyo ng scythe ko. Masyado pa namang agaw atensyon ang scythe ko.

"Bukas magkakaroon kayo ng activity, lalabas kayo ng university at mag ha- hunt ng mga strays sa paligid. Ito ang ikalawang actual na pagsusulit na ibibigay sa inyo. Bibigyan kayo ng iba't- ibang lugar na inyong pag papa- patrolan. Nakasalalay sa acitivity ninyo kung makakapag level- up ba kayo, so novices goodluck." Pagkatapos sabihin iyun ng prof namin ay nagsilabasan na kami para sa aming pananghali-an. Pagkatapos ng pananghali-an ay wala na munang pasok dahil sa gaganaping acitivity bukas. Binibigyan kasi ng oras na mag handa ang lahat ng estudyante para bukas.

Rinig kong sabi ng isang kaklase ko ay malalaman mo nalang ang lugar kung saan ka na assign sa iyong black watch. May lalabas daw na address doon at doon ka daw pupunta.

As usual ako ang nasa pinaka huli na naglalakad, pinagtitinginan pa nga nila ako kapag nalalampasan ko yung ibang mga estudyanteng naka tayo sa gilid ng hallway. Medyo nakayuko kasi ako, iniingatan ko na wag iangat ang mukha ko para wag nilang Makita ang mga mata ko. Di pa naman uso ang contact lense dito, napabuntong- hininga na naman ako.

Pagkapasok ko sa great hall ay diretso na akong kumuha ng pagkain at pumunta sa isang table na walang naka upo. Mukhang naireserve na nila sa akin ang table na ito at may invisible na tatak na "for freaks only". Iniwasan ko na mapadaan sa table ng mga reapers na kasalukuyang nag- iingay. Ayaw kong Makita ang mga mata ni silver na nakatingin na naman sa akin.

"hello azrael,. Mind if I sit here?" nakatatlong subo palang ako ng marinig ko ang tinig ni chain. Napahigpit ako ng hawak sa kutsara't tinidor ko ng umupo siya sa harapan ko. Patay,.

"Balita ko, di mo daw ginagamit ang scythe mo tuwing training at palagi ka nalang nakayuko. Bakit ka ba nakayuko?" takang tanong nito sa akin pero di pa din ako umangat ng tingin sa kanya. Ang chismoso din pala ng chain Garret na ito.

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya ng nakayuko pa din at naibaba ko nalang ang kutsara't tinidor ko sa aking pinggan. Ramdam ko na naman ang ilang pagsulyap ng mga estudyante sa akin at ang kanilang pagbubulong.

"Gusto ko lang naman makipag kaibigan sa iyo at sila din pala. Hehehehe.., tsaka kinukulit kasi ako ni kylie. Ang sabi niya kasi ay puntahan daw kita at yayaing kumain sa table namin., Kilala mo naman si kylie diba?" sambit neto sa akin, nagulat ako sa sinabi niya. Ako gusto niyang, nilang maging kaibigan? Sigurado ba siya sa mga pinagsasabi niya? Umiling nalang ako sa tanong niya, di ko naman kasi kilala ang kylie na iyan.

"Pinagloloko mo ba ako? Ikaw? Kayo gusto akong maging kaibigan? At ano naman ang mapapala nyo sa akin?" takang tanong ko habang kumukunot ang aking noo pero di parin ako umaangat ng tingin sa kanya.

"Pwedi bang wag kang yumuko? Di ako sanay na kumakausap sa taong nakayuko eh., hehehehe',." Pero tila wala akong narinig sa mga sinasabi niya.

"Ang tagal mo naman chain,. Sinosolo mo na ata si azrael eh.," nagulat ako ng may biglang magsalita sa gilid namin ni chain. Pero pinigilan kong mapa angat ng mukha, mas yumuko pa ako para di niya Makita ang aking mukha.

"Ano ka ba naman kylie,. Atat lang? Tingnan mo mas yumuko na siya ngayon. Tinakot mo ata." Sambit naman ni chain.

"eh., sa gusto ko na siyang makilala at makasama sa table eh,. Bahala ka diyan chain, basta akin si azrael." Pagmamaktol ni kylie daw at bigla ko nalang naramdaman ang isang kamay na humigit sa akin patayo sa table ko. Di ko na kinaya at napa angat agad ako ng mukha at napatapik ko ang kamay ni kylie na nakahawak sa braso ko sa gulat ko.

"I'm..." di niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang manlalaki ang mga mata niya at napatakip siya ng bibig niya sa dalawang palad niya ng tumingin ito sa mga mata ko.

"Kylie., what's.., wrooooonnggg...??" gulat na sambit din ni chain ng biglang mapatingin siya sa akin na nasa gilid na pala ni kylie at nakahawak sa isang braso neto. Bigla naman akong napayuko at akmang tatalikod ng..

"Kyahhhh.., oh mo,. Oh mo.., hybrid cat eyes!!" malakas na sigaw ni kylie na dahilan para mapasa amin ang buong atensyon ng mga estudyanteng nasa great hall. Nagsi- singhapan naman at bumulong- bulong ang mga estudyante dito. Napa face palm lang ako dahil sa bunganga ng kylie na ito.

