Chapter 19: Siviel

5K 228 5
                                    


It's been two days nang mangyari ang activity namin at marami- rami na sa mga novices ang napunta sa apprentice. Pero heto ako at novice pa din, maliit na bilang lang kasi ng strays ang nakuha ng box ko kasi mas madami pa ata ang nahigop ng aking scythe.

Iniiwasan ko na din ang mapalapit sa reapers, lalong- lalo na kay silver dreyard. Kapag breakfast, lunch at dinner palagi akong nahuhuli para di ko sila makasabay sa pagkain. Tuloy pa nman ang training at make- up class ko kay miss Liza.

Nagco- combating na nga kaming dalawa para daw mas masanay ako sa paggamit ng scythe ko at mga pakpak. Pinapalabas niya din naman kasi ang mga pakpak niya para makapag aerial fight kaming dalawa.

Ang ina kasi ni miss Liza ay isang reaper at ang kanyang ama naman ay isang anghel. Namatay daw yung mama niya sa pagpro- protekta sa kanya noon habang ang kanyang ama nman ay namatay sa digma-an noon ng mga demonyo at anghel, isa kasing knight na may special ability ang ama niya kaya sila ang pangunahing tagalaban sa mga demonyo at sa kanya din namana ni miss Liza ang special ability niyang makakita ng mga aura sa loob ng katawan ng mga nilalang pero may limit lang nga ito.

"Goodnight, azrael tomorrow again." Nakangiting sambit sa akin ni miss Liza ng matapos na ang class namin. Gabi nadin kasi at tulog na siguro ang ilan sa mga estudyante sa university. Tumango lang ako sa kanya at naglakad na paalis.

Napahinga ako ng malalim, ang tahimik ng main building kapag ganitong gabi pagkatapos kong mag training. Napayakap ako sa sarili ko nang makalabas na ako sa main building nang university, ang lamig kasi ng hangin. Maglalakad pa ako patungo sa dorm tower, di naman ako natatakot kung nag- iisa lang ako.

Bigla nalang akong napahinto sa paglalakad ng may maramdaman akong kakaiba sa paligid. Pinakiramdaman ko lang ito at nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng tahimik sa pathway.

May bigla namang kumaluskos sa kanan ko kaya napatingin ako dito at napahinto. Pinukos ko pa ang mga mata ko sa dilim at napa atras nalang ako ng dalawang hakbang ng Makita ko ang dalawang dilaw na mga mata.

Bigla naman itong umungol at tumalon sa akin kaya mas napa atras pa din ako at biglang natumba dahil sa maliit na bato na naapakan ko.

"Argh.." daing ko at napangiwi ng bumagsak ako, nagka sprain pa ata ako sa kanang paa ko, bwesit na bato. Naibalik naman ako sa sarili ko ng biglang may dumila sa aking kanang pisngi. Nagulat ako ng Makita ko ang lobong sing puti ng nyebe na mayroong itim na collar at isang pendant na letrang S na kulay silver na nakalagay sa kanyang leeg.

Ito yung nilalang na nakita ko kani- kanina lang, Tinukod ko yung dalawa kong kamay at unti- unti akong tumayo. Pero di ko pa naaapak ang paa ko ay natumba na naman ako, mabuti lang nga at inaalalayan ako ng puting lobong ito.

Umuungol ito sa akin na tila nagtatanong kung okay lang ba ako. Napatango naman ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad pero pa ika- ika lamang ako habang siya naman ay inaalalayan parin ako. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lobong ito. Pero nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil tinutulungan niya ako.

Inaalalayan niya pa din ako hanggang sa maka abot kami sa 9th floor ng dorm. Butil- butil na din ang pawis ko sa noo dahil sa paa ko. Hindi ko alam kung nabali ba yung buto ko sa paa, na twist o na sprain lang. Alam ko naman na mag he- heal lang ito kaya pinabaya-an ko na.

Hanggang sa makahiga ako sa kama ko ay inaalalayan niya pa din ako. Ang galing naman ng lobong ito, sino kaya ang may ari neto? Ang galing niyang mag train eh.

