Chapter 18: Healing

5K 235 3
                                    


"Azrael!!" napatingin ako kay kylie ng malakas na isinigaw niya ang aking pangalan ng makatapak ako sa lupa na nasa harapan ng university. Marami na ding mga estudyante dito, at mukhang okay naman silang lahat.

Mabilis siyang napatakbo sa aking direksyon habang nakasunod sa kanya si misty.

"Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo?" takang tanong ni misty sa akin, napatingin lang ako sa mukha nila ni kylie at napabagsak sa lupa.. Mabuti pa sila mukhang ilang galos at punit ng damit lang ang nakuha nila habang ako naman ay halos wala ng damit dahil sa nagkasira- sira ito pati na din nga ang aking itim na roba ay nagka punit- punit din. Nanginginig na naman ang aking mga tuhod. Ubos na ubos na ang enerhiyang nasa katawan ko at ubos na din ang aking lakas. Ikaw ba naman ang lumaban ng mag- isa sa isang demonyong incubus, sa isang grupo ng mga aedis at sa isang malakas na demon familiar.

"Teka,. Ba't iba ata ang amoy ng dugong nasa mukha mong tumalsik. May nakalaban ka bang.., Fa- familiar??" takang tanong ni misty na sinang ayunan naman ni kylie., napatango naman ako sa kanilang dalawa.

"Arghhh.." daing ko at napahawak ako sa tiyan ko ng kumirot ito bigla. Napatingin naman sila sa kamay ko, nanlalaki ang kanilang mga mata ng Makita ang dugo kong dumadaloy doon. Napa ubo naman ako ng dugo at doon na silang dalawa nag panic.

"shit.. shit.., azrael',. Shitt.., azrael,. Nasaksak ka ba ng dalang sword ng familiar na iyun?" sa nanghihinang kalagayan ko ay napatango naman ako sa tanong ni kylie. Noong pagkatapos ko kasing maubos ang mga aedis ay bigla nalang akong nakatagpo ng isang familiar. Madaling uminit ang ulo ng familiar na iyun, at alam ko namang di siya basta- basta. Di ko na sana siya kakalabanin pero matigas ang ulo nun at sumiklab nalang bigla ang galit neto sa akin sa di ko malamang dahilan.

Mabuti lang nga at napatay ko siya ng scythe ko pero nasaksak naman ako ng sword niya.

"Delikado para sa atin ang masaksak ng sword ng mga demon familiars, matagal ang proseso ng pag heal ng katawan natin at yung iba di lumalala lang." Bulong naman ni misty.

"Tabi!!" napalingon naman sina kylie at misty ng marinig ang sigaw ni chain., gutay- gutay ang uniform at robe ni chain at may ilang galos siya sa mukha at katawan. Pero hindi si chain ang dahilan ng pagsi-singhapan ng mga estudyante kundi ang lalaking nasa balikat ni chain na walang malay.

"Oh my.., si silver.." rinig kong sambit ni kylie na napatakip sa bibig niya. Umiikot na din ang aking paningin at naubo na naman ako ng dugo. Mabuti nalang at dinaluhan naman ako nina kylie at misty at tinulungang tumayo at maglakad palapit sa gate.

"Anong nangyari??" kalmang tanong ni death ng makarating sila sa harapan ng university. Nagsipasukan nman ang mga estudyante na nasa unahan at nagmamadaling pumasok si chain na buhat- buhat pa din si silver habang nakasunod kaming tatlo sa likod niya.

"Isang prince of hell ang nakalaban ni silver sa locasyon niya. Mukhang tungkol sa papa niya ang nagpa siklab ng galit ni silver kaya napatulan neto si Asmo. Bigla naman kasing dumating si amon na galit na galit at nakita neto si silver.. Sumisiklab ang galit ni amon dahil daw isang reaper ang pumatay sa isang familiar niya." Yun lang ang narinig ko ng klaro bago ako tuluyang mawalan ng malay sa bisig ni thanatos na seryosong nakatingin sa akin at mabilis na dumalo sa pwesto ko.

-----------------------------

"Kung tama ang hinala ko, konektado tong si azrael sa naging sitwasyon ni silver." Bigla ko nalang narinig na boses, magmumulat sana ako ng mga mata ko pero ayaw magbukas neto. Kung tama ako si chain ang nagsasalita ngayon. Ano daw? Kunektado ako sa sitwasyon ni silver?. Ano bang nangyari kay silver?

"Tsk.., ang tigas din naman kasi ng ulo ni silver eh. Alam niya namang wala siyang laban kapag pinairal niya ang galit niya, bakit naman kasi ang locasyong naibigay sa kanya ay nasa teritoryo ni asmo. Kilala naman natin si asmo sa pagiging mapaglaro neto. " sambit ni misty, teka.., bakit nandito sila sa silid ko? Anong ginagawa nila dito?