"Oh mo.., chain,. She has a beautiful hybrid cat eyes',. Oh my,. I can't believe it.," masayang sambit ni kylie sa tila nag twi- twinkle na mga mata.

"yeah., beautiful.., cat eyes',." Sambit naman ni chain na parang wala sa sarili. Nagulat nalang ako ng higitin ako bigla ni kylie at biglang tumigil sa harap ng isang table. Oh my no....

"Guys,."tawag pansin neto sa mga kasama niya at hinigit ako paharap sa table ng mga reapers.

"Meet azrael Pilgrim,. Azrael meet the reapers." Nakangiting sambit neto ulit sa mga kasama niya. Tumingin ako kay kylie ng naka kunot- noo, paano neto nalaman ang buong pangalan ko? Napatingin naman ako sa mga reapers at tulad kanina ay nagulat sila at ang iba ay nakanganga pwera nalang kay silver na taimtim naka tingin sa mga mata ko. Napaiwas naman ako ng tingin at nagulat na naman ng biglang higitin ako ni kylie paupo sa isang upu-an na nasa harap ni silver at nasa gitna ni kylie at ng isang babae.

"Iniwan mo pa ako doon, kylie.," sambit naman ni chain na dala ang aking tray na may pagkain at nilagay sa harap ko at umupo sa tabi ni silver na nakaharap kay kylie. Ahh.., ang awkward.

"Ahmm.." Shit,. Ang awkward neto at siguradong magiging hot issue na naman ako sa buong university. Napatingin nalang ako sa pinggan ko at nag- iisip kong hahawakan ko ba ang kutsara ko o hindi o ipagpapatuloy ko yung naudlot kong tanong?

"Ow.., I forgot, di mo pa pala kami kilala. So Ako, si kylie strain na maganda ang siyang magsasabi ng mga pangalan nila." Energetic na sambit ni kylie, napahingan nalang ako ng malalim at napatango naman ako sa kanya at tumingin sa kanyang nakangiting mukha. Kahit ngayon lang, nagpapasalamat ako kay kylie at si- nave niya ako sa kahihiyan. Nag- umpisa na siyang magturo at magsambit ng pangalan.

"Kilala mo naman si chain diba?" tanong neto kaya napatango naman ako sa kanya.

"great,. At ang nasa kanan mo ay si misty Leondale at katulad ko ay maganda din siya and the last but diffinitely not the least.., The most powerful here,,. Tentenen.., mr. Silver Dreyard.." masayang sambit ni kylie, napatingin naman ako kay silver ng banggitin ni kylie ang pangalan neto. Wala manlang siyang reaction doon at kumakain lang siya. Napakunot- noo nalang ako, may sariling mundo naman ata ang anak ni azrael.

"hhehehehe.., pagpasensyahan mo na si silver, ganyan na talaga yan. Sanay sanayan nalang yan pero wag mo lang siyang gagalitin at baka mawalan ka ng ulo bigla." Sambit naman ni misty sa mahinang boses. Kung si kylie strain ay maingay at hyper si misty naman ay kabaliktaran ni kylie. Napatango nalang ako at kumain na din, napailing nalang ako ng mahagip ko ng tingin si chain na parang nagmamadali sa kanyang pagkain.

Nilibot ko nalang ang tingin ko sa buong reapers na ito. Busy na silang lahat sa kani- kanilang mga pagkain at mabuti nalang nga at hindi sila nag usisa pa tungkol sa aking mga mata. Napabuntong hininga na nman ako, paano nalang ako iiwas at lalayo sa kanila kung sila mismo ang lumalapit sa akin.

"Your gettin' late., It's 10 mins before your make- up class with miss Liza." Napa angat ako ng tingin at napatitig kay silver ng magsalita ito. Kita ko pa si chain na naka nga- nga at magsusubo pa sana na napalingon kay silver at ramdam ko din ang paghinto ng buong reapers sa kanilang ginagawa at napatingin kay silver.

"How do you know about it?" Takang tanong ko sa kanya ng may nakakunot- noo. Napatitig naman siya sa akin, yan na namang mga titig niya. Napaiwas nalang ako ng tingin at napalunok, shitt.. azrael, nakalimutan mo na ba kung sino yung kausap mo. "Ahmm..,y- yes., I f- forgot." Utal na sambit ko at tiningnan ang aking black watch, shit 10 mins nalang nga ang natitira, tumayo na ako sa upu-an ko at nakatitig silang lahat sa akin.

"Ahmm.., thanks and nice to meet you all." Ngumiti ako ng matipid at Nagmamadaling umalis ng great hall. Tumakbo nalang ako ng mabilis papuntang sirene room kung saan kami magkikita ni miss Liza para sa make- up class ko.

Di ko pa din maiwasanna wag isipin si silver, mukhang sa lahat ng mga nilalang dito sa universitykay silver dreyard ako dapat mag- ingat ng mabuti.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon