Chapter4: Raziel

7.5K 255 3
                                    


"Ack... Bi- Bita- wan.. ack m-mo.. ack.. a-ako.." utal- utal na sambit ko kay sir Asungit na demonyo. Pero ngumingiti lamang ito sa akin na tila aliw na aliw sa nakikita niya at mas hinigpitan nya pa ang pagsasakal sa akin.

Napatirik na ang mga mata ko at ilang Segundo nalang ay alam ko nang mamatay na talaga ako sa kanyang mga kamay. Pero patuloy pa din sa pag- iinit ang aking dibdib na tila may isang malakas na pwersa ang gustong makawala.

Di ko na alam ang gagawin ko at patuloy pa din sa pagsakal sa akin ang demonyong ito habang unti- unti nang nagdidilim ang aking mga paningin.

"Ack.., ahhhh..." sa tila hinang- hinang boses ko ay mahigpit akong napahawak sa kamay ng demonyo na nasa leeg ko lang. Humigpit ang hawak ko dito na tila dito na nakasalalay ang aking buhay.

Di ko na talaga kaya ang sakit at init na nasa dibdib ko. Parang dito pa ata ako mamatay at hindi sa pagsakal sa akin.

"Ugh.." rinig kong ungol ni sir demonyo at napabitaw ito sa akin. Lumagapak naman ako sa sahig at hapong- hapong napatukod sa sahig.

"Pa- paanong...??" tila sa naglalakihang mga matang sambit ni sir sa akin na nakatingin ng may pagkatakot?? Pagkalito?? At galit..

"De- demonyo ka..." hinang bigkas ko dito at tila naglagablab na naman ang aking dibdib. Sa di ko malamang dahilan ay mabilis akong nakatayo sa aking mga paa at mabilis na sinunggaban si sir sa leeg at sinandal sa pader.

Di ko alam kung saan nanggagaling ang init at galit na nararamdam ko na kumukontrol sa akin. Parang uminit na din bigla ang aking mga mata at naramdaman ko nalang na parang nagsisigalawan ang aking mga buto sa kamay na tila ba humahaba ang mga ito.

Ang sakit nang mga kamay ko pero mas na- aalarma ako sa galit na nararamdaman ko at nababaliwala ang sakit na patuloy na dumadaloy sa mga kamay ko.

"S-sino ..k-ka..." nahihirapang saad ni sir sa akin. Kani- kanina lang ako ang nasa posisyon niya ngayon siya naman. Mas umigting ang aking galit ng bigla niya akong kalmutin sa braso.

Napunit ang aking longsleve na uniform at napunit din ang aking balat. Dumugo ang braso ko, at ramdam na ramdam ko ang hapdi at sakit dito.

Naglalangit- ngit sa galit ang aking mga ngipin at sa paghigpit ng pagsakal ko ay siya ding pag baon ng aking mga kamay sa leeg niya. Nang maramdaman ko ang laman at malagkit na dugo neto sa aking mga palad ay napahugot at napabitaw ako sa kanya.

Bigla nalang nawala ang galit na kumukontrol sa akin, Parang mapuputol na ang leeg neto ng tingnan ko si sir na nasa paanan ko lamang. Ang daming dugong nasa sahig na umaagos sa kanyang leeg. Napatingin naman ako sa aking mga kamay.

Napasinghap ako ng makitang hindi na ito ang aking mga kamay.

"Paanong..?? Anong..?? bakit ganito??" naguguluhang sambit ko dito habang pinagmamasdan ko ang mga mahahabang daliri ko na naging buto nalang at tumalim. Parang ini- stretch ang mga ito at nawala ang mga laman at balat dito, tanging kulay puting may mga bahid ng dugo ang kulay neto ngayon.

Di ko alam kung anong gagawin ko. Di ko alam kung anong uunahin ko, si sir ba na naging demonyong nakahandusay sa sahig at naliligo sa dugo niya o ang aking mga kamay na naging ganito?.

"Hindi ako ito.. hindi.." pa iling- iling na sambit ko habang paatras ako ng paatras sa pwesto ko kanina lang. Tumutulo na ang mga luha sa mga mata ko habang patuloy pa din ako sa pag atras at pag- iling habang nakatingin pa din ako sa aking mga kamay.

"Azrael.." ayan na naman ang boses na yan pero alam ko nang nasa harapan ko na ngayon ang tumatawag sa akin.

Dahan- dahan kong tiningnan ang nasa harapan ko at napasinghap lamang ako sa nakikita ko ngayon.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now