"May nakalabang isang familiar si azrael,. At siguradong napatay ito ni azrael, di naman mag re- react ng ganun si amon kapag di namatay ang familiar niya. So, yun ang rason kung bakit galit na galit si amon at naibunton niya iyun kay silver. Kung ang nakalaban talaga ni azrael ay yung familiar ni amon. Ang tanong lang... paano napatay ni azrael ang isang familiar ng isang makapangyarihang demonyo? Alam naman nating lahat na sina thanatos, death at silver lang naman ang may kakayahan makapatay sa mga katulad nila. Paanong napatay siya ni azrael??" nagtatakang tanong ni kylie. Kahit gusto kong magmulat ng mata ay di ko magawa, parang hindi pa neto kayang magmulat. At kinakabahan na ako dito, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin oras na malaman nila ang totoo.

Naging tahimik silang tatlo at bigla ko nalang narinig ang pagbukas at pagsara ng pintu-an.

"Kamusta na silang dalawa?" Mas lalong sumikdo ang dibdib ko ng makilala ko ang boses ng taong kakapasok lamang at napa isip naman ako sa tinanong ni death, sinong dalawa ang tinatanong neto?,

"Mabilis lang naman humilom ang mga sugat ni silver at ganun din kay azrael. Ang di lang namin maintindihan ay noong accidenteng nagkadikit ang mga balat ni silver at azrael nagkaroon ng life force healing sa pagitan nilang dalawa. Biglang mas bumilis ang pag heal nilang dalawa, pero noong ihiwalay na sila ay bumalik ito sa dati." Sambit ni chain at tumahimik na naman ang paligid. Life force healing?? Nagkadikit?? Oh my gosh..,

"Hmmm.. malaki pala ang role ni azrael kay silver kung ganun. At.., ang maipapayo ko nalang sa inyo,. Bantayan niyong maigi si azrael kung ayaw niyong makakita ng impyerno sa university na ito." Pagkatapos sabihin ni death ang mga katagang iyun ay narinig ko nalang ang kanyang mga yapak na palabas na ng pintu-an. Binuksan niya ito..

"Gigising din silang dalawa pagkalipas ng dalawang oras." Huling sambit ni death at narinig ko nalang ang pagsara ng pintu-an.

Ano bang pumasok sa kukote ni death at nasabi niyang bantayan ako? Kaya ko namang protektahan ang sarili ko. At anong gigising kami pagkatapos ng dalawang oras? Eh gising na nga ako eh pero di ko lang maimulat ang mga mata ko at maigalaw ang katawan ko.

Bigla ko nalang narinig ang malakas na tawa ni chain sa buong silid, sa tingin ko nasa infirmary na naman ako.

"Shut up chain." Napatahimik nalang bigla si chain at rinig ko ang pag ingit ng kama sa kanan ko. Lumakas na naman ang kaba sa aking dibdib ng marinig ko ang malamig na boses neto. Paanong nakakapagsalita na si silver at nakakagalaw? Eh ako hindi.

"Oy,. Silver dude.., okay kana ba?" masayang tanong ni chain kay silver.

"Lumabas na kayong tatlo." Di manlang sinagot ni silver yung tanong ni chain.. may pagka bastos din ata itong si silver. Narinig ko nalang ang hakbang ng tatlo at ang mahihinang bulong ni chain na nagproprotesta. Bumukas at sumara naman agad ang pintu-an. Narinig ko na naman ang pag ingit ng kama at bigla nalang lumindo ng mahina ang gilid na parte ng hinihiga-an ko.

"azrael.." mahinang sambit neto sa pangalan ko, bigla na namang kumabog ng malakas ang puso ko. Papatayin na ba ako ni silver?? Dadalhin sa papa niya??

Bigla ko nalang naramdaman ang paghawak niya sa ilang buhok ko na nakatabing sa mukha ko at nilagay ito sa likod ng tainga ko.

"Alam ko kung ano ka azrael.." mahinang bulong neto sa akin na tila mas kumalabog pa sa aking dibdib., Bwesit ito na nga ba ang sinasabi ko,.

"magagamit kita sa mga plano ko." Patuloy neto sa pagsasalita. Gusto ko nang imulat ang mga mata ko at umalis sa lugar na ito. Ayaw kong makasama sa isang makitid na lugar si silver. Pinipilit kong imulat at pagalawin ang katawan ko pero ayaw parin. Gagamitin., gagamitin niya ako para saan?? Para sa papa niya??

Bigla ko nalang naramdaman ang kanyang mainit na palad sa mga kamay ko. At ramdam ko ang isang enerhiyang dumadaloy sa aming mga kamay.

"Life force healing,. Hah.." mahinang sambit neto,.parang dinuduyan ako sa antok hanggang sa makatulog na ako... ulit.


---------------------------------------------------------------------------------

Do comment and vote guys',. Thanksss!!

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now