Chapter 35: What the Hell?

4.7K 179 1
                                    


Ilang araw na ang lumipas matapos ang mangyari sa amin, at ito balik na naman kami sa dati. Tuloy pa din naman kami sa pagha- hunt sa mga pure souls at tuloy pa din kami sa pagpapatay sa ilang aedes na makikita namin. At habang sina thanatos naman at death ay nag- papalit- palit para sa pag ma- manage ng soul palace ni azazel, sila naman kasi ang familiar ni azazel eh.

Habang hindi ko na tinatago ang totoong ako, parati na din kaming magkasama ni silver. Palagi na siyang nakangiti pero sa akin lang kapag naman sa iba eh ganun pa din siya pero hindi na tulad ng dati na parang nakakatakot siyang e- approach.

Pero minsan tuwing gabi may napapansin akong kakaiba kay silver. Noong una, hindi ko ito nahalata pero kalaunan napapansin ko na talaga ito tulad ngayon.

"Silver, are you okay?" nagtatakang tanong ko dito habang tila may iniinda siyang sakit at parang nanginginig ang kanyang mga kamay.

"I'm okay, don't worry. Just sleep." Nakangiting sambit neto sa akin, pero alam kong may mali talaga sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at sinubsob niya ang kanyang mukha sa bandang leeg ko habang nakahiga kami dito sa loob ng aking silid. Simula kasi ng makalabas na ako sa infirmary at maging maayos na ako ay palagi na kaming magkatabing matulog ni silver. Minsan nandoon kami sa kanyang silid at minsan naman nandito sa aking silid.

Wala naman kasing magagawa sina death at thanatos kapag di sila pumayag sa ginagawa ni silver at tsaka alam naman ng dalawa na pareho kami ni silver na wala nang babalikang pamilya, walang sasandalan kundi kaming dalawa lamang.

Ayaw naman kasi ni silver na pumunta ng soul palace para siya ang mag- manage. Hindi niya gustong maburo sa loob ng palasyong iyon.

Kahit na sa huling pagkakataon ay bumaba na naman si Raziel upang sabihin na baka hindi na makababa si azazel sa soul palace at si silver ang papalit kay azazel bilang isang grim reaper.

May 5 taon pa si azazel na palugit doon sa itaas at kapag di parin naaayos ng mabuti ang kanyang kaluluwa at papalit na si silver sa kanya sa ayaw't sa gusto neto habang ako naman ay naatasang magbantay at pumatay sa mga demonyong may masamang gagawin dito sa ibabaw.

Hindi naman kasi lahat ng mga demonyo dito sa lupa ay may gagawin ng masama ang iba dito ay naghahanap lang ng pagkalibangan at ang iba naman ay kanilang mga pagkain. May limit lang nga lang sila, at hindi sila pweding lumagpas sa limit. At kapag lumagpas sila ay ako ang kanilang makakaharap.

Umoo na din kasi si Lucifer dito at walang problema naman sa kanya. Ito lang kasi ang tanging paraan para maging balanse ang mundong ito. Kailangan natin ng demonyo at anghel para maging balanase ang lahat.

Napatingin na naman ako sa kanya ng maramdaman ko na naman ang kanyang panginginig at ang unti- unting pagpawis ng kanyang katawan.

"Shit, silver. Anong nangyayari sayo?" nagpapanik na tanong ko habang napapaupo ako at naka- fetal position na siya.

"A-azrael..shit, Ahhhh.." namimilipit na impit neto habang parang hindi ko alam ang gagawin, hanggang sa tila may isang kulay lilang tinta na parang tribal vines ang biglang lumabas sa kanang balikat ni silver papunta sa kanyang braso at hanggang sa parang nilalamon neto ang buong katawan ni silver.

"Silver, ano yan?" gulat na tanong ko habang pinagmamasdan ko pa din ang lilang tribal vines na yun na gumagalaw at pinupuno neto ang likuran ni silver. Naka half- naked kasi si silver kaya kitang- kita ko ang nangyayari sa kanyang katawan.

Naka- fetal position pa din siya habang tila hinahabol na ang kanyang hininga at nakahawak siya sa kanyang puso.

"It's the curse made by asmo, I trade with him in order to save you. This, this curse is the payment." Sambit neto ilang minuto bago naging stable ang kanyang pakiramdam.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon