Chapter 13: Chain Garret

5K 215 1
                                    


Napa buntong hininga na naman ako, paano ba naman kahit kasi hindi nila sabihin sa akin ay alam kung nawiweirdohan sila sa akin.


Yung mga kaklase kung nag bu- bulungan dahil sa nangyari noon sa training. Di na nga ako naka attend ng make- up class kay miss Liza dahil parang hinang- hina pa din ang katawan ko.

Ito na nga ang sinasabi ko eh, ayaw ko ng atensyon pero mukhang ang atensyon na nga ang lumalapit sa akin. Kung sana di nalang nangyari yung training kahapon edi sana di ako ang hot issue ngayon.

Buong university na ata ang nakakaalam ng nangyari kahapon mas lalo pang naging hot issue talaga dahil nandoon ang mga reapers at isa pala sa kanila ang sumalo sa akin. Nakakainis lang, at ngayon mukhang may papasalamatan pa ako isa sa kanila.

Naiirita na nga ako sa kanilang binubulong eh, pero wala akong magagawa di ko dapat pairalin ang pagiging mainiting ulo ko dito. Baka kasi mawalan ako ng control at gumawa ako ng malaking eksenang pagsisihan ko ng malaki.

For the nth time napabuntong hininga na naman ako, lunch time na nga at lahat ng mga estudyante ay papunta na sa great hall. At eto ako naglalakad sa gitna ng mga estudyante pa sulyap- sulyap sa akin at nagbubulungan. Napailing na lang ako at patuloy sa paglalakad.

Pagkatapos kung kumuha ng pagkain ay umupo ulit ako doon sa mesang inupu-an ko noong kumain ako dito. Mabuti lang nga at walang may naglakas loob na umupo sa mesa ko. Para namang may nakakahawang sakit ako neto.

Patuloy lang sila sa pagdadaldalan, medyo maingay na ang great hall pero di naman yung nakakairita talagang ingay. Kumain lang ako dito ng biglang may umupo sa tapat ko. Naibaba ko ang kutsara ko at napa- angat ako ng tingin sa taong umupo sa harap ko. Una kong nakita ang neck- tie niyang may itim na pin. Napamura nalang ako sa isip ko, siguradong magiging hot issue na naman ito.

"Hello, I'm chain Garret.., you're that novice who got attacked by those aedis, right." Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, ramdam ko kasi ang pagtahimik ng buong great hall at ilang mga matang nakatingin sa direksyon namin. Napahinga na naman ako ng malalim, play it cool azrael,. Play it cool.

"Yeah,. Azrael Pilgrim.." sambit ko dito, di ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya o ano.

"Whoa.., nice name!, " amuse na sambit neto habang pangiti- ngiti pa. Napangiwi nalang ako dahil sa kanya, alam ko kung bakit na a- amuse siya sa pangalan ko.

"Yeah right., Really nice name..," sambit ko nalang na tila napangiwi pa din. Bigla naman siyang humalakhak kaya mas lalo atang naging tahimik ang buong great hall at ramdam ko ang ilang matatalim na tingin na napupukol sa akin.

"well,. I just wanted to know the name of the girl who I brought to the infirmary, so nice meeting you Azrael Pilgrim." Nakangiting sambit neto sa akin na tinitigan ako sa mga mata. Ahh,. Siya pala ang nagdala sa akin sa infirmary.

"oh,. Thanks for that one and it's so nice to meet you too." Sambit ko dito di ko alam kung naging sarcastic ba ang pagkakasabi ko dito pero tumayo na ito pero bago pa siya makatayo ay ginulo niya muna ang buhok ko. Nagulat ako doon at hindi naka react agad dahil umalis na siya at pinasok ang dalawang kamay sa kanyang mga bulsa. Tiningnan ko lang ang likod niyang naglalakad papunta sa gitnang table kung saan naka upo ang mga reapers.

Sinalubong agad siya doon ng mga tanong sa tingin ko lang dahil medyo umingay ang table nila at nagsi ingayan na din ang mga estudyante sa great hall ng maka alis na si chain sa table ko.

Iiwas na sana ako ng tingin ng mahagip ko si kuyang gwapo na kumaladkad sa akin kahapon. Nagulat nalang ako ng makitang nakatingin siya sa akin katulad ng pagkakatingin niya noon sa loob ako ng force field. Napakunot- noo ako at bumaling siya sa ibang direksyon. Ano bang problema niya sa akin at bakit ganyan siya makatingin.

Biglang tumahimik ang buong great hall ng biglang tumayo si kuyang gwapo. Wala siyang pasabing umalis sa table nila at naglakad palabas sa hall. Pagkalabas niya ay siya na namang pagbabalik ng ingay sa loob. Ano bang nangyayari?? Bakit ganun ang reaction ng mga estudyante pati na din yung mga kasama niya.

Parang isa siyang hari na sa isang pitik ng kamay niya ay kaya ka niyang pasunudin sa gusto niya. Kita ko din ang pag- iling at pag buntong- hininga ni chain bago nagpatuloy sa pagkain niya.

Di ko na inubos angpagkain ko at tumayo na din, tiningnan ko muna ang black watch ko atnagmamadaling umalis sa hall. Shit,. Male- late ako kay miss Liza.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Where stories live. Discover now