"salamat sa pagtulong sa akin,. Teka ano bang itatawag ko sayo?" sambit ko sa lobong umakyat sa kama ko at humiga sa tabi ko at nakamasid sa akin. Hinawakan ko naman ang kanyang balahibo na nasa ulo neto at hinimas- himas ang lambot naman..

Umungol lang ito na tila nagugustuhan niya at pinikit- pikit niya ang kanyang mga mata.

"ahh.., tatawagin nalang kitang siviel, total letrang S naman yung naka engrave sa pendant mo eh." Nakangiting pahayag ko dito pero lumapit lang ito sa akin at kiniskis ang ulo niya sa gilid ko.

Pinagmasdan ko lang siya at hinimas- himas hanggang sa makatulog siya at makaramdam ako ng pagod at antok.

---------------------

Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kung hindi ako nag- iisa sa loob ng silid ko.

"Anong ginagawa mo dito sa silid ko?" madiing tanong ko sa lalaking naka upo sa gilid ng kama ko na malapit kay siviel at nakatingin ng mariin sa akin. Yan na namang mga mata niya, pero napatitig ako sa kanyang mga mata. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin at binaling iyun kay siviel na tulog pa din sa kama ko. Nanlalaki nalang yung mga mata ko ng makitang hinihimas neto ang bandang leeg ni siviel.

"Wag mo nga siyang hawakan." Galit na sambit ko dito at napatingin naman siya sa akin pero this time nakikita ko yung amusement sa kanyang mga mata.

"And why would I do that?" takang tanong neto sa tila na a- amuse pa ding mga mata.

"because.., because..." tila naumid ang dila ko dahil wala naman akong mairarason sa kanya.

"because..?"

"Because, siviel is mine." Mabilis na sambit ko dito at bigla naman siyang humalakhak sa di ko malamang dahilan. Teka, may nakakatuwa ba sa sinabi ko? Parang wala naman ah.

"Because,. He's yours?? And you name him siviel? Well, that's ahmmm.., cool?" may mapang asar na sambit neto sa akin na nagpakunot ng aking noo. Pinaglalaruan ba ako ng lalaking ito.

"the hell you care, as far as I know.. we are not acquaintance silver nor were friends. So bakit nandito ka sa silid ko at hinihimas na parang sayo si siviel. Eh ako ang nakakita sa kanya at sa akin siya sumama." Napa seryoso naman siya bigla at tumingin ng mariin sa akin. Napalunok ako ng laway ko dahil sa mga titig niya. Lahat ata ng tapang ko ay biglang nawala dahil lamang sa mga titig niya. There's something in him na kakatakutan mo sa titig niya palang.

"Hell I care, you're right were not acquaintance nor were friends because you don't acknowledge me as well as am I, so were even. And about why I'm here in your room? I'm gettin' back what's mine, and that wolf your calling siviel.. he's mine. I just let you borrow him for a while and for the record he's name is frost so don't call him siviel." Napanganga ako sa mga sinabi niya at tila binuhusan ng malamig na tubig. I don't know what to say and to react. Oh my gosh.., malaking kahihiyan ito. Malay ko naman kasing sa kanya pala yang si siviel I mean si frost.

"Come., frost.." sambit neto ng tumayo na ito at tumalikod at naglakad papunta sa pintu-an ko. Sinundan ko lang ng tingin ang kanyang likod hanggang sa sumunod sa kanya si siviel I mean si frost. Napalingon naman sa akin si frost ng buksan na ni silver yung pintu-an ko, napaiwas naman ako ng tingin sa wolf at bumuntong hininga.

"wait..," mahinang sambit ko ng isang paa na ni silver ang nasa hamba ng pinto. Di naman siya lumingon sa akin pero huminto pa din siya.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Thanks, for letting me borrow frost." Sambit ko., tatlong Segundo lang at sinirado niya din ang aking pinto. Napatapal nalang ako sa aking noo., bakit ba kasi tuwing si silver na ang kaharap ko hindi ko alam kung paano mag re- react ng tama?


-----------------------------------------------------------------------------------

Sensya sa matagal na UD!!., do vote and comments guys',. thanks.., :)

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now