Chapter 15: Silver Dreyard

5K 238 4
                                    


"Azrael, focus.." kanina pa yang sinasabi sa akin ni miss Liza, kanina pa nman ako naka focus pero wala atang balak na lumabas ang scythe ko. Naiinis na nga ako eh, butil- butil na nga ang pawis ko pero wla talaga.

"Argh.., pwedi bang break muna miss?? Naubos na ata ang tubig sa katawan ko, mukhang nahihiya yung scythe ko at ayaw netong lumabas." Sambit ko kay miss Liza at hapong- hapo akong napatukod sa aking mga tuhod.

"Sige, 10 mins.., 10 mins lang azrael at kailangan mo na yang maipalabas. Hindi naman kasi healthy na ang catalyst mo lang ang napapalabas mo palagi." Tumango nalang ako kay miss at naglakad papunta sa isang bleacher at umupo. Kinuha ko din ang towel ko at pinahid ito sa pawis ko, kinuha ko din ang isang bottled water at binuksan ito at tinungga. Wew, relaxing...

Iniisip ko kung may mali ba sa prosesong ginawa ko pero wala naman, so paanong ayaw lumabas ng scythe ko. Naigulo ko nalang ang buhok ko, nakaka frustrate pala neto. Ang natatandaan ko kasing sinabi sa akin ni raziel ay ako lang ang nakakaalam kung paano ko maipapalabas ito.

"times- up, azrael.., umpisahan mo na ulit." Tumayo na ako sa bleacher at pumunta sa gitna ng stadium.Pinikit ko ang mata ko at nag umpisa akong mag concentrate, ramdam ko na naman ang pag click ng isang bahagi ko at ramdam ko na naman ang enerhiyang dumadaloy tuwing napapalabas ko ang catalyst ko o yung bonie hands ko.

"Azrael,. Ang scythe, hindi ang catalyst moh., mali ang pinapalabas mo." Sigaw ni miss Liza sa akin, ginagamit ni miss Liza ang special ability niya ang makakita ng enerhiya sa loob ng katawan ng isang nilalang. Isa din kasing rare case si miss Liza, mukhang powerful ang anghel na ama niya kaya kahit konti ay nagkaroon siya ng special ability.

Tinu- on ko ulit ang atensyon ko sa enerhiyang dumadaloy sa akin, ramdam ko na naman ang pawis na tumulo sa noo ko.

"You're doing it right azrael,. Konti pa." Ramdam ko na naman ang isang enerhiyang dumadaloy sa palapulsuhan ko particularly sa tattoo na nandoon. Bigla na namang uminit ang aking pakiramdam, at unti- unti ko nang naramdaman ang isang malamig na parang staff sa aking kanang kamay.

"Kapag napalabas mo na ang scythe mo, di kana mahihirapan sa pagsummon neto ulit." Rinig kong sambit ulit ni miss Liza, Mas tinu- on ko pa ang enerhiya ko sa kamay ko at di nagtagal ay naimulat ko ang mga mata ko at napatingin ako kay miss Liza na naka nga- nga at napasinghap.

"Miss.." tawag ko dito, at kumurap- kurap ito at tumingin sa scythe ko at sa akin pabalik sa scythe ko.

"Sino ka ba talaga., azrael?'' seryosong sambit neto kaya napalunok ako at unti- unti na namang kinabahan. Pero di ako nagpakita ng kahinaan sa kanya at sinalubong ko ang mga titig niya sa akin.

"Your scythe,. Hindi ito pangkaraniwan." Napabuntong hininga muna siya bago magsalita sa akin. Tiningnan ko naman ang scythe ko, at nagulat ako sa nakita ko. Ibang- iba nga ito sa lahat ng mga scythe na nakita ko.

"Iba ang pinapalabas na aura ng scythe mo, masyadong malakas katulad ng scythe ni silver. Balita ko pa mabilis ding mag heal ang mga sugat mo katulad ni silver. Di na ako magtataka kung malakas at kakaiba si silver dahil nasa dugo na niya iyun pero ikaw., masyado kang kakaiba at hindi namin alam kung saan ka nagmula." Saad ni miss Liza sa akin, napakunot- noo naman ako.Sino ba yang silver na iyan at parang importante talaga siya.

"Kung hindi mo pa kilala si silver, siya ay isang reaper. Siya ang pinaka malakas at delikadong nilalang dito, na kahit sina dean thanatos at death ay mahihirapang i control siya at pabagsakin. Masyadong makapangyarihan ang anak ng totoong anghel ng kamatayan." Napa nga- nga nalang ako sa pagsambit ni miss Liza, hindi ko alam na may anak pala si azrael at nandito siya sa university na ito. Patay na talaga ako neto,. Paano nalang kapag nalaman ng anak ni azrael ang tungkol sa akin? Kailangan ko siyang iwasan kung ganun.

"Well,. Pasensya na sa reaction ko pero nakakagulat talaga ang mga ipinakikita mo." Napabuntong- hininga nalang ako at tiningnan ang scythe ko. 6 feet ang taas nito na kulay dark blue na mayroong violet aurang nakapalibot dito. Yung blade naman niya ay may habang 3 feet na naka crescent moon, naka extend din ang blade neto sa likuran neto. Manipis na ang talim- talim ng blade neto na pwedi pang salaminan, naglalabas ito ng aura at halimuyak ng isang rosas. Parang ang ga-an ga-an lang netong dalhin pero kung titingnan mo ay mabigat na mabigat.

"Mawawala lang naman ang scythe mo kung iisipin mo. At mapapadali mo na itong mapapalabas. Hawakan mo lang ang tattoo na nasa palapulsuhan mo at isipin ang scythe mo at lalabas lang ito." Saad ni miss Liza at tumango lang ako sa kanya, pinawala ko na ang scythe ko.

"Ano pong itsura ni Silver?" tanong ko kay miss Liza pero tumawa lang ito sa akin.

"makikila mo lang si silver kapag tumahimik ang lahat ng estudyanteng nasa paligid neto kapag naglakad siya sa gitna nila." Pa ngiti- ngiting sambit neto at naglakad na palabas sa stadium, mukhang alam ko na kung sino si silver. Ang taong kailangan kung iwasan simula ngayon.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن